Surah Al-FatihahBegins here at 1:1
-
1:1
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Bismil lahir Raḥmaanir Ra-ḥeem
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
-
1:2
ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
Al-Ḥamdu Lillaahi Rabbil ʻAalameen;
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,
-
1:3
ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ʹAr-Raḥmaanir Raḥeem;
ang Napakamaawain, ang Maawain,
-
1:4
مَـٰلِكِ يَوْمِ ٱلدِّينِ
Maaliki Yawmid Deen!
ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
-
1:5
إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ
ʹIyyaaka naʻbudu wa-ʹiyyaaka nastaʻeen.
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
-
1:6
ٱهْدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلْمُسْتَقِيمَ
ʹIhdinaṣ Ṣiraaṭal Mustaq̣eem.
Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
-
1:7
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ ٱلْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
Ṣiraaṭal laẓeena ʹanʻamta ʻalayhim G̣ayril mag̣ḍoobi ʻalayhim wa-laḍ ḍaaalleen.
ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.
Surah Al-BaqarahBegins here at 2:1
-
2:1
الٓمٓ
ʹAlif-laaam-meeem.
Alif. Lām. Mīm.
-
2:2
ذَٰلِكَ ٱلْكِتَـٰبُ لَا رَيْبَ ۛ فِيهِ ۛ هُدًى لِّلْمُتَّقِينَ
Ẓaalikal Kitaabu laa - rayba feeh. Hudal lil-Muttaq̣een;
Ang Aklat na ito ay walang pag-aalinlangan dito, isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,
-
2:3
ٱلَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِٱلْغَيْبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقْنَـٰهُمْ يُنفِقُونَ
ʹAllaẓeena yuʹminoona bil-G̣aybi wa-yuq̣eemoonaṣ Ṣalaata wa-mimmaa razaq̣naahum yuñfiq̣oon;
na mga sumasampalataya sa nakalingid, nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,
-
2:4
وَٱلَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيْكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبْلِكَ وَبِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ
Wallaẓeena yuʹminoona bimaaa ʹuñzila ʹilayka wa-maaa ʹuñzila miñ q̣ablik, wa-bilʹAakhirati hum yooq̣inoon.
na mga sumasampalataya sa [Qur’ān na] pinababa sa iyo at sa pinababa bago mo pa, at sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak.
-
2:5
أُو۟لَـٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِّن رَّبِّهِمْ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ
ʹUlaaaʹika ʻalaa Hudam mir Rabbihim, wa-ʹulaaaʹika humul Mufliḥoon.
Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
-
2:6
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ سَوَآءٌ عَلَيْهِمْ ءَأَنذَرْتَهُمْ أَمْ لَمْ تُنذِرْهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
ʹInnal laẓeena Kafaroo sawaaaʹun ʻalayhim ʹaʹañẓartahum ʹam lam tuñẓirhum laa yuʹminoon.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya – magkapantay sa kanila nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila – ay hindi sumasampalataya.
-
2:7
خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَعَلَىٰ سَمْعِهِمْ ۖ وَعَلَىٰٓ أَبْصَـٰرِهِمْ غِشَـٰوَةٌ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Khatamal laahu ʻalaa q̣uloobihim wa-ʻalaa samʻihim, wa-ʻalaaa ʹabṣaarihim g̣ishaawah; wa-lahum ʻaẓaabun ʻaz̤̣eem.
Magpapasak si Allāh sa mga puso nila at sa pandinig nila. Sa mga paningin nila ay may pambalot. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.
-
2:8
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ وَمَا هُم بِمُؤْمِنِينَ
Wa-minan naasi mañy yaq̣oolu ʹaamannaa billaahi wa-bil-Yawmil ʹAakhiri wa-maa hum̃ bimuʹmineen.
Mayroon sa mga [mapagpaimbabaw] tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw,” samantalang hindi sila mga mananampalataya.
-
2:9
يُخَـٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَمَا يَخْدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ
Yukhaadiʻoonal laaha wallaẓeena ʹaamanoo: wa-maa Yakhdaʻoona ʹillaaa ʹañfusahum wa-maa yashʻuroon.
Nagtatangka silang mandaya kay Allāh at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman.
-
2:10
فِى قُلُوبِهِم مَّرَضٌ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَكْذِبُونَ
Fee q̣uloobihim maraḍuñ fazaadahumul laahu Maraḍaa. Wa-lahum ʻaẓaabun ʹaleemum̃ bimaa Kaanoo Yakẓiboon.
Sa mga puso nila ay may sakit [ng pagdududa], at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng sakit. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling.
-
2:11
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا تُفْسِدُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ قَالُوٓا۟ إِنَّمَا نَحْنُ مُصْلِحُونَ
Wa-ʹiẓaa q̣eela lahum laa- tufsidoo fil ʹarḍi q̣aalooo ʹinnamaa naḥnu muṣliḥoon.
Kapag sinabi sa kanila: “Huwag kayong tagagulo sa lupa,” nagsasabi sila: “Kami ay mga tagapagsaayos lamang.”
-
2:12
أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلْمُفْسِدُونَ وَلَـٰكِن لَّا يَشْعُرُونَ
ʹAlaaa ʹinnahum humul mufsidoona wa-laakil laa yashʻuroon.
Pansinin, tunay na sila ay ang mga tagapagtiwali subalit hindi sila nakararamdam.
-
2:13
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ ءَامِنُوا۟ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓا۟ أَنُؤْمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُ ۗ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَـٰكِن لَّا يَعْلَمُونَ
Wa-ʹiẓaa q̣eela lahum ʹaaminoo kamaaa ʹaamanan naasu q̣aalooo ʹanuʹminu kamaaa ʹaamanas sufahaaaʹ? ʹAlaaa ʹinnahum humus sufahaaaʹu wa-laakil laa yaʻlamoon.
Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga [maaayos na] tao” ay nagsasabi sila: “Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?” Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman.
-
2:14
وَإِذَا لَقُوا۟ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوْا۟ إِلَىٰ شَيَـٰطِينِهِمْ قَالُوٓا۟ إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِءُونَ
Wa-ʹiẓaa laq̣ul laẓeena ʹaamanoo q̣aalooo ʹaamannaa, wa-ʹiẓaa Khalaw ʹilaa Shayaaṭeenihim q̣aalooo ʹinnaa maʻakum ʹinnamaa naḥnu mustahziʹoon.
Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami [gaya ninyo],” ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo [na pinuno] nila ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang.”
-
2:15
ٱللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِى طُغْيَـٰنِهِمْ يَعْمَهُونَ
ʹAllaahu yastahziʹu bihim wa-yamudduhum fee ṭug̣yaanihim yaʻmahoon.
Si Allāh ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
-
2:16
أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشْتَرَوُا۟ ٱلضَّلَـٰلَةَ بِٱلْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَـٰرَتُهُمْ وَمَا كَانُوا۟ مُهْتَدِينَ
ʹUlaaaʹikal laẓeenash tarawuḍ ḍalaalata bilhudaa: famaa Rabiḥat tijaaratuhum wa-maa Kaanoo Muhtadeen.
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan nila. Hindi sila noon mga napatnubayan.
-
2:17
مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ ٱلَّذِى ٱسْتَوْقَدَ نَارًا فَلَمَّآ أَضَآءَتْ مَا حَوْلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِى ظُلُمَـٰتٍ لَّا يُبْصِرُونَ
Mas̤aluhum Kamas̤alil laẓis tawq̣ada Naaraa; falammaaa ʹaḍaaaʹat maa- ḥawlahoo ẓahabal laahu binoorihim wa-tarakahum fee z̤̣ulumaatil laa Yubṣiroon.
Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si Allāh sa liwanag nila at nag-iwan Siya sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita.
-
2:18
صُمٌّۢ بُكْمٌ عُمْىٌ فَهُمْ لَا يَرْجِعُونَ
Ṣummum bukmun ʻumyuñ fahum laa- yarjiʻoon.
Mga bingi, na mga pipi, na mga bulag, kaya sila ay hindi bumabalik [mula sa pagkaligaw].
-
2:19
أَوْ كَصَيِّبٍ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَـٰتٌ وَرَعْدٌ وَبَرْقٌ يَجْعَلُونَ أَصَـٰبِعَهُمْ فِىٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلْمَوْتِ ۚ وَٱللَّهُ مُحِيطٌۢ بِٱلْكَـٰفِرِينَ
ʹAw kaṣayyibim minas samaaaʹi feehi z̤̣ulumaatuñw wa-raʻduñw wa-barq̣: yajʻaloona ʹaṣaabiʻahum feee ʹaaẓaanihim minaṣ ṣawaaʻiq̣i ḥaẓaral mawt. Wallaaḥu Muḥeeṭum bilkaafireen.
O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik dala ng hilakbot sa kamatayan. Si Allāh ay Tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya.
-
2:20
يَكَادُ ٱلْبَرْقُ يَخْطَفُ أَبْصَـٰرَهُمْ ۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوْا۟ فِيهِ وَإِذَآ أَظْلَمَ عَلَيْهِمْ قَامُوا۟ ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمْعِهِمْ وَأَبْصَـٰرِهِمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ
Yakaadul barq̣u yakhṭafu ʹabṣaarahum: kullamaaa ʹaḍaaaʹa lahum mashaw feehi wa-ʹiẓaaa ʹaz̤̣lama ʻalayhim q̣aamoo. Wa-law shaaaʹal laahu laẓahaba bisamʻihim wa-ʹabṣaarihim; ʹinnal laaha ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.
Halos ang kidlat ay tumangay sa mga paningin nila. Tuwing tumanglaw ito [sa daan] para sa kanila ay naglalakad sila rito at kapag nagpadilim ito sa ibabaw nila ay tumatayo sila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
-
2:21
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعْبُدُوا۟ رَبَّكُمُ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ وَٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
Yaaaʹayyuhan naasuʻ budoo. Rabbakumul laẓee khalaq̣akum wallazeena miñ q̣ablikum laʻallakum tattaq̣oon.
O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,
-
2:22
ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ فِرَٰشًا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءً وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَخْرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزْقًا لَّكُمْ ۖ فَلَا تَجْعَلُوا۟ لِلَّهِ أَندَادًا وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ
Allaẓee jaʻala lakumul ʹarḍa firaashañw was-samaaaʹa binaaaʹaa: wa-ʹañzala minas samaaaʹi maaaañ faʹakhraja bihee minas̤ s̤amaraati rizq̣al lakum: falaa tajʻaloo lillaahi ʹañdaadañw wa-ʹañtum taʻlamoon.
na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam [na walang Tagalikha kundi si Allāh].
-
2:23
وَإِن كُنتُمْ فِى رَيْبٍ مِّمَّا نَزَّلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا فَأْتُوا۟ بِسُورَةٍ مِّن مِّثْلِهِۦ وَٱدْعُوا۟ شُهَدَآءَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Wa-iñ kuñtum fee raybim mimmaa nazzalnaa ʻalaa ʻAbdinaa faʹtoo bi-Sooratim mim mis̤lih; wadʻoo shuhadaaaʹakum miñ doonil laahi ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een.
Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat.
-
2:24
فَإِن لَّمْ تَفْعَلُوا۟ وَلَن تَفْعَلُوا۟ فَٱتَّقُوا۟ ٱلنَّارَ ٱلَّتِى وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلْحِجَارَةُ ۖ أُعِدَّتْ لِلْكَـٰفِرِينَ
faʹil lam tafʻaloo wa-lañ tafʻaloo fattaq̣un Naaral latee wa-q̣ooduhan naasu walḥijaaratu ʹuʻiddat lil-Kaafireen.
Ngunit kung hindi kayo nakagawa – at hindi kayo makagagawa – ay mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato [na sinasamba]. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya.
-
2:25
وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ أَنَّ لَهُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ ۖ كُلَّمَا رُزِقُوا۟ مِنْهَا مِن ثَمَرَةٍ رِّزْقًا ۙ قَالُوا۟ هَـٰذَا ٱلَّذِى رُزِقْنَا مِن قَبْلُ ۖ وَأُتُوا۟ بِهِۦ مُتَشَـٰبِهًا ۖ وَلَهُمْ فِيهَآ أَزْوَٰجٌ مُّطَهَّرَةٌ ۖ وَهُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Wa-bashshiril laẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ Ṣaaliḥaati ʹanna lahum jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaar. Kullamaa ruziq̣oo minhaa miñ s̤amaratir rizq̣añ q̣aaloo haaẓal laẓee ruziq̣naa miñ q̣abl. wa-ʹutoo bihee mutashaabihaa. Wa-lahum feehaaa ʹazwaajum muṭahharah; wahum feehaa khaalidoon.
Magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila mula sa mga ito ng bunga bilang panustos ay nagsasabi sila: “Ito ay ang itinustos sa amin bago pa niyan.” Bibigyan sila nito na nagkakawangisan [na nagkakaiba sa lasa]. Ukol sa kanila roon ay mga asawang dinalisay at sila ay doon mga mananatili.
-
2:26
۞ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَسْتَحْىِۦٓ أَن يَضْرِبَ مَثَلًا مَّا بَعُوضَةً فَمَا فَوْقَهَا ۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ فَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّهِمْ ۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فَيَقُولُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَـٰذَا مَثَلًا ۘ يُضِلُّ بِهِۦ كَثِيرًا وَيَهْدِى بِهِۦ كَثِيرًا ۚ وَمَا يُضِلُّ بِهِۦٓ إِلَّا ٱلْفَـٰسِقِينَ
ʹInnal laaha laa yastaḥyeee ʹañy yaḍriba mas̤alam maa baʻooḍatañ famaa fawq̣ahaa. Faʹammal laẓeena ʹaamanoo fayaʻlamoona ʹannahul Ḥaq̣q̣u mir Rabbihim: wa-ʹammal laẓeena kafaroo fayaq̣ooloona maaẓaaa ʹaraadal laahu bihaaẓaa mas̤alaa? Yuḍillu bihee kas̤eerañw wa-yahdee bihee kas̤eeraa: wa-maa yuḍillu biheee ʹillal Faasiq̣een;
Tunay na si Allāh ay hindi nahihiya na maglahad ng isang anumang paghahalintulad na isang lamok man saka anumang higit dito. Hinggil naman sa mga sumampalataya, nakaaalam sila na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila. Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, nagsasabi sila: “Ano ang ninais ni Allāh rito bilang paghahalintulad, na nagliligaw Siya sa pamamagitan nito sa marami at nagpapatnubay Siya sa pamamagitan nito sa marami, samantalang hindi Siya nagliligaw sa pamamagitan nito kundi sa mga suwail.
-
2:27
ٱلَّذِينَ يَنقُضُونَ عَهْدَ ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مِيثَـٰقِهِۦ وَيَقْطَعُونَ مَآ أَمَرَ ٱللَّهُ بِهِۦٓ أَن يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ
ʹAllaẓeena yañq̣uḍoona ʻAhdal laahi mim baʻdi mees̤aaq̣ihee, wa-yaq̣ṭaʻoona maaa ʹamaral laahu biheee ʹañy yooṣala wa-yufsidoona fil ʹarḍ: ʹulaaaʹika humul khaasiroon.
Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh matapos na ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi.
-
2:28
كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِٱللَّهِ وَكُنتُمْ أَمْوَٰتًا فَأَحْيَـٰكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Kayfa takfuroona billaahi wa-kuñtum ʹamwaatañ faʹaḥyaakum; s̤umma yumeetukum s̤umma yuḥyeekum s̤umma ʹilayhi turjaʻoon.
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin].
-
2:29
هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ لَكُم مَّا فِى ٱلْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ ٱسْتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَسَوَّىٰهُنَّ سَبْعَ سَمَـٰوَٰتٍ ۚ وَهُوَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ
Huwal laẓee khalaq̣a lakum maa fil ʹarḍi jameeʻaa; s̤ummas tawaaa ʹilas Samaaaʹi fasaw-waahunna sabʻa samaawaat; wa-Huwa bikulli shayʹin ʻaleem.
Siya ay ang lumikha para sa inyo ng nasa lupa nang lahatan. Pagkatapos lumuklok Siya sa langit at bumuo Siya sa mga ito bilang pitong langit. Siya sa bawat bagay ay Maalam.
-
2:30
وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَـٰٓئِكَةِ إِنِّى جَاعِلٌ فِى ٱلْأَرْضِ خَلِيفَةً ۖ قَالُوٓا۟ أَتَجْعَلُ فِيهَا مَن يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ ٱلدِّمَآءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ ۖ قَالَ إِنِّىٓ أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Wa-ʹiẓ q̣aala Rabbuka lil-Malaaaʹikati ʹInnee jaaʻiluñ fil ʹarḍi Khaleefah˹. Q̣aalooo ʹatajʻalu feehaa mañy yufsidu feehaa wa-yasfikud dimaaaʹ? wa-naḥnu nusabbiḥu bi-Ḥamdika wa-nuq̣addisu lak. Q̣aala ˹ʹInneee ʹaʻlamu maa laa- taʻlamoon.˺
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili.” Nagsabi sila: “Maglalagay Ka ba roon ng manggugulo roon at magpapadanak ng mga dugo samantalang kami ay nagluluwalhati sa kapurihan Mo at nagpapabanal sa Iyo?” Nagsabi Siya: “Tunay na ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman.”
-
2:31
وَعَلَّمَ ءَادَمَ ٱلْأَسْمَآءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى ٱلْمَلَـٰٓئِكَةِ فَقَالَ أَنۢبِـُٔونِى بِأَسْمَآءِ هَـٰٓؤُلَآءِ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Wa-ʻallama ʹAadamal ʹasmaaaʹa kullahaa s̤umma ʻaraḍahum ʻalal malaaaʹikati faq̣aala ʹambiʹoonee biʹasmaaaʹi haaaʹulaaaʹi ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een.
Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: “Magbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat.”
-
2:32
قَالُوا۟ سُبْحَـٰنَكَ لَا عِلْمَ لَنَآ إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْحَكِيمُ
Q̣aaloo ˹Subḥaanaka laa ʻilma lanaaa ʹillaa maa- ʻallamtanaa: ʹInnaka ʹañtal ʻAleemul Ḥakeem.˺
Nagsabi Sila: “Kaluwalhatian sa Iyo [O Allāh]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.”
-
2:33
قَالَ يَـٰٓـَٔادَمُ أَنۢبِئْهُم بِأَسْمَآئِهِمْ ۖ فَلَمَّآ أَنۢبَأَهُم بِأَسْمَآئِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُل لَّكُمْ إِنِّىٓ أَعْلَمُ غَيْبَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنتُمْ تَكْتُمُونَ
Q̣aala ˹YaaaʹAadamu ʹambiʹhum̃ biʹasmaaaʹihim.˺ Falammaaa ʹambaʹahum̃ biʹasmaaaʹihim q̣aala ʹalam ʹaq̣ul lakum ʹInneee ʹaʻlamu g̣aybas samaawaati wal-ʹarḍi wa-ʹaʻlamu maa tubdoona wa-maa kuñtum taktumoon.
Nagsabi Siya: “O Adan, magbalita ka sa kanila ng mga pangalan ng mga ito.” Kaya noong nagbalita ito sa kanila ng mga pangalan ng mga ito ay nagsabi Siya: “Hindi ba nagsabi Ako sa inyo tunay na Ako ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang dati ninyong ikinukubli?”
-
2:34
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِـَٔادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ أَبَىٰ وَٱسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلْكَـٰفِرِينَ
Wa-ʹiẓ q̣ulnaa lilmalaaaʹikatis judoo liʹAadama fasajadooo ʹillaaa ʹIblees: ʹabaa wastakbara wa-kaana minal Kaafireen.
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan];” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.
-
2:35
وَقُلْنَا يَـٰٓـَٔادَمُ ٱسْكُنْ أَنتَ وَزَوْجُكَ ٱلْجَنَّةَ وَكُلَا مِنْهَا رَغَدًا حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَـٰذِهِ ٱلشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Wa-q̣ulnaa yaaaʹAadamus kun ʹañta wa-zawjukal jannata wa-kulaa Minhaa rag̣adan ḥays̤u shiʹtumaa; wa-laa taq̣rabaa haaẓihish shajarata fatakoonaa minaz̤̣ z̤̣aalimeen.
Nagsabi Kami: “O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang masagana saanman ninyong dalawa loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito dahil kayong dalawa ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
-
2:36
فَأَزَلَّهُمَا ٱلشَّيْطَـٰنُ عَنْهَا فَأَخْرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِ ۖ وَقُلْنَا ٱهْبِطُوا۟ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَـٰعٌ إِلَىٰ حِينٍ
Faʹazallahumash Shaytaanu ʻanhaa faʹakhrajahumaa mimmaa kaanaa feeh. Wa-q̣ulnah biṭoo baʻḍukum libaʻḍin ʻaduww. Wa-lakum fil ʹarḍi mustaq̣arruñw wa-mataaʻun ʹilaa ḥeen.
Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: “Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.”
-
2:37
فَتَلَقَّىٰٓ ءَادَمُ مِن رَّبِّهِۦ كَلِمَـٰتٍ فَتَابَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Fatalaq̣q̣aaa ʹAadamu mir Rabbihee Kalimaatiñ fataaba ʻalayh: ʹinnahoo Huwat Tawwaabur Raḥeem.
Saka nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita [ng paghingi ng kapatawaran] saka tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.
-
2:38
قُلْنَا ٱهْبِطُوا۟ مِنْهَا جَمِيعًا ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُم مِّنِّى هُدًى فَمَن تَبِعَ هُدَاىَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Q̣ulnah biṭoo minhaa jameeʻaa; faʹimmaa yaʹtiyannakum minnee Hudañ famañ tabiʻa Hudaaya falaa khawfun ʻalayhim wa-laa hum yaḥzanoon.
Nagsabi Kami: “Bumaba kayo mula rito nang lahatan. Kung may darating nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang mga sumunod sa patnubay Ko ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.”
-
2:39
وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَآ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Wallaẓeena Kafaroo wa-kaẓẓaboo biʹAayaatinaaa ʹulaaaʹika ʹAṣḥaabun Naar; hum feehaa Khaalidoon.
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
-
2:40
يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَوْفُوا۟ بِعَهْدِىٓ أُوفِ بِعَهْدِكُمْ وَإِيَّـٰىَ فَٱرْهَبُونِ
Yaa-Baneee ʹIsraaaʹeelaẓ kuroo niʻmatiyal lateee ʹanʻamtu ʻalaykum wa-ʹawfoo biʻAhdeee ʹoofi biʻAhdikum wa-ʹiyyaaya Farhaboon.
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo at magpatupad kayo sa kasunduan sa Akin, magpapatupad Ako sa kasunduan sa inyo. Sa Akin ay mangilabot kayo.
-
2:41
وَءَامِنُوا۟ بِمَآ أَنزَلْتُ مُصَدِّقًا لِّمَا مَعَكُمْ وَلَا تَكُونُوٓا۟ أَوَّلَ كَافِرٍۭ بِهِۦ ۖ وَلَا تَشْتَرُوا۟ بِـَٔايَـٰتِى ثَمَنًا قَلِيلًا وَإِيَّـٰىَ فَٱتَّقُونِ
Wa-ʹaaminoo Bimaaa ʹañzaltu muṣaddiq̣al limaa maʻakum wa-laa takoonooo ʹawwala Kaafirim̃ bih. Wa-laa tashtaroo biʹAayaatee s̤amanañ q̣aleelaa; wa-ʹiyyaaya Fattaq̣oon.
Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko [mula sa Qur’ān] ng isang kaunting panumbas. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala.
-
2:42
وَلَا تَلْبِسُوا۟ ٱلْحَقَّ بِٱلْبَـٰطِلِ وَتَكْتُمُوا۟ ٱلْحَقَّ وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ
Wa-laa Talbisul Ḥaq̣q̣a bilbaaṭili wa-taktumul Ḥaq̣q̣a wa-ʹañtum taʻlamoon.
Huwag kayong maghalo sa katotohanan ng kasinungalingan ni magtago kayo ng katotohanan [tungkol sa pagdating ni Propeta Muḥammad] samantalang kayo ay nakaaalam [nito].
-
2:43
وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱرْكَعُوا۟ مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ
Wa-ʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaata Warkaʻoo maʻar raakiʻeen.
Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at yumukod kayo kasama sa mga yumuyukod.
-
2:44
۞ أَتَأْمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلْبِرِّ وَتَنسَوْنَ أَنفُسَكُمْ وَأَنتُمْ تَتْلُونَ ٱلْكِتَـٰبَ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
ʹAtaʹmuroonan naasa bilbirri wa-tañsawna ʹañfusakum wa-ʹañtum tatloonal Kitaab? ʹAfalaa taʻq̣iloon?
Nag-uutos ba kayo sa mga tao ng pagsasamabuting-loob samantalang nakalilimot kayo sa mga sarili ninyo habang kayo ay bumibigkas ng Kasulatan? Saka hindi ba kayo nakapag-uunawa?
-
2:45
وَٱسْتَعِينُوا۟ بِٱلصَّبْرِ وَٱلصَّلَوٰةِ ۚ وَإِنَّهَا لَكَبِيرَةٌ إِلَّا عَلَى ٱلْخَـٰشِعِينَ
Wastaʻeenoo biṣ-Ṣabri waṣ-Ṣalaah: wa-ʹinnahaa lakabeeratun ʹillaa ʻalal Khaashiʻeen,
Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ito ay talagang mabigat maliban sa mga nagtataimtim [kay Allāh],
-
2:46
ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَـٰقُوا۟ رَبِّهِمْ وَأَنَّهُمْ إِلَيْهِ رَٰجِعُونَ
ʹAllaẓeena Yaz̤̣unnoona ʹannahum mulaaq̣oo Rabbihim wa-ʹannahum ʹilayhi raajiʻoon.
na tumitiyak na sila ay mga makikipagkita sa Panginoon nila, at na sila tungo sa Kanya ay mga babalik [para gantihan].
-
2:47
يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّى فَضَّلْتُكُمْ عَلَى ٱلْعَـٰلَمِينَ
Yaa-Baneee ʹIsraaaʹeelaẓ kuroo niʻmatiyal lateee ʹanʻamtu ʻalaykum wa-ʹannee faḍḍaltukum ʻalal ʻaalameen.
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo, at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [para sa pagkapropeta].
-
2:48
وَٱتَّقُوا۟ يَوْمًا لَّا تَجْزِى نَفْسٌ عَن نَّفْسٍ شَيْـًٔا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا شَفَـٰعَةٌ وَلَا يُؤْخَذُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ
Wattaq̣oo Yawmal laa tajzee nafsun ʻan nafsiñ shayʹañw wa-laa yuq̣balu minhaa shafaaʻatuñw wa-laa yuʹkhaẓu minhaa ʻadluñw wa-laa hum yuñṣaroon.
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya.
-
2:49
وَإِذْ نَجَّيْنَـٰكُم مِّنْ ءَالِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبْنَآءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَآءَكُمْ ۚ وَفِى ذَٰلِكُم بَلَآءٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَظِيمٌ
Wa-ʹiẓ najjaynaakum min ʹAali Firʻawna yasoomoonakum soooʹal ʻaẓaabi yuẓabbiḥoona ʹabnaaaʹakum wa-yastaḥyoona nisaaaʹakum; wa-fee ẓaalikum̃ balaaaʹum mir Rabbikum ʻaz̤̣eem.
[Banggitin] noong nagligtas Kami sa inyo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.
-
2:50
وَإِذْ فَرَقْنَا بِكُمُ ٱلْبَحْرَ فَأَنجَيْنَـٰكُمْ وَأَغْرَقْنَآ ءَالَ فِرْعَوْنَ وَأَنتُمْ تَنظُرُونَ
Wa-ʹiẓ Faraq̣naa bikumul baḥra faʹañjaynaakum wa-ʹag̣raq̣naaa ʹAala Firʻawna wa-ʹañtum tañz̤̣uroon.
[Banggitin] noong naghati Kami para sa inyo ng dagat kaya pinaligtas Namin kayo at nilunod Namin ang angkan ni Paraon habang kayo ay nakatingin.
-
2:51
وَإِذْ وَٰعَدْنَا مُوسَىٰٓ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ثُمَّ ٱتَّخَذْتُمُ ٱلْعِجْلَ مِنۢ بَعْدِهِۦ وَأَنتُمْ ظَـٰلِمُونَ
Wa-ʹiz waaʻadnaa Moosaaa ʹarbaʻeena laylatañ s̤ummat takhaẓtumul ʻijla mim baʻdihee wa-añtum z̤̣aalimoon.
[Banggitin] noong nakipagtipan Kami kay Moises nang apatnapung gabi. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan.
-
2:52
ثُمَّ عَفَوْنَا عَنكُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
S̤umma ʻafawnaa ʻañkum mim baʻdi ẓaalika laʻallakum tashkuroon.
Pagkatapos nagpaumanhin Kami sa inyo matapos na niyon, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
-
2:53
وَإِذْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ وَٱلْفُرْقَانَ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
Wa-ʹiẓ ʹaataynaa Moosal Kitaaba wal-Furq̣uaana laʻallakum Tahtadoon.
[Banggitin] noong nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at Pamantayan [ng tama at mali], nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.
-
2:54
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَـٰقَوْمِ إِنَّكُمْ ظَلَمْتُمْ أَنفُسَكُم بِٱتِّخَاذِكُمُ ٱلْعِجْلَ فَتُوبُوٓا۟ إِلَىٰ بَارِئِكُمْ فَٱقْتُلُوٓا۟ أَنفُسَكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ عِندَ بَارِئِكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Wa-ʹiẓ q̣aala Moosaa li-Q̣awmihee yaa-q̣awmi ʹinnakum z̤̣alamtum ʹanfusakum̃ bitti-khaa-ẓikumul ʻijla fatoobooo ʹilaa Baariʹikum faq̣tulooo ʹañfusakum; ẓaalikum khayrul lakum ʻiñda Baariʹikum. Fataaba ʻalaykum: ʹinnahoo Huwat Tawwaabur Raḥeem.
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo sa guya [bilang diyus-diyusan] kaya magbalik-loob kayo sa Tagapaglalang ninyo at patayin ninyo ang mga [may-salang] kapwa ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang Tagapaglalang ninyo;” saka tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ninyo. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.
-
2:55
وَإِذْ قُلْتُمْ يَـٰمُوسَىٰ لَن نُّؤْمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى ٱللَّهَ جَهْرَةً فَأَخَذَتْكُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَأَنتُمْ تَنظُرُونَ
Wa-ʹIẓ q̣ultum yaa-Moosaa lan nuʹmina laka ḥattaa naral laaha Jahratañ faʹakhaẓat-kumuṣ ṣaaʻiq̣atu wa-ʹañtum tañz̤̣uroon.
[Banggitin] noong magsabi kayo: “O Moises, hindi kami sasamplataya sa iyo hanggang sa makakita kami kay Allāh nang hayagan.” Kaya dumaklot sa inyo ang lintik habang kayo ay nakatingin.
-
2:56
ثُمَّ بَعَثْنَـٰكُم مِّنۢ بَعْدِ مَوْتِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
S̤umma baʻas̤naakum mim baʻdi Mawtikum laʻallakum tashkuroon.
Pagkatapos bumuhay Kami sa inyo matapos na ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
-
2:57
وَظَلَّلْنَا عَلَيْكُمُ ٱلْغَمَامَ وَأَنزَلْنَا عَلَيْكُمُ ٱلْمَنَّ وَٱلسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا۟ مِن طَيِّبَـٰتِ مَا رَزَقْنَـٰكُمْ ۖ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَـٰكِن كَانُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Wa-Z̤̣allalnaa ʻalaykumul g̣amaama wa-ʹañzalnaa ʻalaykumul Manna was-Salwaaa: Kuloo miñ ṭayyibaati maa razaq̣naakum wa-maa z̤̣alamoonaa wa-laakiñ kaanooo ʹañfusahum yaz̤̣limoon.
Naglilim Kami sa inyo ng mga ulap at nagpababa Kami sa inyo ng manna at mga pugo, [na nagsasabi]: “Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo.” Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalalabag sa katarungan.
-
2:58
وَإِذْ قُلْنَا ٱدْخُلُوا۟ هَـٰذِهِ ٱلْقَرْيَةَ فَكُلُوا۟ مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَٱدْخُلُوا۟ ٱلْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا۟ حِطَّةٌ نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطَـٰيَـٰكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ ٱلْمُحْسِنِينَ
Wa-ʹiẓ q̣ulnad khuloo haaẓihil q̣aryata fakuloo minhaa ḥays̤u shiʹtum rag̣adañw wadkhulul baaba Sujjadañw wa-q̣ooloo ḥittatun nag̣fir lakum Khaṭaayaakum: wa-sanazeedul Muḥsineen.
[Banggitin] noong nagsabi Kami: “Magsipasok kayo sa pamayanang ito at kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin nang masagana. Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod. Magsabi kayo: “Pag-aalis-sala,” magpapatawad Kami sa inyo sa mga kasalanan ninyo at magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa.
-
2:59
فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ قَوْلًا غَيْرَ ٱلَّذِى قِيلَ لَهُمْ فَأَنزَلْنَا عَلَى ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ رِجْزًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُوا۟ يَفْسُقُونَ
Fabaddalal laẓeena z̤̣alamoo q̣awlan g̣ayral laẓee q̣eela lahum faʹañzalnaa ʻalal laẓeena z̤̣alamoo rijzam minas samaaaʹi bimaa Kaanoo yafsuq̣oon.
Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagpababa Kami sa mga lumabag sa katarungan ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay nagpapakasuwail.
-
2:60
۞ وَإِذِ ٱسْتَسْقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ فَقُلْنَا ٱضْرِب بِّعَصَاكَ ٱلْحَجَرَ ۖ فَٱنفَجَرَتْ مِنْهُ ٱثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَّشْرَبَهُمْ ۖ كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ مِن رِّزْقِ ٱللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا۟ فِى ٱلْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
Wa-ʹiẓis tasq̣aa Moosaa liq̣awmihee faq̣ulnaḍ rib biʻAṣaakal ḥajar. Fañfajarat minhus̤ nataa ʻashrata ʻaynaa. Q̣ad ʻalima Kullu ʻunaasim mashrabahum. Kuloo washraboo mir rizq̣il laahi walaa taʻs̤aw fil ʹarḍi mufsideen.
[Banggitin] noong humiling ng tubig si Moises para sa mga kalipi niya kaya nagsabi Kami: “Humampas ka ng tungkod mo sa bato.” Kaya bumulwak mula roon ang labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [pangkat ng] mga tao sa inuman nila. Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
-
2:61
وَإِذْ قُلْتُمْ يَـٰمُوسَىٰ لَن نَّصْبِرَ عَلَىٰ طَعَامٍ وَٰحِدٍ فَٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُخْرِجْ لَنَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلْأَرْضُ مِنۢ بَقْلِهَا وَقِثَّآئِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَا ۖ قَالَ أَتَسْتَبْدِلُونَ ٱلَّذِى هُوَ أَدْنَىٰ بِٱلَّذِى هُوَ خَيْرٌ ۚ ٱهْبِطُوا۟ مِصْرًا فَإِنَّ لَكُم مَّا سَأَلْتُمْ ۗ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ ٱلذِّلَّةُ وَٱلْمَسْكَنَةُ وَبَآءُو بِغَضَبٍ مِّنَ ٱللَّهِ ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا۟ يَكْفُرُونَ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ وَيَقْتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ ۗ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوا۟ وَّكَانُوا۟ يَعْتَدُونَ
Waʹiẓ q̣ultum yaa-Moosaa lan naṣbira ʻalaa ṭaʻaamiñw waaḥidiñ fadʻu lanaa Rabbaka yukhrij lanaa mimmaa tumbitul ʹarḍu mim baq̣lihaa Wa-q̣is̤s̤aaaʹihaa Wa-foomihaa wa-ʻadasihaa wa-baṣalihaa. Q̣aala ʹatastabdiloonal laẓee huwa ʹadnaa billaẓee huwa Khayr? ʹIhbiṭoo miṣrañ faʹinna lakum maa saʹaltum. Waḍuribat ʻalayhimuẓ ẓillatu walmaskanah; wa-baaaʹoo big̣aḍabim minal laah. Ẓaalika biʹannahum kaanoo yakfuroona biʹaayaatil laahi wa-yaq̣tuloonan nabiyyeena big̣ayril ḥaq̣q̣. Ẓaalika bimaa ʻaṣaw Wa-kaanoo yaʻtadoon.
[Banggitin] noong nagsabi kayo: “O Moises, hindi kami makatitiis sa nag-iisang [pares ng] pagkain; kaya manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalabas Siya para sa amin ng pinatutubo ng lupa gaya ng mga halaman nito, mga pipino nito, mga bawang nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito.” Nagsabi [si Moises]: “Magpapalit ba kayo ng higit na hamak sa higit na mabuti? Bumaba kayo sa isang kabayanan sapagkat tunay na ukol sa inyo ang hiningi ninyo.” Itinatak sa kanila ang kaabahan at ang karukhaan at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila, at sila noon ay lumalabag.
-
2:62
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَٱلَّذِينَ هَادُوا۟ وَٱلنَّصَـٰرَىٰ وَٱلصَّـٰبِـِٔينَ مَنْ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ وَعَمِلَ صَـٰلِحًا فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
ʹInnal laẓeena ʹaamanoo Wallaẓeena haadoo wan-Naṣaaraa waṣ-Ṣaabiʹeena man ʹaamana billaahi wal-Yawmil ʹAakhiri waʻamila ṣaaliḥañ falahum ʹajruhum ʻiñda Rabbihim: Walaa khawfun ʻalayhim walaa hum yaḥzanoon.
Tunay na ang mga sumampalataya [bago ni Propeta Muḥammad], ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano – ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos – ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
-
2:63
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُوا۟ مَآ ءَاتَيْنَـٰكُم بِقُوَّةٍ وَٱذْكُرُوا۟ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
Wa-ʹiẓ ʹakhaẓnaa Mees̤aaq̣akum Wa-rafaʻnaa fawq̣akumuṭ Ṭoor: Khuẓoo maaa aataynaakum̃ biq̣uwwatiñw waẓkuroo maa feehi laʻallakum tattaq̣oon.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: “Tanggapin ninyo ang [Torah na] ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.”
-
2:64
ثُمَّ تَوَلَّيْتُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۖ فَلَوْلَا فَضْلُ ٱللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُۥ لَكُنتُم مِّنَ ٱلْخَـٰسِرِينَ
S̤umma tawallaytum mim̃ baʻdi ẓaalik: Falawlaa faḍlul lahi ʻalaykum wa-raḥmatuhoo lakuñtum minal khaasireen.
Pagkatapos tumalikod kayo matapos na niyon, ngunit kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi.
-
2:65
وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ ٱلَّذِينَ ٱعْتَدَوْا۟ مِنكُمْ فِى ٱلسَّبْتِ فَقُلْنَا لَهُمْ كُونُوا۟ قِرَدَةً خَـٰسِـِٔينَ
Wa-laq̣ad ʻalimtumul laẓeenaʻ tadaw miñkum fis Sabti faq̣ulnaa lahum koonoo q̣iradatan khaasiʹeen!
Talaga ngang nakaalam kayo sa lumabag kabilang sa inyo sa Sabath, at nagsabi Kami sa kanila: “Maging mga unggoy kayo na itinataboy!”
-
2:66
فَجَعَلْنَـٰهَا نَكَـٰلًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهَا وَمَا خَلْفَهَا وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ
Fajaʻalnaahaa nakaalal limaa bayna yadayhaa wa-maa khalfahaa wa-mawʻiz̤̣atal lil-Muttaq̣een.
Kaya gumawa Kami rito bilang parusang panghalimbawa para sa kapiling nito at kasunod nito at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.
-
2:67
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَن تَذْبَحُوا۟ بَقَرَةً ۖ قَالُوٓا۟ أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِٱللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ ٱلْجَـٰهِلِينَ
Wa-ʹiẓ q̣aala Moosaa liq̣awmiheee ʹinnal laaha yaʹmurukum ʹañ taẓbaḥoo Baq̣arah. Q̣aalooo ʹatattakhiẓunaa huzuwaa? Q̣aala ʹaʻooẓu billaahi ʹan ʹakoona minal jaahileen!
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “Tunay na si Allāh ay nag-utos sa inyo na magkatay kayo ng isang baka.” Nagsabi sila: “Gumagawa ka ba sa amin ng isang pagkutya?” Nagsabi siya: “Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga mangmang.”
-
2:68
قَالُوا۟ ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِىَ ۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَّا فَارِضٌ وَلَا بِكْرٌ عَوَانٌۢ بَيْنَ ذَٰلِكَ ۖ فَٱفْعَلُوا۟ مَا تُؤْمَرُونَ
Q̣aalud ʻu lanaa Rabbaka yubayyil lanaa maa- hee! Q̣aala ʹinnahoo yaq̣oolu ʹinnahaa baq̣aratul laa faariḍuñw walaa bikr; ʻawaanum bayna ẓaalik: fafʻaloo maa- tuʹmaroon.
Nagsabi sila: “Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito.” Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na hindi matanda at hindi dumalaga, katamtaman sa pagitan niyon; kaya gawin ninyo ang ipinag-uutos sa inyo.”
-
2:69
قَالُوا۟ ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوْنُهَا ۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفْرَآءُ فَاقِعٌ لَّوْنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّـٰظِرِينَ
Q̣aalud ʻu lanaa Rabbaka yubayyil lanaa maa- lawnuhaa. Q̣aala ʹinnahoo yaq̣oolu ʹinnahaa baq̣aratuñ ṣafraaaʹu faaq̣iʻul lawnuhaa tasurrun naaz̤̣ireen.
Nagsabi sila: “Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ang kulay nito.” Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na dilaw na matingkad ang kulay nito, na nakagagalak sa mga tumitingin.”
-
2:70
قَالُوا۟ ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِىَ إِنَّ ٱلْبَقَرَ تَشَـٰبَهَ عَلَيْنَا وَإِنَّآ إِن شَآءَ ٱللَّهُ لَمُهْتَدُونَ
Q̣aalud ʻu lanaa Rabbaka yubayyil lanaa maa- hiya ʹinnal baq̣ara tashaabaha ʻalaynaa: wa-ʹinnaaa ʹiñ shaaaʹal laahu lamuhtadoon.
Nagsabi sila: “Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito; tunay na ang mga baka ay nagkahawigan sa amin. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, ay talagang mga mapapatnubayan [tungo sa bakang kakatayin].”
-
2:71
قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَّا ذَلُولٌ تُثِيرُ ٱلْأَرْضَ وَلَا تَسْقِى ٱلْحَرْثَ مُسَلَّمَةٌ لَّا شِيَةَ فِيهَا ۚ قَالُوا۟ ٱلْـَٔـٰنَ جِئْتَ بِٱلْحَقِّ ۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُوا۟ يَفْعَلُونَ
Q̣aala ʹinnahoo yaq̣oolu ʹinnahaa baq̣aratul laa ẓalooluñ tus̤eerul ʹarḍa wa-laa tasq̣il hars̤; musallamatul laa shiyata feehaa. Q̣aalul ʹaana jiʹta bilḥaq̣q̣. Faẓabaḥoohaa wa-maa kaadoo yafʻaloon.
Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabing tunay na ito ay isang baka, na hindi maamo na nagbubungkal ng lupa at hindi nagpapatubig ng taniman, na binusilak na walang batik dito.” Nagsabi sila: “Ngayon ay naghatid ka ng katotohanan.” Kaya kinatay nila ito at hindi nila halos nagawa.
-
2:72
وَإِذْ قَتَلْتُمْ نَفْسًا فَٱدَّٰرَْٰٔتُمْ فِيهَا ۖ وَٱللَّهُ مُخْرِجٌ مَّا كُنتُمْ تَكْتُمُونَ
Wa-ʹiẓ q̣ataltum nafsañ faddaaraʹtum feehaa: wallaahu mukhrijum maa kuñtum taktumoon.
[Banggitin] noong pumatay kayo ng isang tao at nagtalu-talo kayo hinggil sa kanya. Si Allāh ay tagapagpalabas ng dati ninyong itinatago.
-
2:73
فَقُلْنَا ٱضْرِبُوهُ بِبَعْضِهَا ۚ كَذَٰلِكَ يُحْىِ ٱللَّهُ ٱلْمَوْتَىٰ وَيُرِيكُمْ ءَايَـٰتِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
Faq̣ulnaḍ riboohu bibaʻḍihaa. Kaẓaalika yuḥyil laa-hul mawtaa wa-yureekum ʹAayaatihee laʻallakum taʻq̣iloon.
Kaya nagsabi Kami: “Humampas kayo sa kanya [na namatay] ng bahagi ng [kinatay na bakang] iyon.” Gayon nagbibigay-buhay si Allāh sa mga patay. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo makapag-uunawa.
-
2:74
ثُمَّ قَسَتْ قُلُوبُكُم مِّنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ فَهِىَ كَٱلْحِجَارَةِ أَوْ أَشَدُّ قَسْوَةً ۚ وَإِنَّ مِنَ ٱلْحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنْهُ ٱلْأَنْهَـٰرُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخْرُجُ مِنْهُ ٱلْمَآءُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَهْبِطُ مِنْ خَشْيَةِ ٱللَّهِ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
S̤umma q̣asat q̣uloobukum mim baʻdi ẓaalika fahiya kalḥijaarati ʹaw ʹashaddu q̣aswah. Wa-ʹinna minal ḥijaarati lamaa yatafajjaru minhul ʹanhaar; wa-ʹinna minhaa lamaa yash-shaq̣q̣aq̣u fayakhruju minhul maaaʹ. Wa-ʹinna minhaa lamaa yahbiṭu min khashyatil laah. Wa-mal laahu big̣aafilin ʻammaa taʻmaloon,
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo matapos na niyon, kaya ang mga ito ay gaya ng mga bato o higit na matindi sa katigasan. Tunay na mayroon sa mga bato na talagang ang bumubulwak mula sa mga ito ay ang mga ilog, tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula sa mga ito ang tubig, at tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang lumalagpak dahil sa takot kay Allāh. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.
-
2:75
۞ أَفَتَطْمَعُونَ أَن يُؤْمِنُوا۟ لَكُمْ وَقَدْ كَانَ فَرِيقٌ مِّنْهُمْ يَسْمَعُونَ كَلَـٰمَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُحَرِّفُونَهُۥ مِنۢ بَعْدِ مَا عَقَلُوهُ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
ʹAfataṭmaʻoona ʹañy yuʹminoo lakum wa-q̣ad kaana fareeq̣um minhum yasmaʻoona Kalaamal laahi s̤umma yuḥarri-foonahoo mim baʻdi maa- ʻaq̣aloohu wa-hum yaʻlamoon?
Kaya naghahangad ba kayo [O mga mananampalataya] na maniwala sila sa inyo samantalang nangyari ngang may isang pangkat [ng mga Hudyong paham] mula sa kanila na nakaririnig sa salita ni Allāh? Pagkatapos pumipilipit sila nito matapos na nakapag-unawa sila rito samantalang sila ay nakaaalam.
-
2:76
وَإِذَا لَقُوا۟ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ قَالُوٓا۟ أَتُحَدِّثُونَهُم بِمَا فَتَحَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمْ لِيُحَآجُّوكُم بِهِۦ عِندَ رَبِّكُمْ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
wa-ʹiẓaa laq̣ul laẓeena ʹaamanoo q̣aalooo ʹaamannaa: wa-ʹiẓaa khalaa baʻḍuhum ʹilaa baʻḍiñ q̣aal ooo ʹatuḥaddis̤oonahum bimaa fataḥal laahu ʻalaykum liyuḥaaajjookum̃ bihee ʻiñda Rabbikum? ʹAfalaa taʻq̣iloon?
Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami,” at kapag nagsarilinan ang iba sa kanila sa iba pa ay nagsasabi sila: “Kumakausap ba kayo sa kanila ng hinggil sa inihayag ni Allāh sa inyo [hinggil sa pagdating ng Propeta] upang mangatwiran sila sa inyo hinggil dito sa piling ng Panginoon ninyo? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?”
-
2:77
أَوَلَا يَعْلَمُونَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ
ʹAwalaa yaʻlamoona ʹannal laaha yaʻlamu maa- yusirroona wa-maa yuʻlinoon?
Hindi ba sila nakaaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila?
-
2:78
وَمِنْهُمْ أُمِّيُّونَ لَا يَعْلَمُونَ ٱلْكِتَـٰبَ إِلَّآ أَمَانِىَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ
Wa-minhum ʹUmmiyyoona laa- yaʻlamoonal Kitaaba ʹillaaa ʹamaaniyya wa-ʹin hum ʹillaa yaz̤̣unnoon.
Kabilang sa kanila [na mga Hudyo] ay mga iliterato na walang nalalaman sa Kasulatan kundi mga mithiin [na walang pagkaunawa], at walang iba sila kundi nagpapalagay [na ito ay Torah].
-
2:79
فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ يَكْتُبُونَ ٱلْكِتَـٰبَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَـٰذَا مِنْ عِندِ ٱللَّهِ لِيَشْتَرُوا۟ بِهِۦ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَوَيْلٌ لَّهُم مِّمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌ لَّهُم مِّمَّا يَكْسِبُونَ
Fawaylul lillaẓeena yaktuboonal Kitaaba biʹaydeehim s̤umma yaq̣ooloona haaẓaa min ʻiñdil laahi liyashtaroo bihee s̤amanañ q̣aleelaa! Fawaylul lahum mimmaa katabat ʹaydeehim wa-waylul lahum mimmaa yaksiboon!
Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila mula sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila mula sa nakakamit nila.
-
2:80
وَقَالُوا۟ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامًا مَّعْدُودَةً ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِندَ ٱللَّهِ عَهْدًا فَلَن يُخْلِفَ ٱللَّهُ عَهْدَهُۥٓ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Wa-q̣aaloo lañ tamassanan Naaru ʹillaaa ʹayyaamam maʻdoodah. Q̣ul ʹattakhaẓtum ʻiñdal laahi ʻahdañ falañy yukhlifal laahu ʻahdahooo ʹam taq̣ooloona ʻalal laahi maa laa- taʻlamoon?
Nagsasabi sila: “Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang.” Sabihin mo: “Gumawa ba kayo sa ganang kay Allāh ng isang kasunduan sapagkat hindi sisira si Allāh sa kasunduan sa Kanya, o nagsasabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?”
-
2:81
بَلَىٰ مَن كَسَبَ سَيِّئَةً وَأَحَـٰطَتْ بِهِۦ خَطِيٓـَٔتُهُۥ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Balaa mañ kasaba sayyiʹatañw waʹaḥaṭat bihee khaṭeeeʹatuhoo faʹulaaaʹika ʹAṣḥaabun Naar: hum feehaa khaalidoon.
Bagkus, ang mga nagkamit ng isang masagwang gawa [ng kawalang-pananampalataya] at pumaligid sa kanila ang kamalian nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
-
2:82
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ
Wallaẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaati ʹulaaaʹika ʹAṣḥaabul Jannah: hum feehaa khaalidoon.
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Hardin; sila ay doon mga mananatili.
-
2:83
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ لَا تَعْبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ وَبِٱلْوَٰلِدَيْنِ إِحْسَانًا وَذِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَـٰمَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينِ وَقُولُوا۟ لِلنَّاسِ حُسْنًا وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِّنكُمْ وَأَنتُم مُّعْرِضُونَ
Wa-ʹiẓ ʹakhaẓnaa Mees̤aaq̣a Baneee ʹIsraaaʹeela laa- taʻbudoona ʹillal laaha wa-bilwaalidayni ʹiḥsaanañw waẓil q̣urbaa walyataamaa walmasaakeeni wa-q̣ooloo linnasi ḥusnañw waʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaah. Ṣumma tawallaytum ʹillaa q̣aleelam miñkum wa-ʹañtum muʻriḍoon.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos]: “Hindi kayo sasamba maliban kay Allāh; sa mga magulang ay gumawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, at mga dukha; magsabi kayo sa mga tao ng maganda; magpapanatili kayo ng pagdarasal; at magbigay kayo ng zakāh.” Pagkatapos tumalikod kayo maliban sa kaunti kabilang sa inyo habang kayo ay mga umaayaw.
-
2:84
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَكُمْ لَا تَسْفِكُونَ دِمَآءَكُمْ وَلَا تُخْرِجُونَ أَنفُسَكُم مِّن دِيَـٰرِكُمْ ثُمَّ أَقْرَرْتُمْ وَأَنتُمْ تَشْهَدُونَ
Wa-ʹiẓ ʹakhaẓnaa Mees̤aa-q̣akum laa- tasfikoona dimaaaʹakum wa-laa tukhrijoona ʹañfusakum miñ diyaarikum s̤umma ʹaq̣rartum wa-ʹañtum tashhadoon.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo, [na nag-uutos]: “Hindi kayo magpapadanak ng mga dugo ninyo at hindi kayo magpapalisan ng mga kapwa ninyo mula sa mga tahanan ninyo.” Pagkatapos kumilala kayo [sa kasunduan] habang kayo ay sumasaksi.
-
2:85
ثُمَّ أَنتُمْ هَـٰٓؤُلَآءِ تَقْتُلُونَ أَنفُسَكُمْ وَتُخْرِجُونَ فَرِيقًا مِّنكُم مِّن دِيَـٰرِهِمْ تَظَـٰهَرُونَ عَلَيْهِم بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَإِن يَأْتُوكُمْ أُسَـٰرَىٰ تُفَـٰدُوهُمْ وَهُوَ مُحَرَّمٌ عَلَيْكُمْ إِخْرَاجُهُمْ ۚ أَفَتُؤْمِنُونَ بِبَعْضِ ٱلْكِتَـٰبِ وَتَكْفُرُونَ بِبَعْضٍ ۚ فَمَا جَزَآءُ مَن يَفْعَلُ ذَٰلِكَ مِنكُمْ إِلَّا خِزْىٌ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ وَيَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ يُرَدُّونَ إِلَىٰٓ أَشَدِّ ٱلْعَذَابِ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
S̤umma ʹañtum haaaʹulaaaʹi taq̣tuloona ʹañfusakum wa-tukhrijoona fareeq̣am miñkum miñ diyaarihim; taz̤̣aaharoona ʻalayhim̃ bil-ʹis̤mi walʻudwaan; wa-ʹiñy yaʹtookum ʹusaaraa tufaadoohum wa-huwa muḥarramun ʻalaykum ʹikhraajuhum. ʹAfatuʹminoona bibaʻḍil Kitaabi wa-takfuroona bibaʻḍ? Famaa jazaaaʹu mañy yafʻalu ẓaalika miñkum ʹillaa khizyuñ fil ḥayaatid dunyaa? Wa-Yawmal Q̣iyaamati yuraddoona ʹilaaa ʹashaddil ʻaẓaab. Wa-mal laahu big̣aafilin ʻammaa taʻmaloon.
Pagkatapos kayo itong pumapatay sa mga kapwa ninyo at nagpapalisan sa isang pangkat kabilang sa inyo mula sa mga tahanan nila, habang nagtataguyudan kayo laban sa kanila sa kasalanan at pangangaway. Kung pumupunta sila sa inyo bilang mga bihag ay tumutubos kaya sa kanila samantalang ipinagbabawal sa inyo ang pagpapalisan sa kanila [mula sa mga tahanan nila]. Kaya sumasampalataya ba kayo sa isang bahagi ng Aklat at tumatanggi kayong sumampalataya sa isang bahagi? Kaya walang ganti sa sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo kundi isang kahihiyan sa buhay na pangmundo. Sa Araw ng Pagbangon ay ipagtutulakan sila sa pinakamatindi sa pagdurusa. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.
-
2:86
أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشْتَرَوُا۟ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا بِٱلْـَٔاخِرَةِ ۖ فَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ ٱلْعَذَابُ وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ
ʹUlaaaʹikal laẓeenash tarawul ḥayaatad Dunyaa bil-ʹAakhirati falaa yukhaffafu ʻanhumul ʻaẓaabu wa-laa hum yuñṣaroon.
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay kaya hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay iaadya.
-
2:87
وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا مُوسَى ٱلْكِتَـٰبَ وَقَفَّيْنَا مِنۢ بَعْدِهِۦ بِٱلرُّسُلِ ۖ وَءَاتَيْنَا عِيسَى ٱبْنَ مَرْيَمَ ٱلْبَيِّنَـٰتِ وَأَيَّدْنَـٰهُ بِرُوحِ ٱلْقُدُسِ ۗ أَفَكُلَّمَا جَآءَكُمْ رَسُولٌۢ بِمَا لَا تَهْوَىٰٓ أَنفُسُكُمُ ٱسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ
Wa-laq̣ad ʹaataynaa Moosal Kitaaba wa-q̣affaynaa mim baʻdihee bir-rusuli wa-ʹaataynaa ʻeesab na Maryamal Bayyinaati wa-ʹayyadnaahu bi-rooḥil q̣udus. ʹAfakullamaa jaaaʹakum Rasoolum̃ bimaa laa- tahwaaa ʹañfusukumus takbartum? Fafareeq̣añ kaẓẓabtum wa-fareeq̣añ taq̣tuloon?
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami matapos na Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?
-
2:88
وَقَالُوا۟ قُلُوبُنَا غُلْفٌۢ ۚ بَل لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَقَلِيلًا مَّا يُؤْمِنُونَ
Wa-q̣aloo q̣uloobunaa g̣ulf; bal laʻanahumul laahu bikufrihim faq̣aleelam maa yuʹminoon.
Nagsabi sila: “Ang mga puso namin ay mga nakabalot.” Bagkus isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang- pananampalataya nila kaya kakaunti ang sinasampalatayanan nila.
-
2:89
وَلَمَّا جَآءَهُمْ كِتَـٰبٌ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٌ لِّمَا مَعَهُمْ وَكَانُوا۟ مِن قَبْلُ يَسْتَفْتِحُونَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ فَلَمَّا جَآءَهُم مَّا عَرَفُوا۟ كَفَرُوا۟ بِهِۦ ۚ فَلَعْنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ
Wa-lammaa jaaaʹahum Kitaabum min ʻiñdil laahi muṣaddiq̣ul limaa maʻahum wa-kaanoo miñ q̣ablu yastaftiḥoona ʻalal laẓeena kafaroo, falammaa jaaaʹahum maa ʻarafoo kafaroo bihee falaʻnatul laahi ʻalal Kaafireen.
Noong may dumating sa kanila na isang Aklat mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila [na mga kasulatan] – samantalang sila dati bago pa niyan ay humihiling ng pagwawagi laban sa mga tumangging sumampalataya – at noong dumating sa kanila ang nakilala nila ay tumanggi silang sumampalataya rito. Kaya ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagatangging sumampalataya.
-
2:90
بِئْسَمَا ٱشْتَرَوْا۟ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمْ أَن يَكْفُرُوا۟ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بَغْيًا أَن يُنَزِّلَ ٱللَّهُ مِن فَضْلِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦ ۖ فَبَآءُو بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٍ ۚ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ مُّهِينٌ
Biʹsamash taraw biheee ʹañfusahum ʹañy yakfuroo bimaaa ʹañzalal laahu bag̣yan ʹañy yunazzilal laahu miñ faz̤̣lihee ʻalaa mañy yashaaaʹu min ʻibaadih. Fabaaaʹoo big̣aḍabin ʻalaa g̣aḍab. Wa-lil-Kaafireena ʻaẓaabum muheen.
Kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, na tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni Allāh dala ng paglabag dahil nagbaba si Allāh ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kaya bumalik sila kalakip ng isang galit [dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muḥammad] sa ibabaw ng isang galit [dahil sa pagpilipit nila sa Torah]. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak.
-
2:91
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ ءَامِنُوا۟ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُوا۟ نُؤْمِنُ بِمَآ أُنزِلَ عَلَيْنَا وَيَكْفُرُونَ بِمَا وَرَآءَهُۥ وَهُوَ ٱلْحَقُّ مُصَدِّقًا لِّمَا مَعَهُمْ ۗ قُلْ فَلِمَ تَقْتُلُونَ أَنۢبِيَآءَ ٱللَّهِ مِن قَبْلُ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ
Wa-ʹiẓaa q̣eela lahum ʹaaminoo bimaaa ʹañzalal laahu q̣aaloo nuʹminu bimaaa ʹuñzila ʻalaynaa wa-yakfuroona bimaa waraaaʹahoo wa-huwal Ḥaq̣q̣u muṣaddiq̣al limaa maʻahum. Q̣ul falima taq̣tuloona ʹambiyaaaʹal laahi miñ q̣ablu ʹiñ kuñtum muʹmineen?
Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh [na Qur’ān],” ay nagsasabi sila: “Sumasampalataya kami sa pinababa sa amin [na mga kasulatan].” Tumatanggi silang sumampalataya sa iba pa roon samantalang ito ay ang katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa taglay nila. Sabihin mo: “Kaya bakit pumapatay kayo ng mga propeta ni Allāh bago pa niyan kung kayo ay mga mananampalataya?”
-
2:92
۞ وَلَقَدْ جَآءَكُم مُّوسَىٰ بِٱلْبَيِّنَـٰتِ ثُمَّ ٱتَّخَذْتُمُ ٱلْعِجْلَ مِنۢ بَعْدِهِۦ وَأَنتُمْ ظَـٰلِمُونَ
Wa-laq̣ad jaaaʹakum Moosaa bil-Bayyinaati s̤ummat takhaẓtumul ʻijla mim baʻdihee wa-ʹañtum z̤̣aalimoon.
Talaga ngang naghatid sa inyo si Moises ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan.
-
2:93
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُوا۟ مَآ ءَاتَيْنَـٰكُم بِقُوَّةٍ وَٱسْمَعُوا۟ ۖ قَالُوا۟ سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَأُشْرِبُوا۟ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلْعِجْلَ بِكُفْرِهِمْ ۚ قُلْ بِئْسَمَا يَأْمُرُكُم بِهِۦٓ إِيمَـٰنُكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ
Wa-ʹiẓ ʹakhaẓnaa Mees̤aaq̣akum wa-rafaʻnaa fawq̣akumuṭ Ṭoor: khuẓoo maaa ʹaataynaakum̃ biq̣uwwatiñw wasmaʻoo. Q̣aaloo samiʻnaa wa-ʻaṣaynaa: wa-ʹushriboo fee q̣uloobihimul ʻijla bikufrihim. Q̣ul biʹsamaa yaʹmurukum̃ biheee ʹeemaanukum ʹiñ kuñtum muʹmineen.
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nagsasabi]: “Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo [na mga kasulatan] nang may lakas at makinig kayo.” Nagsabi sila: “Nakarinig kami at sumuway kami.” Pinahumaling sila sa mga puso nila ng [pagsamba sa] guya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo: “Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalataya ninyo, kung kayo ay mga mananampalataya.”
-
2:94
قُلْ إِن كَانَتْ لَكُمُ ٱلدَّارُ ٱلْـَٔاخِرَةُ عِندَ ٱللَّهِ خَالِصَةً مِّن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُا۟ ٱلْمَوْتَ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Q̣ul ʹiñ kaanat lakumud Daarul ʹAakhiratu ʻiñdal laahi khaaliṣatam min doonin naasi fatamannawul mawta ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een.
Sabihin mo: “Kung ukol sa inyo [O mga Hudyo] ang tahanan sa Kabilang-buhay sa piling ni Allāh nang natatangi bukod pa sa mga tao ay magmithi kay ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.”
-
2:95
وَلَن يَتَمَنَّوْهُ أَبَدًۢا بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِٱلظَّـٰلِمِينَ
Wa-lañy yatamannawhu ʹabadam bimaa q̣addamat ʹaydeehim. Wallaahu ʻAleemum̃ biz̤̣z̤̣aalimeen.
Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan.
-
2:96
وَلَتَجِدَنَّهُمْ أَحْرَصَ ٱلنَّاسِ عَلَىٰ حَيَوٰةٍ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشْرَكُوا۟ ۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمْ لَوْ يُعَمَّرُ أَلْفَ سَنَةٍ وَمَا هُوَ بِمُزَحْزِحِهِۦ مِنَ ٱلْعَذَابِ أَن يُعَمَّرَ ۗ وَٱللَّهُ بَصِيرٌۢ بِمَا يَعْمَلُونَ
Wa-latajidannahum ʹaḥraṣan naasi ʻalaa ḥayaah. Wa-minal laẓeena ʹashrakoo yawaddu ʹaḥaduhum law yuʻammaru ʹalfa sanah: wa-maa huwa bi-muzaḥziḥihee minal ʻaẓaabi ʹañy yuʻammar. Wallaahu Baseerum bimaa yaʻmaloon.
Talagang makatatagpo ka nga sa kanila na pinakamasigasig sa mga tao sa buhay kaysa sa mga nagtambal [kay Allāh]. Nag-aasam ang isa sa kanila na kung sana palawigin siya ng isang libong taon samantalang ito ay hindi maghahango sa kanya mula sa pagdurusa na palawigin siya. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila.
-
2:97
قُلْ مَن كَانَ عَدُوًّا لِّجِبْرِيلَ فَإِنَّهُۥ نَزَّلَهُۥ عَلَىٰ قَلْبِكَ بِإِذْنِ ٱللَّهِ مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Q̣ul mañ kaana ʻaduwwal li-Jibreela faʹinnahoo nazzalahoo ʻalaa q̣albika biʹiẓnil laahi muṣaddiq̣al limaa bayna yadayhi wa-hudañw wa- bushraa lil-Muʹmineen,
Sabihin mo: “Ang sinumang naging isang kaaway para kay [Anghel] Gabriel, tunay na siya ay nagbaba nitong [Qur’ān] sa puso mo [O Propeta Muḥammad] ayon sa pahintulot ni Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, bilang patnubay, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.”
-
2:98
مَن كَانَ عَدُوًّا لِّلَّهِ وَمَلَـٰٓئِكَتِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَجِبْرِيلَ وَمِيكَىٰلَ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَدُوٌّ لِّلْكَـٰفِرِينَ
Mañ kaana ʻaduwwal lillaahi wa-malaaaʹikatihee wa-rusulihi wa-Jibreela wa-Meekaala faʹinnal laaha ʻaduwwul lilkaafireen.
Ang sinumang naging isang kaaway para kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga sugo Niya, kay Gabriel, at kay Miguel; tunay na si Allāh ay isang kaaway para sa mga tagatangging sumampalataya.
-
2:99
وَلَقَدْ أَنزَلْنَآ إِلَيْكَ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ ۖ وَمَا يَكْفُرُ بِهَآ إِلَّا ٱلْفَـٰسِقُونَ
Wa-laq̣ad ʹañzalnaaa ʹilayka ʹAayaatim bayyinaat; wa-maa yakfuru bihaaa ʹillal faasiq̣oon.
Talaga ngang nagpababa Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng mga talatang malilinaw at walang tumatangging sumampalataya sa mga ito kundi ang mga suwail.
-
2:100
أَوَكُلَّمَا عَـٰهَدُوا۟ عَهْدًا نَّبَذَهُۥ فَرِيقٌ مِّنْهُم ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
ʹAwa-kullamaa ʻaahadoo ʻahdan nabaẓahoo fareeq̣um minhum? Bal ʹaks̤aruhum laa- yuʹminoon.
Sa tuwing nakikipagkasunduan ba sila ng isang kasunduan ay itinatapon ito ng isang pangkat kabilang sa kanila? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.
-
2:101
وَلَمَّا جَآءَهُمْ رَسُولٌ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٌ لِّمَا مَعَهُمْ نَبَذَ فَرِيقٌ مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَـٰبَ كِتَـٰبَ ٱللَّهِ وَرَآءَ ظُهُورِهِمْ كَأَنَّهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Wa-lammaa jaaaʹahum Rasoolum min ʻiñdil laahi muṣaddiq̣ul limaa maʻahum nabaẓa fareeq̣um minal laẓeena ʹootul Kitaaba Kitaabal laahi waraaaʹa z̤̣uhoorihim kaʹannahum laa- yaʻlamoon!
Noong may dumating sa kanila na isang Sugo mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila, ay itinatapon ng isang pangkat [ng mga Hudyo na] kabilang sa mga binigyan ng Kasulatan ang Aklat ni Allāh sa likuran ng mga likod nila na para bang sila ay hindi nakaaalam.
-
2:102
وَٱتَّبَعُوا۟ مَا تَتْلُوا۟ ٱلشَّيَـٰطِينُ عَلَىٰ مُلْكِ سُلَيْمَـٰنَ ۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيْمَـٰنُ وَلَـٰكِنَّ ٱلشَّيَـٰطِينَ كَفَرُوا۟ يُعَلِّمُونَ ٱلنَّاسَ ٱلسِّحْرَ وَمَآ أُنزِلَ عَلَى ٱلْمَلَكَيْنِ بِبَابِلَ هَـٰرُوتَ وَمَـٰرُوتَ ۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنْ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَآ إِنَّمَا نَحْنُ فِتْنَةٌ فَلَا تَكْفُرْ ۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنْهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِۦ بَيْنَ ٱلْمَرْءِ وَزَوْجِهِۦ ۚ وَمَا هُم بِضَآرِّينَ بِهِۦ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنفَعُهُمْ ۚ وَلَقَدْ عَلِمُوا۟ لَمَنِ ٱشْتَرَىٰهُ مَا لَهُۥ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ مِنْ خَلَـٰقٍ ۚ وَلَبِئْسَ مَا شَرَوْا۟ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمْ ۚ لَوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ
Wattabaʻoo maa- tatlush shayaaṭeenu ʻalaa mulki Sulaymaan. Wa-maa kafara Sulaymaanu wa-laakinnash shayaaṭeena kafaroo yuʻal-limoonan naasas siḥr, wa-maaa ʹuñzila ʻalal malakayni bi-Baabila Haaroota wa-Maaroot. Wa-maa yuʻallimaani min ʹaḥadin ḥattaa yaq̣oolaaa ʹinnamaa naḥnu fitnatuñ falaa takfur. Fayataʻal-lamoona minhumaa - maa yufarriq̣oona Bihee baynal marʹi wa-zawjih. Wa-maa hum̃ biḍaaarreena bihee min ʹaḥadin ʹillaa biʹiẓnil laah. Wa-yataʻallamoona maa- yaẓurruhum wa-laa yañfaʻuhum. Wa-laq̣ad ʻalimoo lamanish taraahu maa- lahoo fil ʹAakhirati min khalaaq̣. Wa-labiʹsa maa- sharaw biheee ʹañfusahum, law kaanoo yaʻlamoon.
Sumunod sila sa binibigkas ng mga demonyo sa paghahari ni Solomon. Hindi tumangging sumampalataya si Solomon bagkus ang mga demonyo ay tumangging sumampalataya; nagtuturo sila sa mga tao ng panggagaway at ng pinababa sa dalawang anghel sa Babilonia, na sina Hārūt at Mārūt. Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man hanggang sa magsabi silang dalawa: “Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.” Kaya natututo sila mula sa kanilang dalawa ng nagpapahihiwalay sa pagitan ng lalaki at maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa pamamagitan nito sa isa man malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Natututo sila ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi. Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.
-
2:103
وَلَوْ أَنَّهُمْ ءَامَنُوا۟ وَٱتَّقَوْا۟ لَمَثُوبَةٌ مِّنْ عِندِ ٱللَّهِ خَيْرٌ ۖ لَّوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ
Wa-law ʹannahum ʹaamanoo wattaq̣aw lamas̤oobatum min ʻiñdil laahi khayr: law kaanoo yaʻlamoon.
Kung sakaling sila [na mga Hudyo] ay sumampalataya [kay Allāh nang totoo] at nangilag magkasala, talaga sanang ang isang gantimpala mula sa ganang kay Allāh ay higit na mabuti [para sa kanila] kung sakaling sila noon ay nakaaalam.
-
2:104
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَقُولُوا۟ رَٰعِنَا وَقُولُوا۟ ٱنظُرْنَا وَٱسْمَعُوا۟ ۗ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Yaaaʹayyuhal lazeena ʹaamanoo laa- taq̣ooloo raaʻinaa wa-q̣ooluñ z̤̣urnaa wasmaʻoo. Wa-lil-Kaafireena ʻaẓaabun ʹaleem.
O mga sumampalataya, huwag ninyong sabihin [sa Propeta]: “Magsaalang-alang ka sa amin,” ngunit sabihin ninyo: “Maghintay ka sa amin,” at makinig kayo. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.
-
2:105
مَّا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَـٰبِ وَلَا ٱلْمُشْرِكِينَ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْكُم مِّنْ خَيْرٍ مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَٱللَّهُ يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِۦ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلْفَضْلِ ٱلْعَظِيمِ
Maa- yawaddul laẓeena kafaroo min ʹAhlil Kitaabi wa-lal Mushrikeena ʹañy yunazzala ʻalaykum min khayrim mir Rabbikum. Wallaahu yakhtaṣṣu biraḥmatihee mañy yashaaaʹ: Wallaahu Ẓul Faḍlil ʹaz̤̣eem.
Hindi nag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan ni ang mga tagapagtambal na may ibaba sa inyo na anumang mabuti mula sa Panginoon ninyo. Si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
-
2:106
۞ مَا نَنسَخْ مِنْ ءَايَةٍ أَوْ نُنسِهَا نَأْتِ بِخَيْرٍ مِّنْهَآ أَوْ مِثْلِهَآ ۗ أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ
Maa- nañsakh min ʹaayatin ʹaw nuñsihaa naʹti bikhayrim minhaaa ʹaw mis̤lihaa: ʹalam taʻlam ʹannal laaha ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer?
Ang anumang ipinawalang-bisa Namin na isang talata o ipinalimot Namin iyon ay magdudulot Kami ng isang higit na mainam kaysa roon o ng tulad niyon. Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan?
-
2:107
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلْكُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۗ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِىٍّ وَلَا نَصِيرٍ
ʹAlam taʻlam ʹannal laaha lahoo mulkus samaawaati wal-ʹarḍ? Wa-maa lakum miñ doonil laahi miñw waliyyiñw walaa naṣeer.
Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may paghahari sa mga langit at lupa? Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
-
2:108
أَمْ تُرِيدُونَ أَن تَسْـَٔلُوا۟ رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِن قَبْلُ ۗ وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلْكُفْرَ بِٱلْإِيمَـٰنِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
ʹAm tureedoona ʹañ tasʹaloo Rasoolakum kamaa suʹila Moosaa miñ q̣abl? Wa-mañy yatabaddalil kufra bil-ʹeemaani faq̣ad ḍalla sawaaaʹas sabeel.
O nagnanais ba kayong humiling sa Sugo ninyo gaya ng pagkahiling kay Moises bago pa niyan? Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas.
-
2:109
وَدَّ كَثِيرٌ مِّنْ أَهْلِ ٱلْكِتَـٰبِ لَوْ يَرُدُّونَكُم مِّنۢ بَعْدِ إِيمَـٰنِكُمْ كُفَّارًا حَسَدًا مِّنْ عِندِ أَنفُسِهِم مِّنۢ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلْحَقُّ ۖ فَٱعْفُوا۟ وَٱصْفَحُوا۟ حَتَّىٰ يَأْتِىَ ٱللَّهُ بِأَمْرِهِۦٓ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ
Wadda kas̤eerum min ʹAhlil Kitaabi law yaruddoonakum mim baʻdi ʹeemaanikum kuffaaran, ḥasadam min ʻiñdi añfusihim mim baʻdi maa- tabayyana lahumul Ḥaq̣q̣. Faʻfoo waṣfaḥoo ḥattaa yaʹ-tiyal laahu biʹamrih: ʹinnal laaha ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.
Inasam ng marami sa mga May Kasulatan na kung sana magpapanauli sila sa inyo, matapos na ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila matapos na luminaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya magpaumanhin kayo at magpawalang-sala kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
-
2:110
وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا۟ لِأَنفُسِكُم مِّنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Wa-ʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaah: wa-maa tuq̣addimoo liʹañfusikum min khayriñ tajidoohu ʻiñdal lah: ʹinnal laaha bimaa taʻmaloona Baṣeer.
Magpanatili kayo ng pagdarasal at magbigay kayo ang zakāh. Ang anumang ipinauna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay matatagpuan ninyo ito sa piling ni Allāh. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
-
2:111
وَقَالُوا۟ لَن يَدْخُلَ ٱلْجَنَّةَ إِلَّا مَن كَانَ هُودًا أَوْ نَصَـٰرَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا۟ بُرْهَـٰنَكُمْ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ
Wa-q̣aaloo lañy yadkhulal Jannata ʹillaa mañ kaana Hoodan ʹaw Naṣaaraa. Tilka ʹamaaniyyuhum. Q̣ul haatoo burhaanakum ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een.
Nagsabi sila: “Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano.” Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.”
-
2:112
بَلَىٰ مَنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَلَهُۥٓ أَجْرُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Balaa, man ʹaslama wajhahoo lillaahi wa-huwa muḥsinuñ falahooo ʹajruhoo ʻiñda Rabbih; wa-laa khawfun ʻalayhim wa-laa hum yaḥzanoon.
Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay Allāh, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
-
2:113
وَقَالَتِ ٱلْيَهُودُ لَيْسَتِ ٱلنَّصَـٰرَىٰ عَلَىٰ شَىْءٍ وَقَالَتِ ٱلنَّصَـٰرَىٰ لَيْسَتِ ٱلْيَهُودُ عَلَىٰ شَىْءٍ وَهُمْ يَتْلُونَ ٱلْكِتَـٰبَ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۚ فَٱللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Wa-q̣aalatil Yahoodu laysatin Naṣaaraa ʻalaa shayʹ; wa-q̣aalatin Naṣaaraa laysatil Yahoodu ʻalaa shayʹiñw wa- hum yatloonal Kitaab. Kaẓaalika q̣aalal laẓeena laa- yaʻlamoona mis̤la q̣awlihim. Fallaahu Yaḥkumu baynahum Yawmal Q̣iyaamati feemaa kaanoo feehi yakhtalifoon.
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa anuman,” at nagsabi ang mga Kristiyano: “Ang mga Hudyo ay hindi nakabatay sa anuman,” samantalang sila ay nagbabasa ng Kasulatan. Gayon nagsabi ang mga hindi nakaaalam ng tulad ng sabi nila. Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
-
2:114
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن مَّنَعَ مَسَـٰجِدَ ٱللَّهِ أَن يُذْكَرَ فِيهَا ٱسْمُهُۥ وَسَعَىٰ فِى خَرَابِهَآ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ مَا كَانَ لَهُمْ أَن يَدْخُلُوهَآ إِلَّا خَآئِفِينَ ۚ لَهُمْ فِى ٱلدُّنْيَا خِزْىٌ وَلَهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Wa-man ʹaz̤̣lamu mimmam manaʻa masaajidal lahi ʹañy yuẓkara feehas muhoo wa-saʻaa fee kharaabihaa? ʹUlaaaʹika maa- kaana lahum ʹany yadkhuloohaaa ʹillaa khaaaʹifeen. Lahum fid dunyaa khizyuñw wa-lahum fil ʹAakhirati ʻaẓaabun ʻaz̤̣eem.
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumigil [sa mga tao] sa mga masjid ni Allāh na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya at nagpunyagi sa pagkasira ng mga ito. Ang mga iyon ay hindi ukol sa kanilang pumasok sa mga ito malibang mga nangangamba. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan.
-
2:115
وَلِلَّهِ ٱلْمَشْرِقُ وَٱلْمَغْرِبُ ۚ فَأَيْنَمَا تُوَلُّوا۟ فَثَمَّ وَجْهُ ٱللَّهِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ
Wa-lillaahil Mashriq̣u wal-Mag̣rib: Faʹaynamaa tuwalloo fas̤amma Wajhul laah. ʹInnal laaha Waasiʻun ʻAleem.
Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Malawak, Maalam.
-
2:116
وَقَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَـٰنَهُۥ ۖ بَل لَّهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَّهُۥ قَـٰنِتُونَ
Wa-q̣aalut takhaẓal laahu waladañ Subḥaanah! Bal lahoo maa- fis samaawaati wal-ʹarḍ: kullul lahoo q̣aanitoon.
Nagsabi sila: “Gumawa si Allāh ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya! Bagkus sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin.
-
2:117
بَدِيعُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ وَإِذَا قَضَىٰٓ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Badeeʻus samaawaati wal-ʹarḍ: wa-ʹiẓaa q̣aḍaaa ʹamrañ faʹinnamaa yaq̣oolu lahoo ˹Kuñ˺ fayakoon.
Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa, kapag nagtadhana Siya ng isang bagay, ay nagsasabi lamang dito na mangyari saka mangyayari ito.
-
2:118
وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ لَوْلَا يُكَلِّمُنَا ٱللَّهُ أَوْ تَأْتِينَآ ءَايَةٌ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِم مِّثْلَ قَوْلِهِمْ ۘ تَشَـٰبَهَتْ قُلُوبُهُمْ ۗ قَدْ بَيَّنَّا ٱلْـَٔايَـٰتِ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
Waq̣aalal laẓeena laa- yaʻlamoona law-laa yukallimunal laahu ʹaw taʹteenaaa ʹAayah? Kaẓaalika q̣aalal laẓeena miñ q̣ablihim mis̤la q̣awlihim. Tashaabahat q̣uloobuhum. Q̣ad bayyannal ʹaayaati liq̣awmiñy yooq̣inoon.
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam: “Bakit kasi hindi kumakausap sa atin si Allāh o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga bago pa nila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak [sa katotohanan].
-
2:119
إِنَّآ أَرْسَلْنَـٰكَ بِٱلْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۖ وَلَا تُسْـَٔلُ عَنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْجَحِيمِ
ʹInnaaa ʹarsalnaaka bilḥaq̣q̣i basheerañw wanaẓeera wa-laa tusʹalu ʻan ʹAṣḥaabil Jaḥeem.
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]. Hindi ka tatanungin tungkol sa mga maninirahan sa Impiyerno.
-
2:120
وَلَن تَرْضَىٰ عَنكَ ٱلْيَهُودُ وَلَا ٱلنَّصَـٰرَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمْ ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلْهُدَىٰ ۗ وَلَئِنِ ٱتَّبَعْتَ أَهْوَآءَهُم بَعْدَ ٱلَّذِى جَآءَكَ مِنَ ٱلْعِلْمِ ۙ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِىٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Wa-lañ tarḍaa ʻañkal Yahoodu wa-lan Naṣaaraa ḥattaa tattabiʻa millatahum. Q̣ul ʹinna Hudal laahi huwal Hudaa. Wa-laʹinit tabaʻta ʹahwaaaʹahum baʻdal laẓee jaaaʹaka minal ʻilmi maa- laka minal laahi miñw waliyyiñw walaa naṣeer.
Hindi malulugod sa iyo [O Muslim] ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa sumunod ka sa kapaniwalaan nila. Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay.” Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
-
2:121
ٱلَّذِينَ ءَاتَيْنَـٰهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ يَتْلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُو۟لَـٰٓئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِۦ ۗ وَمَن يَكْفُرْ بِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ
ʹAllaẓeena ʹaataynaahumul Kitaaba yatloonahoo ḥaq̣q̣a tilaawatih: ʹUlaaaʹika yuʹminoona bih. Wa-mañy yakfur bihee faʹulaaaʹika humul khaasiroon.
Ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng Kasulatan ay bumibigkas nito nang totoong pagbigkas. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito [sa Qur’ān]. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito, ang mga iyon ay ang mga lugi.
-
2:122
يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّى فَضَّلْتُكُمْ عَلَى ٱلْعَـٰلَمِينَ
Yaa-Baneee ʹIsraaaʹeelaẓ kuroo niʻmatiyal lateee ʹanʻamtu ʻalaykum wa-ʹannee faḍḍaltukum ʻalal ʻaalameen.
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Kong ibiniyaya Ko sa inyo at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [sa pagkapropeta].
-
2:123
وَٱتَّقُوا۟ يَوْمًا لَّا تَجْزِى نَفْسٌ عَن نَّفْسٍ شَيْـًٔا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا تَنفَعُهَا شَفَـٰعَةٌ وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ
Wattaq̣oo Yawmal laa tajzee nafsun ʻan nafsiñ shayʹañw walaa yuq̣balu minhaa ʻadluñw Walaa tañfaʻuhaa shafaaʻatunw walaa hum yuñṣaroon.
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang panumbas, ni magpapakinabang sa kanya ang isang pamamagitan, ni sila ay iaadya.
-
2:124
۞ وَإِذِ ٱبْتَلَىٰٓ إِبْرَٰهِـۧمَ رَبُّهُۥ بِكَلِمَـٰتٍ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّى جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًا ۖ قَالَ وَمِن ذُرِّيَّتِى ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِى ٱلظَّـٰلِمِينَ
Wa-ʹiẓib talaaa ʹIbraaheema Rabbuhoo bi-Kalimaatiñ faʹatammahunna: q̣aala ʹInnee jaaʻiluka linnaasi ʹImaamaa. Q̣aala wa-miñ ẓurriyyatee! Q̣aala laa- yanaalu ʻahdiz̤̣ z̤̣aalimeen.
[Banggitin] noong sumubok kay Abraham ang Panginoon niya sa pamamagitan ng mga salita saka tumupad ito sa mga iyon. Nagsabi Siya: “Tunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang pinuno.” Nagsabi ito: “Mayroon sa mga supling ko?” Nagsabi Siya: “Hindi sumasaklaw ang kasunduan sa Akin sa mga tagalabag sa katarungan.”
-
2:125
وَإِذْ جَعَلْنَا ٱلْبَيْتَ مَثَابَةً لِّلنَّاسِ وَأَمْنًا وَٱتَّخِذُوا۟ مِن مَّقَامِ إِبْرَٰهِـۧمَ مُصَلًّى ۖ وَعَهِدْنَآ إِلَىٰٓ إِبْرَٰهِـۧمَ وَإِسْمَـٰعِيلَ أَن طَهِّرَا بَيْتِىَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلْعَـٰكِفِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ
Wa-ʹiẓ jaʻalnal Bayta mas̤aabatal linnaasi wa-ʹamnaa; wattakhiẓoo mim Maq̣aami ʹIbraaheema muṣallaa: wa-ʻahidnaaa ʹilaaa ʹIbraaheema wa-ʹIsmaaʻeela ʹañ ṭahhiraa Baytiya liṭṭaaaʹifeena walʻaakifeena warrukkaʻis sujood.
[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa.
-
2:126
وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِـۧمُ رَبِّ ٱجْعَلْ هَـٰذَا بَلَدًا ءَامِنًا وَٱرْزُقْ أَهْلَهُۥ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ مَنْ ءَامَنَ مِنْهُم بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ ۖ قَالَ وَمَن كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُۥ قَلِيلًا ثُمَّ أَضْطَرُّهُۥٓ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلنَّارِ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ
Wa-ʹiẓ q̣aala ʹIbraaheemu Rabbij ʻal haaẓaa Baladan ʹAaminañw warzuq̣ ʹahlahoo minas̤ s̤amaraati man ʹaamana minhum̃ billaahi wal-Yawmil ʹAakhir. Q̣aala wa-mañ kafara faʹumattiʻuhoo q̣aleelañ s̤umma ʹaḍṭarruhoo ʹilaa ʻaẓaabin Naar, wa-biʹsal maṣeer!
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo [ang Makkah] ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga – ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw.” Nagsabi Siya: “Ang sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko nang kaunti, pagkatapos ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!”
-
2:127
وَإِذْ يَرْفَعُ إِبْرَٰهِـۧمُ ٱلْقَوَاعِدَ مِنَ ٱلْبَيْتِ وَإِسْمَـٰعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ
Wa-ʹiẓ yarfaʻu ʹIbraaheemul q̣awaaʻida minal Bayti wa-ʹIsmaaʻeel: Rabbanaa taq̣abbal minnaa: ʹinnaka ʹAñtas Sameeʻul ʻAleem.
[Banggitin] noong nag-angat si Abraham ng mga pundasyon ng Bahay, at si Ismael, [ay dumalangin siya]: “Panginoon Namin, tanggapin Mo mula sa amin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam.
-
2:128
رَبَّنَا وَٱجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَآ أُمَّةً مُّسْلِمَةً لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ
Rabbanaa wajʻalnaa Muslimayni laka wa-miñ ẓurriyyatinaaa ʹUmmatam Muslimatal lak; wa-ʹarinaa manaasikanaa wa-tub ʻalaynaa; ʹinnaka ʹAntat Tawwaabur Raḥeem.
O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga tagapagpasakop sa Iyo at mula sa mga supling namin bilang kalipunang tagapagpasakop sa Iyo, ipakita Mo sa amin ang mga pamamaraan [ng pagsamba] namin, at tanggapin Mo ang pagbabalik-loob namin. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.
-
2:129
رَبَّنَا وَٱبْعَثْ فِيهِمْ رَسُولًا مِّنْهُمْ يَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ وَٱلْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ
Rabbanaa wabʻas̤ feehim Rasoolam minhum yatloo ʻalayhim ʹAayaatika wa-yuʻallimuhumul Kitaaba wal-Ḥikmata wa-yuzakkeehim: ʹinnaka ʹAñtal ʻAzeezul Ḥakeem.
Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugo kabilang sa kanila, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mo, magtuturo sa kanila ng kasulatan at karunungan, at magbubusilak sa kanila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”
-
2:130
وَمَن يَرْغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبْرَٰهِـۧمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفْسَهُۥ ۚ وَلَقَدِ ٱصْطَفَيْنَـٰهُ فِى ٱلدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُۥ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Wa-mañy yarg̣abu ʻam Millati ʹIbraaheema ʹillaa mañ safiha nafsah? Wa-laq̣adiṣ ṭafaynaahu fid dunyaa: wa-ʹinnahoo fil ʹAakhirati laminaṣ Ṣaaliḥeen.
Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.
-
2:131
إِذْ قَالَ لَهُۥ رَبُّهُۥٓ أَسْلِمْ ۖ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ
ʹIẓ q̣aala lahoo Rabbuhooo ʹaslim q̣aala ʹaslamtu li-Rabbil ʻaalameen.
[Banggitin] noong nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: “Magpasakop ka” ay nagsabi siya: “Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang.”
-
2:132
وَوَصَّىٰ بِهَآ إِبْرَٰهِـۧمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَـٰبَنِىَّ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصْطَفَىٰ لَكُمُ ٱلدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسْلِمُونَ
Wa-waṣṣaa bihaaa ʹIbraaheemu baneehi wa-Yaʻq̣oob: yaa-baniyya ʹinnal laahaṣ ṭafaa lakumud Deena falaa tamootunna ʹillaa wa-ʹañtum Muslimoon.
Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: “O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya].”
-
2:133
أَمْ كُنتُمْ شُهَدَآءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ ٱلْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنۢ بَعْدِى قَالُوا۟ نَعْبُدُ إِلَـٰهَكَ وَإِلَـٰهَ ءَابَآئِكَ إِبْرَٰهِـۧمَ وَإِسْمَـٰعِيلَ وَإِسْحَـٰقَ إِلَـٰهًا وَٰحِدًا وَنَحْنُ لَهُۥ مُسْلِمُونَ
ʹAm kuñtum shuhadaaaʹa ʹiẓ ḥaḍara Yaʻq̣oobal mawtu ʹiẓ q̣aala libaneehi maa- taʻbudoona mim baʻdee? Q̣aaloo naʻbudu ʹIlaahaka wa-ʹIlaaha ʹaabaaaʹika ʹIbraaheema wa-ʹIsmaaʻeela wa-ʹIsḥaaq̣a ʹIlaahañw Waaḥidaa: wa-naḥnu lahoo Muslimoon.
O kayo ba ay mga saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan? Noong nagsabi siya sa mga anak niya: “Ano ang sasambahin ninyo matapos na [ng pagkayao] ko” ay nagsabi sila: “Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga tagapagpasakop.”
-
2:134
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُم مَّا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْـَٔلُونَ عَمَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ
Tilka ʹummatuñ q̣ad khalat. Lahaa maa- kasabat wa-lakum maa kasabtum. Wa-laa tusʹaloona ʻammaa kaanoo yaʻmaloon.
Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa.
-
2:135
وَقَالُوا۟ كُونُوا۟ هُودًا أَوْ نَصَـٰرَىٰ تَهْتَدُوا۟ ۗ قُلْ بَلْ مِلَّةَ إِبْرَٰهِـۧمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ
Wa-q̣aaloo koonoo Hoodan ʹaw Naṣaaraa tahtadoo. Q̣ul bal Millata ʹIbraaheema Ḥaneefaa, wa-maa kaana minal mushrikeen.
Nagsabi sila: “Maging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo.” Sabihin mo: “Bagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].”
-
2:136
قُولُوٓا۟ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْنَا وَمَآ أُنزِلَ إِلَىٰٓ إِبْرَٰهِـۧمَ وَإِسْمَـٰعِيلَ وَإِسْحَـٰقَ وَيَعْقُوبَ وَٱلْأَسْبَاطِ وَمَآ أُوتِىَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَآ أُوتِىَ ٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِّنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُۥ مُسْلِمُونَ
Q̣oolooo ʹaamannaa billaahi wa-maaa ʹuñzila ʹilaynaa wa-maaa ʹuñzila ʹilaaa ʹIbraaheema wa-ʹIsmaaʻeela wa-ʹIsḥaaq̣a wa-Yaʻq̣ooba wal-ʹasbaaṭi wa-maaa ʹootiya Moosaa wa-ʻEesaa wa-maaa ʹootiyan nabiyyoona mir Rabbihim. Laa- nufarriq̣u bayna ʹaḥadim minhum, wa-naḥnu lahoo Muslimoon.
Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”
-
2:137
فَإِنْ ءَامَنُوا۟ بِمِثْلِ مَآ ءَامَنتُم بِهِۦ فَقَدِ ٱهْتَدَوا۟ ۖ وَّإِن تَوَلَّوْا۟ فَإِنَّمَا هُمْ فِى شِقَاقٍ ۖ فَسَيَكْفِيكَهُمُ ٱللَّهُ ۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلْعَلِيمُ
Faʹin ʹaamanoo bimis̤li maaa ʹaamañtum̃ bihee faq̣adih tadaw. Wa-ʹiñ tawallaw faʹinnamaa hum fee shiq̣aaq̣: fasayakfeekahumul laah, wa-Huwas Sameeʻul ʻAleem.
Kaya kung sumampalataya sila sa tulad ng sinampalatayanan ninyo ay napatnubayan nga sila; at kung tatalikod sila, sila lamang ay nasa isang hidwaan at sasapat sa iyo laban sa kanila si Allāh. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
-
2:138
صِبْغَةَ ٱللَّهِ ۖ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ ٱللَّهِ صِبْغَةً ۖ وَنَحْنُ لَهُۥ عَـٰبِدُونَ
Ṣibg̣atal laah: wa-man ʹaḥsanu minal laahi ṣibg̣ah? Wa-naḥnu lahoo ʻaabidoon.
[Manatili sa] relihiyon ni Allāh. Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa [pagtatag ng] relihiyon? Tayo sa Kanya ay mga tagasamba.
-
2:139
قُلْ أَتُحَآجُّونَنَا فِى ٱللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ وَلَنَآ أَعْمَـٰلُنَا وَلَكُمْ أَعْمَـٰلُكُمْ وَنَحْنُ لَهُۥ مُخْلِصُونَ
Q̣ul ʹatuḥaaajjoonanaa fil laahi wa-Huwa Rabbunaa wa-Rabbukum; wa-lanaa ʹaʻmaalunaa wa-lakum ʹaʻmaalukum; wa-naḥnu lahoo mukhliṣoon.
Sabihin mo [O Propeta sa mga May Kasulatan]: “Nangangatwiran ba kayo sa amin hinggil kay Allāh samantalang Siya ay ang Panginoon namin at ang Panginoon ninyo? Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kami para sa Kanya ay mga nagpapakawagas [sa pagsamba].”
-
2:140
أَمْ تَقُولُونَ إِنَّ إِبْرَٰهِـۧمَ وَإِسْمَـٰعِيلَ وَإِسْحَـٰقَ وَيَعْقُوبَ وَٱلْأَسْبَاطَ كَانُوا۟ هُودًا أَوْ نَصَـٰرَىٰ ۗ قُلْ ءَأَنتُمْ أَعْلَمُ أَمِ ٱللَّهُ ۗ وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن كَتَمَ شَهَـٰدَةً عِندَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ ۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
ʹAm taq̣ooloona ʹinna ʹIbraaheema wa-ʹIsmaaʻeela wa-ʹIsḥaaq̣a wa-Yaʻq̣ooba wal-ʹAsbaaṭa kaanoo Hoodan ʹaw Naṣaaraa? Q̣ul ʹaʹañtum ʹaʻlamu ʹamil laah? Wa-man ʹaz̤̣lamu mimmañ Katama shahaadatan ʻiñdahoo minal laah? Wa-mal laahu big̣aafilin ʻammaa taʻmaloon.
O nagsasabi kayo: “Tunay na sina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, at ang [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel] ay noon mga Hudyo o mga Kristiyano?” Sabihin mo: “Kayo ba ay higit na maalam o si Allāh? Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagtatago ng isang pagsaksi na nasa ganang kanya mula kay Allāh? Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.”
-
2:141
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُم مَّا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْـَٔلُونَ عَمَّا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ
Tilka ʹUmmatuñ q̣ad khalat. Lahaa maa- kasabat wa-lakum maa kasabtum. Wa-laa tusʹaloona ʻammaa kaanoo yaʻmaloon.
Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa.