Back to Quran

Juz

Juz 28

58:1 ... 66:12 · 137 ayahs

Isinalin ni Dar Al Salam Center

  1. Surah Al-MujadilaBegins here at 58:1

  2. 58:1

    قَدْ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوْلَ ٱلَّتِى تُجَـٰدِلُكَ فِى زَوْجِهَا وَتَشْتَكِىٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَآ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

    Q̣ad samiʻal laahu q̣awlal latee tujaadiluka fee zawjihaa wa-tashtakeee ʹilal laah: wallaahu yasmaʻu taḥaawurakumaa: ʹinnal laaha Sameeʻum Baṣeer.

    Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muḥammad] hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

  3. 58:2

    ٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِنكُم مِّن نِّسَآئِهِم مَّا هُنَّ أُمَّهَـٰتِهِمْ ۖ إِنْ أُمَّهَـٰتُهُمْ إِلَّا ٱلَّـٰٓـِٔى وَلَدْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَيَقُولُونَ مُنكَرًا مِّنَ ٱلْقَوْلِ وَزُورًا ۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ

    ʹAllaẓeena yuz̤̣aahiroona miñkum min nisaaaʹihim maa hunna ʹummahaatihim: ʹin ʹummahaatuhum ʹillal laaaʹee wa-ladnahum. Wa-ʹinnahum layaq̣ooloona muñkaram minal q̣awli wa-zooraa: wa-ʹinnal laaha laʻAfuwwun G̣afoor.

    Ang mga nagsasagawa ng dhihār kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

  4. 58:3

    وَٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِن نِّسَآئِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا۟ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِّن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِۦ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

    Wallaẓeena yuz̤̣aahiroona min nisaaaʹihim s̤umma yaʻoodoona limaa q̣aaloo fataḥreeru raq̣abatim miñ q̣abli ʹañy yatamaaassaa: ẓaalikum tooʻaz̤̣oona bih: wallaahu bimaa taʻmaloona khabeer.

    Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

  5. 58:4

    فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۖ فَمَن لَّمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ ٱللَّهِ ۗ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Famal lam yajid faṣiyaamu shahrayni mutataabiʻayni miñ q̣abli ʹañy yatamaaassaa. Famal lam yastaṭiʻ faʹiṭʻaamu sitteena miskeenaa. Ẓaalika lituʹminoo billahi wa-Rasoolih-Wa tilka Ḥudoodul laah; Wa-lilkaafireena ʻAẓaabun ʹaleem.

    Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.

  6. 58:5

    إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ كُبِتُوا۟ كَمَا كُبِتَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنزَلْنَآ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ ۚ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ مُّهِينٌ

    ʹInnal laẓeena yuḥaaaddoonal laaha wa-Rasoolahoo kubitoo kamaa kubital laẓeena miñ q̣ablihim wa-q̣ad ʹañzalnaaa ʹAayaatim Bayyinaat. Wa-lilkaafireena ʻAẓaabum muheen,―

    Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay dudustain kung paanong dinusta ang mga [sumalansang sa mga sugo] bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak,

  7. 58:6

    يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓا۟ ۚ أَحْصَىٰهُ ٱللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ شَهِيدٌ

    Yawma yabʻas̤uhumul laahu jameeʹañ fayunabbiʹuhum̃ bimaa ʻamiloo. ʹAḥṣaahul laahu wa-nasooh: wallaahu ʻalaa kulli shayʹiñ Shaheed.

    sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

  8. 58:7

    أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجْوَىٰ ثَلَـٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَآ أَدْنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا۟ ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا۟ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

    ʹAlam tara ʹannal laaha yaʻlamu maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ? Maa- yakoonu min najwaa s̤alaas̤atin ʹillaa Huwa raabiʻuhum wa-laa khamsatin ʹillaa Huwa saadisuhum wa-laaa ʹadnaa miñ ẓaalika wa-laaa ʹaks̤ara ʹillaa Huwa maʻahum ʹayna maa kaanoo: s̤umma yunabbiʹuhum̃ bimaa ʻamiloo Yawmal Q̣iyaamah. ʹInnal laaha bikulli shayʹin ʻAleem.

    Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

  9. 58:8

    أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُوا۟ عَنِ ٱلنَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا۟ عَنْهُ وَيَتَنَـٰجَوْنَ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِىٓ أَنفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

    ʹAlam tara ʹilal laẓeena nuhoo ʻanin najwaa s̤umma yaʻoodoona limaa nuhoo ʻanhu wa-yatanaajawna bil-ʹis̤mi walʻudwaani wa-maʻṣiyatir Rasool. Wa-ʹiẓaa jaaaʹooka ḥayyawka bimaa lam yuḥayyika bihil laahu wa-yaq̣ooloona feee ʹañfusihim Law-laa yuʻaẓẓibunal laahu bimaa naq̣ool? Ḥasbuhum Jahannam: yaṣlawnahaa, fabiʹsal maṣeer!

    Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng [pagbating] hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: “Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?” Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!

  10. 58:9

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا تَنَـٰجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْبِرِّ وَٱلتَّقْوَىٰ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa tanaajaytum falaa tatanaajaw bil-ʹis̤mi wal-ʻudwaani wa-maʻsiyatir Rasooli wa-tanaajaw bil-birri wattaq̣waa; wattaq̣ul laahal laẓeee ʹilayhi tuḥsharoon.

    O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni Allāh], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo.

  11. 58:10

    إِنَّمَا ٱلنَّجْوَىٰ مِنَ ٱلشَّيْطَـٰنِ لِيَحْزُنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَلَيْسَ بِضَآرِّهِمْ شَيْـًٔا إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

    ʹInnaman najwaa minash Shayṭaani liyaḥzunal laẓeena ʹaamanoo wa-laysa biḍaaarrihim shayʹan ʹillaa biʹiẓnil laah; wa-ʻalal laahi falyatawakkalil Muʹminoon.

    Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

  12. 58:11

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا۟ فِى ٱلْمَجَـٰلِسِ فَٱفْسَحُوا۟ يَفْسَحِ ٱللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُوا۟ فَٱنشُزُوا۟ يَرْفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مِنكُمْ وَٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ دَرَجَـٰتٍ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa q̣eela lakum tafassaḥoo fil majaalisi fafsahoo yafsaḥil laahu lakum. Wa-ʹiẓaa q̣eelañ shuzoo fañshuzoo yarfaʻil laahul laẓeena ʹaamanoo miñkum wallaẓeena ʹootul ʻIlma darajaat. Wallaahu bimaa taʻmaloona khabeer.

    O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo – magpapaluwang si Allāh para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo – mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

  13. 58:12

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا نَـٰجَيْتُمُ ٱلرَّسُولَ فَقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَّكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِن لَّمْ تَجِدُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa naajaytumur Rasoola faq̣addimoo bayna yaday najwaakum ṣadaq̣ah. Ẓaalika khayrul lakum wa-ʹaṭhar. Faʹil lam tajidoo faʹinnal laaha G̣afoorur Raḥeem.

    O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  14. 58:13

    ءَأَشْفَقْتُمْ أَن تُقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَـٰتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا۟ وَتَابَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

    ʹAʹashfaq̣tum ʹañ tuq̣addimoo bayna yaday najwaakum ṣadaq̣aat? Faʹiẓ lam tafʻaloo wa-taabal laahu ʻalaykum faʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaata wa-ʹaṭeeʻul laaha wa-Rasoolah. Wallaahu khabeerum bimaa taʻmaloon.

    Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

  15. 58:14

    ۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ تَوَلَّوْا۟ قَوْمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِم مَّا هُم مِّنكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى ٱلْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ

    ʹAlam tara ʹilal lazeena tawallaw q̣awman g̣aḍibal laahu ʻalayhim? Maa- hum miñkum wa-laa minhum wa-yaḥlifoona ʻalal kaẓibi wa-hum yaʻlamoon.

    Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam.

  16. 58:15

    أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَآءَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

    ʹAʻaddal laahu lahum ʻaẓaabañ shadeedaa: ʹinnahum saaaʹa maa- kaanoo yaʻmaloon.

    Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa!

  17. 58:16

    ٱتَّخَذُوٓا۟ أَيْمَـٰنَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا۟ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ

    ʹIttakhaẓooo ʹaymaanahum junnatañ faṣaddoo ʻañ Sabeelil laahi falahum ʻAẓaabum muheen.

    Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panakip [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.

  18. 58:17

    لَّن تُغْنِىَ عَنْهُمْ أَمْوَٰلُهُمْ وَلَآ أَوْلَـٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ

    Lañ tug̣niya ʻanhum ʹamwaaluhum wa-laaa ʹawlaaduhum minal laahi shayʹaa: ʹulaaaʹika ʹAṣḥaabun Naar; hum feehaa khaalidoon.

    Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili,

  19. 58:18

    يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَىْءٍ ۚ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلْكَـٰذِبُونَ

    Yawma yabʻas̤uhumul laahu jameeʻañ fayaḥlifoona lahoo kamaa yaḥlifoona lakum wa-yaḥsaboona ʹannahum ʻalaa shayʹ. ʹAlaaa ʹinnahum humul kaaẓiboon!

    sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo [na mga mananampalataya]. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling.

  20. 58:19

    ٱسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ فَأَنسَىٰهُمْ ذِكْرَ ٱللَّهِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱلشَّيْطَـٰنِ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ

    ʹIstaḥwaẓa ʻalayhimush Shayṭaanu faʹañsaahum ẓikral laah. ʹUlaaaʹika Ḥizbush Shayṭaan. ʹAlaaa ʹinna Ḥizbash Shayṭaani humul khaasiroon!

    Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi.

  21. 58:20

    إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ أُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ٱلْأَذَلِّينَ

    ʹInnal laẓeena yuḥaaaddoonal laaha wa-Rasoolahooo ʹulaaaʹika fil ʹaẓalleen.

    Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakakaaba-aba.

  22. 58:21

    كَتَبَ ٱللَّهُ لَأَغْلِبَنَّ أَنَا۠ وَرُسُلِىٓ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِىٌّ عَزِيزٌ

    Katabal laahu laʹag̣libanna ʹana wa-rusulee: ʹinnal laaha Q̣awiyyun ʻAzeez.

    Nagtakda si Allāh: “Talagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko.” Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

  23. 58:22

    لَّا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ يُوَآدُّونَ مَنْ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوْ كَانُوٓا۟ ءَابَآءَهُمْ أَوْ أَبْنَآءَهُمْ أَوْ إِخْوَٰنَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ كَتَبَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلْإِيمَـٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٍ مِّنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِىَ ٱللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا۟ عَنْهُ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱللَّهِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

    Laa- tajidu q̣awmañy yuʹminoona billaahi wal-Yawmil ʹAakhiri yuwaaaddoona man ḥaaaddal laaha wa-Rasoolahoo wa-law kaanooo ʹaabaaaʹahum ʹaw ʹabnaaaʹahum ʹaw ʹikhwaanahum ʹaw ʻasheeratahum. ʹUlaaaʹika kataba fee q̣uloobihimul ʹeemaana wa-ʹayyadahum̃ birooḥim minh. Wa-yudkhiluhum Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru khaalideena feehaa. Raḍiyal laahu ʻanhum wa-raḍoo ʻanh. ʹUlaaaʹika Ḥizbul laah. ʹAlaaa ʹinna Ḥizbal laahi humul Mufliḥoon.

    Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.

  24. Surah Al-HashrBegins here at 59:1

  25. 59:1

    سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    Sabbaḥa lillaahi maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ: wa-Huwal ʻAzeezul Ḥakeem.

    Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  26. 59:2

    هُوَ ٱلَّذِىٓ أَخْرَجَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَـٰبِ مِن دِيَـٰرِهِمْ لِأَوَّلِ ٱلْحَشْرِ ۚ مَا ظَنَنتُمْ أَن يَخْرُجُوا۟ ۖ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُم مَّانِعَتُهُمْ حُصُونُهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَأَتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوا۟ ۖ وَقَذَفَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعْبَ ۚ يُخْرِبُونَ بُيُوتَهُم بِأَيْدِيهِمْ وَأَيْدِى ٱلْمُؤْمِنِينَ فَٱعْتَبِرُوا۟ يَـٰٓأُو۟لِى ٱلْأَبْصَـٰرِ

    Huwal laẓeee ʹakhrajal laẓeena kafaroo min ʹAhlil Kitaabi miñ diyaarihim liʹawwalil ḤASHR. Maa- z̤̣anañtum ʹañy yakhrujoo wa-z̤̣annooo ʹannahum Maa-niʻatuhum ḥuṣoonuhum minal laahi faʹataahumul laahu min ḥays̤u lam yaḥtasiboo, wa-q̣aẓafa fee q̣uloobihimur ruʻba yukhriboona buyootahum̃ biʹaydeehim wa-ʹaydil Muʹmineen. Faʻtabiroo yaaaʹulil ʹabṣaar!

    Siya ay ang nagpalisan sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan mula sa mga tahanan nila sa unang pagkakalap [at pagpapatapon sa kanila]. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lilisan. Nagpalagay sila na sila ay ipagtatanggol ng mga kuta nila laban kay Allāh, ngunit nagpapunta sa kanila si Allāh [ng pagdurusa] mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila ng mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo [mula rito], O mga may paningin.

  27. 59:3

    وَلَوْلَآ أَن كَتَبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمُ ٱلْجَلَآءَ لَعَذَّبَهُمْ فِى ٱلدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ عَذَابُ ٱلنَّارِ

    Wa-lawlaaa ʹañ katabal laahu ʻalayhimul jalaaaʹa laʻaẓẓabahum fid dunyaa: wa-lahum fil ʹAakhirati ʻAẓaabun Naar.

    Kung sakaling hindi nagtakda si Allāh sa kanila ng paglayas ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy.

  28. 59:4

    ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ شَآقُّوا۟ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ ۖ وَمَن يُشَآقِّ ٱللَّهَ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ

    Ẓaalika biʹAnnahum shaaaq̣q̣ul laaha wa-Rasoolah. Wa-mañy yushaaaq̣q̣il laaha faʹinnal laaha Shadeedul ʻIq̣aab.

    Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad]. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.

  29. 59:5

    مَا قَطَعْتُم مِّن لِّينَةٍ أَوْ تَرَكْتُمُوهَا قَآئِمَةً عَلَىٰٓ أُصُولِهَا فَبِإِذْنِ ٱللَّهِ وَلِيُخْزِىَ ٱلْفَـٰسِقِينَ

    Maa- q̣aṭaʻtum mil leenatin aw taraktumoohaa q̣aaaʹimatan ʻalaaa ʹuṣoolihaa fabiʹiẓnil laahi wa-liyukhziyal faasiq̣een.

    Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang magpahiya Siya sa mga suwail.

  30. 59:6

    وَمَآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنْهُمْ فَمَآ أَوْجَفْتُمْ عَلَيْهِ مِنْ خَيْلٍ وَلَا رِكَابٍ وَلَـٰكِنَّ ٱللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُۥ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

    Wa-maaa ʹafaaaʹal laahu ʻalaa Rasoolihee minhum famaaa ʹawjaftum ʻalayhi min khayliñw walaa rikaabiñw walaakinnal laaha yusalliṭu rusulahoo ʻalaa mañy yashaaaʹ. Wallaahu ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.

    Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kanila ay hindi kayo nagpatulin para rito ng anumang mga kabayo ni mga kamelyo, subalit nagpapangibabaw si Allāh sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

  31. 59:7

    مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنْ أَهْلِ ٱلْقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَـٰمَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينِ وَٱبْنِ ٱلسَّبِيلِ كَىْ لَا يَكُونَ دُولَةًۢ بَيْنَ ٱلْأَغْنِيَآءِ مِنكُمْ ۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمْ عَنْهُ فَٱنتَهُوا۟ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ

    Maaa ʹafaaaʹal laahu ʻalaa Rasoolihee min ʹahlil Q̣uraa falillaahi wa-lir-rasooli wa-liẓil q̣urbaa wal-yataamaa walmasaakeeni wabnis sabeeli kay laa- yakoona doolatam baynal ʹag̣niyaaaʹi miñkum. Wa-maaa ʹaataakumur Rasoolu fakhuẓoohu wa-maa nahaakum ʻanhu fañtahoo. Wattaq̣ul laah; ʹinnal laaha Shadeedul ʻIq̣aab.

    Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo], mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.

  32. 59:8

    لِلْفُقَرَآءِ ٱلْمُهَـٰجِرِينَ ٱلَّذِينَ أُخْرِجُوا۟ مِن دِيَـٰرِهِمْ وَأَمْوَٰلِهِمْ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضْوَٰنًا وَيَنصُرُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّـٰدِقُونَ

    Lilfuq̣araaaʹil Muhaajireenal laẓeena ʹukhrijoo miñ diyaarihim wa-ʹamwaalihim yabtag̣oona Faḍlam minal laahi wa-Riḍwaanañw wayañṣuroonal laaha wa-Rasoolah: ʹulaaaʹika humuṣ Ṣaadiq̣oon;―

    [May bahagi] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat.

  33. 59:9

    وَٱلَّذِينَ تَبَوَّءُو ٱلدَّارَ وَٱلْإِيمَـٰنَ مِن قَبْلِهِمْ يُحِبُّونَ مَنْ هَاجَرَ إِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُونَ فِى صُدُورِهِمْ حَاجَةً مِّمَّآ أُوتُوا۟ وَيُؤْثِرُونَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۚ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

    Wallaẓeena tabawwaʹud daara wal-ʹeemaana miñ q̣ablihim yuḥibboona man haajara ʹilayhim wa-laa yajidoona fee ṣudoorihim ḥaajatam mimmaaa ʹootoo wa-yuʹs̤iroona ʻalaaa ʹañfusihim wa-law kaana bihim khaṣaaṣah. Wa-mañy yooq̣a shuḥḥa nafsihee faʹulaaaʹika humul Mufliḥoon.

    Ang mga namalagi sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon ay umiibig sa sinumang lumikas kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay [sa landas nila].

  34. 59:10

    وَٱلَّذِينَ جَآءُو مِنۢ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَٰنِنَا ٱلَّذِينَ سَبَقُونَا بِٱلْإِيمَـٰنِ وَلَا تَجْعَلْ فِى قُلُوبِنَا غِلًّا لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ رَبَّنَآ إِنَّكَ رَءُوفٌ رَّحِيمٌ

    Wallaẓeena jaaaʹoo mim baʻdihim yaq̣ooloona Rabbanag̣ fir lanaa wa-liʹikhwaaninal laẓeena sabaq̣oonaa bil-ʹEemaani wa-laa tajʻal fee q̣uloobinaa g̣illallil laẓeena ʹaamanoo Rabbanaaa ʹinnaka Raʹoofur Raḥeem.

    Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: “Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.”

  35. 59:11

    ۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نَافَقُوا۟ يَقُولُونَ لِإِخْوَٰنِهِمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَـٰبِ لَئِنْ أُخْرِجْتُمْ لَنَخْرُجَنَّ مَعَكُمْ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمْ أَحَدًا أَبَدًا وَإِن قُوتِلْتُمْ لَنَنصُرَنَّكُمْ وَٱللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَـٰذِبُونَ

    ʹAlam tara ʹilal laẓeena naafaq̣oo yaq̣ooloona liʹikhwaanihimul laẓeena kafaroo min ʹAhlil Kitaabi laʹin ʹukhrijtum lanakhrujanna maʻakum wa-laa nuṭeeʻu feekum ʹaḥadan ʹabadañw waʹiñ q̣ootiltum lanañṣurannakum. Wallaahu yashhadu ʹinnahum lakaaẓiboon.

    Hindi ka ba tumingin sa mga nagpaimbabaw habang nagsasabi sa mga kapatid nila na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan: “Talagang kung pinalisan kayo ay talagang lilisan nga kami kasama sa inyo. Hindi kami tatalima alang-alang sa inyo sa isa man magpakailanman. Kung kinalaban kayo ay talagang mag-aadya nga kami sa inyo.” Si Allāh ay sumasaksi na sila ay talagang mga sinungaling.

  36. 59:12

    لَئِنْ أُخْرِجُوا۟ لَا يَخْرُجُونَ مَعَهُمْ وَلَئِن قُوتِلُوا۟ لَا يَنصُرُونَهُمْ وَلَئِن نَّصَرُوهُمْ لَيُوَلُّنَّ ٱلْأَدْبَـٰرَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ

    Laʹin ʹukhrijoo laa- yakhrujoona maʻahum; walaʹiñ q̣ootiloo laa- yañṣuroonahum; wa-laʹin naṣaroohum layuwallunnal ʹadbaar; s̤umma laa- yuñṣaroon.

    Talagang kung pinalisan ang mga ito ay hindi sila lilisan kasama sa mga ito. Talagang kung kinalaban ang mga ito ay hindi mag-aadya sa mga ito sila [na mga mapagpaimbabaw]. Talagang kung nag-aadya man sila sa mga ito ay talaga ngang magbabaling sila ng mga likuran [nila], pagkatapos hindi sila maiaadya.

  37. 59:13

    لَأَنتُمْ أَشَدُّ رَهْبَةً فِى صُدُورِهِم مِّنَ ٱللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَّا يَفْقَهُونَ

    Laʹañtum ʹashaddu rahbatañ fee ṣudoorihim minal laah. Ẓaalika biʹannahum q̣awmul laa yafq̣ahoon.

    Talagang kayo [na mga mananampalataya] ay higit na matindi sa pangingilabot sa mga dibdib nila kaysa kay Allāh. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.

  38. 59:14

    لَا يُقَـٰتِلُونَكُمْ جَمِيعًا إِلَّا فِى قُرًى مُّحَصَّنَةٍ أَوْ مِن وَرَآءِ جُدُرٍۭ ۚ بَأْسُهُم بَيْنَهُمْ شَدِيدٌ ۚ تَحْسَبُهُمْ جَمِيعًا وَقُلُوبُهُمْ شَتَّىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَّا يَعْقِلُونَ

    Laa- yuq̣aatiloonakum jameeʻan ʹillaa fee q̣uram muḥaṣṣanatin ʹaw miñw waraaaʹi judur. Baʹsuhum̃ baynahum shadeed: taḥsabuhum jameeʻañwwa q̣uloobuhum shattaa: ẓaalika biʹannahum q̣awmul laa yaʻq̣iloon.

    Hindi sila nakikipaglaban sa inyo nang lahatan maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang karahasan nila sa pagitan nila ay matindi. Mag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.

  39. 59:15

    كَمَثَلِ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ قَرِيبًا ۖ ذَاقُوا۟ وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Kamas̤alil laẓeena miñ q̣ablihim q̣areebañ ẓaaq̣oo wa-baala ʹamrihim; wa-lahum ʻaẓaabun ʹaleem;―

    Katulad ng mga [Hudyo] bago pa nila kamakailan, lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

  40. 59:16

    كَمَثَلِ ٱلشَّيْطَـٰنِ إِذْ قَالَ لِلْإِنسَـٰنِ ٱكْفُرْ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّى بَرِىٓءٌ مِّنكَ إِنِّىٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلْعَـٰلَمِينَ

    Kamas̤alish Shayṭaani ʹiẓ q̣aala lil-ʹiñsaanik fur: falammaa kafara q̣aala ʹinnee bareeeʹum miñka ʹinneee ʹakhaaful laaha Rabbal ʻAalameen!

    [Ang mga mapagpaimbabaw ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: “Tumanggi kang sumampalataya!” Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.”

  41. 59:17

    فَكَانَ عَـٰقِبَتَهُمَآ أَنَّهُمَا فِى ٱلنَّارِ خَـٰلِدَيْنِ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُا۟ ٱلظَّـٰلِمِينَ

    Fakaana ʻaaq̣ibatahumaaa ʹannahumaa fin Naari khaalidayni feehaa. Wa-ẓaalika jazaaaʹuz̤̣ z̤̣aalimeen.

    Kaya ang kahihinatnan nilang dalawa ay na silang dalawa ay sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Iyon ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan.

  42. 59:18

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَلْتَنظُرْ نَفْسٌ مَّا قَدَّمَتْ لِغَدٍ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanut taq̣ul laaha Waltañz̤̣ur nafsum maa q̣addamat lig̣ad. Wattaq̣ul laah: ʹInnal laaha khabeerum bimaa taʻmaloon.

    O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

  43. 59:19

    وَلَا تَكُونُوا۟ كَٱلَّذِينَ نَسُوا۟ ٱللَّهَ فَأَنسَىٰهُمْ أَنفُسَهُمْ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْفَـٰسِقُونَ

    Wa-laa takoonoo kallaẓeena nasul laaha faʹañsaahum ʹañfusahum! ʹUlaaaʹika humul faasiq̣oon!

    Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail.

  44. 59:20

    لَا يَسْتَوِىٓ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ وَأَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ ۚ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ هُمُ ٱلْفَآئِزُونَ

    Laa- yastaweee ʹAṣḥaabun Naari wa-ʹAṣḥaabul Jannah: ʹAṣḥaabul Jannati humul Faaaʹizoon.

    Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi.

  45. 59:21

    لَوْ أَنزَلْنَا هَـٰذَا ٱلْقُرْءَانَ عَلَىٰ جَبَلٍ لَّرَأَيْتَهُۥ خَـٰشِعًا مُّتَصَدِّعًا مِّنْ خَشْيَةِ ٱللَّهِ ۚ وَتِلْكَ ٱلْأَمْثَـٰلُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ

    Law ʹañzalnaa haaẓal Q̣urʹaana ʻalaa jabalil laraʹaytahoo khaashiʻam mutaṣaddiʻam min khashyatil laah. Wa-tilkal ʹams̤aalu naḍribuhaa linnaasi laʻallahum vatafakkaroon.

    Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.

  46. 59:22

    هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِى لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ۖ هُوَ ٱلرَّحْمَـٰنُ ٱلرَّحِيمُ

    Huwal laahul laẓee Laaa ʹilaaha ʹillaa Hoo;―ʻ ʻAalimul g̣aybi washshahaadah; Huwar Raḥmaanur Raḥeem.

    Siya ay si Allāh na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain.

  47. 59:23

    هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِى لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلْمَلِكُ ٱلْقُدُّوسُ ٱلسَّلَـٰمُ ٱلْمُؤْمِنُ ٱلْمُهَيْمِنُ ٱلْعَزِيزُ ٱلْجَبَّارُ ٱلْمُتَكَبِّرُ ۚ سُبْحَـٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ

    Huwal laahul laẓee Laaa ʹilaaha ʹillaa Hoo,ʹAl Malikul Q̣uddoosus Salaamul Muʹminul Muhayminul ʻAzeezul Jabbaarul Mutakabbir: Subḥaanal laahi ʻammaa yushrikoon.

    Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal, ang Tagapagpasampalataya, ang Tagapagsubaybay, ang Makapangyarihan, ang Palasupil, ang Nakapagmamalaki. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!

  48. 59:24

    هُوَ ٱللَّهُ ٱلْخَـٰلِقُ ٱلْبَارِئُ ٱلْمُصَوِّرُ ۖ لَهُ ٱلْأَسْمَآءُ ٱلْحُسْنَىٰ ۚ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۖ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    Huwal laahul Khaaliq̣ul Baariʹul Muṣawwiru lahul ʹAsmaaa ʹul-Ḥusnaa: yusabbiḥu lahoo maa- fis samaawaati wal-ʹarḍ: wa-Huwal ʻAzeezul Ḥakeem.

    Siya ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagapaglalang [na nagpasimula ng nilikha mula sa wala], ang Tagapag-anyo; taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  49. Surah Al-MumtahanahBegins here at 60:1

  50. 60:1

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَتَّخِذُوا۟ عَدُوِّى وَعَدُوَّكُمْ أَوْلِيَآءَ تُلْقُونَ إِلَيْهِم بِٱلْمَوَدَّةِ وَقَدْ كَفَرُوا۟ بِمَا جَآءَكُم مِّنَ ٱلْحَقِّ يُخْرِجُونَ ٱلرَّسُولَ وَإِيَّاكُمْ ۙ أَن تُؤْمِنُوا۟ بِٱللَّهِ رَبِّكُمْ إِن كُنتُمْ خَرَجْتُمْ جِهَـٰدًا فِى سَبِيلِى وَٱبْتِغَآءَ مَرْضَاتِى ۚ تُسِرُّونَ إِلَيْهِم بِٱلْمَوَدَّةِ وَأَنَا۠ أَعْلَمُ بِمَآ أَخْفَيْتُمْ وَمَآ أَعْلَنتُمْ ۚ وَمَن يَفْعَلْهُ مِنكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

    Yaaa-ʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo laa- tattakhiẓoo ʻaduwwee wa-ʻaduwwakum ʹawliyaaaʹa tulq̣oona ʹilayhim̃ bilmawaddati wa-q̣ad kafaroo bimaa jaaaʹakum minal Ḥaq̣q̣i, yukhrijoonar Rasoola wa-ʹiyyaakum ʹañ tuʹminoo billaahi Rabbikum! ʹIñ kuñtum kharajtum jihaadañ fee Sabeelee wabtig̣aaaʹa Marḍaatee tusirroona ʹilayhim bilmawaddati wa-ʹana ʹaʻlamu bimaaa ʹakhfaytum wa-maaa ʹaʻlañtum. Wa-mañy yafʻalhu miñkum faq̣ad ḍalla Sawaaaʹas Sabeel.

    O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa kaaway Ko at kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nag-uukol kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na katotohanan, habang nagpapalisan sila sa Sugo [ni Allāh] at sa inyo dahil sumampalataya kayo kay Allāh na Panginoon ninyo. [Iyon ay] kung kayo ay hahayo dala ng isang pakikibaka sa landas Ko at dala ng paghahangad sa kaluguran Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo at anumang inihahayag ninyo. Ang sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga siya palayo sa katumpakan ng landas.

  51. 60:2

    إِن يَثْقَفُوكُمْ يَكُونُوا۟ لَكُمْ أَعْدَآءً وَيَبْسُطُوٓا۟ إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ وَأَلْسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّوا۟ لَوْ تَكْفُرُونَ

    ʹIñy yas̤q̣afookum yakoonoo lakum ʹaʻdaaaʹañw Wayabsuṭooo ʹilaykum ʹaydiyahum wa-ʹalsinatahum̃ bissoooʹi wa-waddoo law takfuroon.

    Kung mananaig sila inyo, sila para sa inyo ay magiging mga kaaway, magpapaabot sila laban sa inyo ng mga kamay nila at mga dila nila sa pamamagitan ng kasagwaan. Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya.

  52. 60:3

    لَن تَنفَعَكُمْ أَرْحَامُكُمْ وَلَآ أَوْلَـٰدُكُمْ ۚ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ يَفْصِلُ بَيْنَكُمْ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

    Lañ tañfaʻakum ʹarḥaamukum wa-laaa ʹawlaadukum Yawmal Q̣iyaamah: yafṣilu baynakum: wallaahu bimaa taʻmaloona Baṣeer.

    Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga pagkakaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

  53. 60:4

    قَدْ كَانَتْ لَكُمْ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ فِىٓ إِبْرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذْ قَالُوا۟ لِقَوْمِهِمْ إِنَّا بُرَءَٰٓؤُا۟ مِنكُمْ وَمِمَّا تَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرْنَا بِكُمْ وَبَدَا بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ ٱلْعَدَٰوَةُ وَٱلْبَغْضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤْمِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَحْدَهُۥٓ إِلَّا قَوْلَ إِبْرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسْتَغْفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمْلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَىْءٍ ۖ رَّبَّنَا عَلَيْكَ تَوَكَّلْنَا وَإِلَيْكَ أَنَبْنَا وَإِلَيْكَ ٱلْمَصِيرُ

    Q̣ad kaanat lakum ʹuswatun ḥasanatuñ feee ʹIbraaheema wallaẓeena maʻahooo ʹiẓ q̣aaloo liq̣awmihim ʹinnaa buraʹaaaʹu miñkum wa-mimmaa taʻbudoona miñ doonil laah: kafarnaa bikum wa-badaa baynanaa wa-baynakumul ʻadaawatu wal-bag̣ḍaaaʹu ʹabadan ḥattaa tuʹminoo billaahi Waḥdahooo ʹillaa q̣awla ʹIbraaheema liʹabeehi laʹastag̣firanna laka wa-maaa ʹamliku laka minal laahi miñ shayʹ. Rabbanaa ʻalayka tawakkalnaa wa-ʹilayka ʹanabnaa wa-ʹilaykal Maṣeer.

    Nagkaroon nga para sa inyo ng isang magandang huwaran sa kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: “Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kami sa inyo at lumantad na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang,” maliban sa sabi ni Abraham sa ama niya: “Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo samantalang hindi ako nakapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, tungo sa Iyo kami nagsisising bumalik [sa pagsisisi at pagtalima], at tungo sa Iyo ang kahahantungan.

  54. 60:5

    رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا فِتْنَةً لِّلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَٱغْفِرْ لَنَا رَبَّنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    Rabbanaa laa- tajʻalnaa fitnatal lillaẓeena kafaroo wag̣fir lanaa Rabbanaa! ʹInnaka ʹAñtal ʻAzeezul Ḥakeem.

    Panginoon namin, huwag Kang gumawa amin bilang pinag-uusig para sa mga tumangging sumampalataya at magpatawad Ka sa amin, Panginoon namin; tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”

  55. 60:6

    لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِيهِمْ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِّمَن كَانَ يَرْجُوا۟ ٱللَّهَ وَٱلْيَوْمَ ٱلْـَٔاخِرَ ۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْغَنِىُّ ٱلْحَمِيدُ

    Laq̣ad kaana lakum feehim ʹuswatun ḥasanatul limañ kaana yarjul laaha wal-Yawmal ʹAakhir. Wa-mañy yatawalla faʹinnal laaha Huwal G̣aniyyul Ḥameed.

    Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa kanila ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.

  56. 60:7

    ۞ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجْعَلَ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَ ٱلَّذِينَ عَادَيْتُم مِّنْهُم مَّوَدَّةً ۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٌ ۚ وَٱللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    ʻAsal laahu ʹañy yajʻala baynakum wa-baynal laẓeena ʻaadaytum minhum mawaddah. Wallaahu Q̣adeer; wallaahu G̣afoorur Raḥeem.

    Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  57. 60:8

    لَّا يَنْهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمْ يُقَـٰتِلُوكُمْ فِى ٱلدِّينِ وَلَمْ يُخْرِجُوكُم مِّن دِيَـٰرِكُمْ أَن تَبَرُّوهُمْ وَتُقْسِطُوٓا۟ إِلَيْهِمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلْمُقْسِطِينَ

    Laa- yanhaakumul laahu ʻanil laẓeena lam yuq̣aatilookum fid Deeni wa-lam yukhrijookum miñ diyaarikum ʹañ tabarroohum wa-tuq̣siṭooo ʹilayhim: ʹinnal laaha yuḥibbul Muq̣siṭeen.

    Hindi sumasaway sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo] at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.

  58. 60:9

    إِنَّمَا يَنْهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَـٰتَلُوكُمْ فِى ٱلدِّينِ وَأَخْرَجُوكُم مِّن دِيَـٰرِكُمْ وَظَـٰهَرُوا۟ عَلَىٰٓ إِخْرَاجِكُمْ أَن تَوَلَّوْهُمْ ۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمْ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ

    ʹInnamaa yanhaakumul laahu ʻanil laẓeena q̣aatalookum fid Deeni wa-ʹakhrajookum miñ diyaarikum wa-z̤̣aaharoo ʻalaaa ʹikhraajikum ʹañ tawallawhum. Wa-mañy yatawallahum faʹulaaaʹika humuz̤̣ z̤̣aalimoon.

    Sumasaway lamang sa inyo si Allāh kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo], nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalisan sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.

  59. 60:10

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلْمُؤْمِنَـٰتُ مُهَـٰجِرَٰتٍ فَٱمْتَحِنُوهُنَّ ۖ ٱللَّهُ أَعْلَمُ بِإِيمَـٰنِهِنَّ ۖ فَإِنْ عَلِمْتُمُوهُنَّ مُؤْمِنَـٰتٍ فَلَا تَرْجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلْكُفَّارِ ۖ لَا هُنَّ حِلٌّ لَّهُمْ وَلَا هُمْ يَحِلُّونَ لَهُنَّ ۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُوا۟ ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيْتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ ۚ وَلَا تُمْسِكُوا۟ بِعِصَمِ ٱلْكَوَافِرِ وَسْـَٔلُوا۟ مَآ أَنفَقْتُمْ وَلْيَسْـَٔلُوا۟ مَآ أَنفَقُوا۟ ۚ ذَٰلِكُمْ حُكْمُ ٱللَّهِ ۖ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo ʹiẓaa jaaaʹakumul Muʹminaatu Muhaajiraatiñ famtaḥinoohunn: ʹAllaahu ʹaʻlamu biʹeemaanihinn: faʹin ʻalimtumoohunna Muʹminaatiñ falaa tarjiʻoohunna ʹilal Kuffaar. Laa- hunna ḥillul lahum wa-laa hum yaḥilloona lahunn. Wa-ʹaatoohum maaa ʹañfaq̣oo. Wa-laa junaaḥa ʻalaykum ʹañ tañkiḥoohunna ʹiẓaaa ʹaataytumoohunna ʹujoorahunn. Wa-laa tumsikoo biʻiṣamil kawaafiri wasʹaloo maaa ʹañfaq̣tum walyasʹaloo maaa ʹañfaq̣oo. Ẓaalikum ḥukmul laah. Yaḥkumu baynakum. Wallaahu ʻAleemun Ḥakeem.

    O mga sumampalataya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga tagalikas ay sulitin ninyo sila. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpapabalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito ni ang mga ito ay pinahihintulutan para sa kanila. Magbigay kayo sa mga ito ng ginugol ng mga ito [na bigay-kaya sa mga maybahay ng mga ito]. Walang maisisisi sa inyo na magpakasal kayo sa kanila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Huwag kayong kumapit sa mga bigkis ng kasal sa mga babaing tagatangging sumampalataya. Humingi kayo ng ginugol ninyo [na bigay-kaya] at humingi ang mga ito ng ginugol ng mga ito. Iyon ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

  60. 60:11

    وَإِن فَاتَكُمْ شَىْءٌ مِّنْ أَزْوَٰجِكُمْ إِلَى ٱلْكُفَّارِ فَعَاقَبْتُمْ فَـَٔاتُوا۟ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتْ أَزْوَٰجُهُم مِّثْلَ مَآ أَنفَقُوا۟ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤْمِنُونَ

    Wa-ʹiñ faatakum shayʹum min ʹazwaajikum ʹilal kuffaari faʻaaq̣abtum faʹaatul laẓeena ẓahabat ʹazwaajuhum mis̤la maaa ʹañfaq̣oo. Wattaq̣ul laahal laẓeee ʹañtum̃ bihee Muʹminoon.

    Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman mula sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo [sa digmaan], magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya.

  61. 60:12

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلْمُؤْمِنَـٰتُ يُبَايِعْنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشْرِكْنَ بِٱللَّهِ شَيْـًٔا وَلَا يَسْرِقْنَ وَلَا يَزْنِينَ وَلَا يَقْتُلْنَ أَوْلَـٰدَهُنَّ وَلَا يَأْتِينَ بِبُهْتَـٰنٍ يَفْتَرِينَهُۥ بَيْنَ أَيْدِيهِنَّ وَأَرْجُلِهِنَّ وَلَا يَعْصِينَكَ فِى مَعْرُوفٍ ۙ فَبَايِعْهُنَّ وَٱسْتَغْفِرْ لَهُنَّ ٱللَّهَ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    Yaaaʹayyuhan Nabiyyu ʹiẓaa jaaaʹakal Muʹminaatu yubaayiʻnaka ʻalaaa ʹal laa yushrikna billaahi shayʹañw walaa yasriq̣na wa-laa yazneena wa-laa yaq̣tulna ʹawlaadahunna wa-laa yaʹteena bibuhtaaniñy yaftareenahoo bayna ʹaydeehinna wa-ʹarjulihinna wa-laa yaʻṣeenaka fee maʻroofiñ fabaayiʻhunna wastag̣fir lahunnal laah: ʹinnal laaha G̣afoorur Raḥeem.

    O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila, hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  62. 60:13

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَتَوَلَّوْا۟ قَوْمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمْ قَدْ يَئِسُوا۟ مِنَ ٱلْـَٔاخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلْكُفَّارُ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْقُبُورِ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo laa- tatawallaw q̣awman g̣aḍibal laahu ʻalayhim q̣ad yaʹisoo minal ʹAakhirati kamaa yaʹisal kuffaaru min ʹaṣḥaabil q̣uboor.

    O mga sumampalataya, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si Allāh sa kanila [na mga Hudyo], na nawalan na sila ng pag-asa sa [gantimpala sa] Kabilang-buhay kung paanong nawalang ng pag-asa ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa [panunumbalik ng] mga kasamahan ng mga libingan.

  63. Surah As-SafBegins here at 61:1

  64. 61:1

    سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    Sabbaḥa lillaahi maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ: wa-Huwal ʻAzeezul Ḥakeem.

    Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  65. 61:2

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفْعَلُونَ

    Yaaa-ʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo lima taq̣ooloona maa laa- tafʻaloon?

    O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?

  66. 61:3

    كَبُرَ مَقْتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُوا۟ مَا لَا تَفْعَلُونَ

    Kabura maq̣tan ʻiñdal laahi ʹañ taq̣ooloo maa laa- tafʻaloon.

    Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.

  67. 61:4

    إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَـٰتِلُونَ فِى سَبِيلِهِۦ صَفًّا كَأَنَّهُم بُنْيَـٰنٌ مَّرْصُوصٌ

    ʹInnal laaha yuḥibbul laẓeena yuq̣aatiloona fee Sabeelihee ṢAFFAÑ kaʹannahum̃ bunyaanum marṣooṣ.

    Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.

  68. 61:5

    وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَـٰقَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِى وَقَد تَّعْلَمُونَ أَنِّى رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيْكُمْ ۖ فَلَمَّا زَاغُوٓا۟ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمْ ۚ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْفَـٰسِقِينَ

    Wa-ʹiẓ q̣aala Moosaa liq̣awmihee yaa-q̣awmi lima tuʹẓoonanee wa-q̣at taʻlamoona ʹannee rasoolul laahi ʹilaykum?˺ Falammaa zaag̣ooo ʹazaag̣al laahu q̣uloobahum. Wallaahu laa- yahdil q̣awmal faasiq̣een.

    [Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.

  69. 61:6

    وَإِذْ قَالَ عِيسَى ٱبْنُ مَرْيَمَ يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ إِنِّى رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيْكُم مُّصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَىَّ مِنَ ٱلتَّوْرَىٰةِ وَمُبَشِّرًۢا بِرَسُولٍ يَأْتِى مِنۢ بَعْدِى ٱسْمُهُۥٓ أَحْمَدُ ۖ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ قَالُوا۟ هَـٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ

    Wa-ʹiẓ q̣aala ʻEesab nu Maryama yaa-Baneee ʹIsraaaʹeela ʹinnee Rasoolul laahi ʹilaykum muṣaddiq̣al limaa bayna yadayya minat Tawraati wa-Mubashshiram bi-Rasooliñy yaʹtee mim baʻdis muhooo ʹAhmad.˺ Falammaa jaaaʹahum̃ bil-Bayyinaati q̣aaloo Haaẓaa Siḥrum mubeen.

    [Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad.” Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”

  70. 61:7

    وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعَىٰٓ إِلَى ٱلْإِسْلَـٰمِ ۚ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

    Wa-man ʹaz̤̣lamu mimmanif taraa ʻalal laahil kaẓiba wa-huwa yudʻaaa ʹilal ʹIslaam? Wallaahu laa- yahdil q̣awmaz̤̣ z̤̣aalimeen.

    Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

  71. 61:8

    يُرِيدُونَ لِيُطْفِـُٔوا۟ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفْوَٰهِهِمْ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْكَـٰفِرُونَ

    Yureedoona liyuṭfiʹoo Nooral laahi biʹafwaahihim wallaahu mutimmu Noorihee wa-law karihal kaafiroon.

    Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.

  72. 61:9

    هُوَ ٱلَّذِىٓ أَرْسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلْهُدَىٰ وَدِينِ ٱلْحَقِّ لِيُظْهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْمُشْرِكُونَ

    Huwal laẓeee ʹarsala Rasoolahoo bil-Hudaa wa-Deenil Ḥaq̣q̣i liyuz̤̣hirahoo ʻalad deeni kullihee wa-law karihal Mushrikoon.

    Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.

  73. 61:10

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ تِجَـٰرَةٍ تُنجِيكُم مِّنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo hal ʹadullukum ʻalaa tijaaratiñ tuñjeekum min ʻAẓaabin ʹaleem?

    O mga sumampalataya, magtuturo kaya ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?

  74. 61:11

    تُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَـٰهِدُونَ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمْوَٰلِكُمْ وَأَنفُسِكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

    Tuʹminoona billaahi wa-Rasoolihee wa-tujaahidoona fee Sabeelil laahi biʹamwaalikum wa-ʹañfusikum: ẓaalikum khayrul lakum ʹiñ kuñtum taʻlamoon!

    Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.

  75. 61:12

    يَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَيُدْخِلْكُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ وَمَسَـٰكِنَ طَيِّبَةً فِى جَنَّـٰتِ عَدْنٍ ۚ ذَٰلِكَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ

    Yag̣fir lakum ẓunoobakum wa-yudkhilkum Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru wa-masaakina ṭayyibatañ fee Jannaati ʻAdn: ẓaalikal Fawzul ʻaz̤̣eem.

    [Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan.

  76. 61:13

    وَأُخْرَىٰ تُحِبُّونَهَا ۖ نَصْرٌ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتْحٌ قَرِيبٌ ۗ وَبَشِّرِ ٱلْمُؤْمِنِينَ

    Wa-ʹukhraa tuḥibboonahaa,― naṣrum minal laahi wa-fatḥuñ q̣areeb. Wa-bashshiril Muʹmineen.

    May iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.

  77. 61:14

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ كُونُوٓا۟ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيِّـۧنَ مَنْ أَنصَارِىٓ إِلَى ٱللَّهِ ۖ قَالَ ٱلْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنصَارُ ٱللَّهِ ۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٌ مِّنۢ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٌ ۖ فَأَيَّدْنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ عَلَىٰ عَدُوِّهِمْ فَأَصْبَحُوا۟ ظَـٰهِرِينَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo koonooo ʹañṣaaral laahi kamaa q̣aala ʻEesab nu Maryama lil-Ḥawaariyyeena man ʹañṣaareee ʹilal laah? Q̣aalal Ḥawaariyyoona naḥnu ʹañṣaarul laahi faʹaamanaṭ ṭaaaʹifatum mim Baneee ʹIsraaaʹeela wa-kafaraṭ ṭaaaʹifah. Faʹayyadnal laẓeena ʹaamanoo ʻalaa ʻaduwwihim faʹaṣbaḥoo z̤̣aahireen.

    O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.

  78. Surah Al-Jumu'ahBegins here at 62:1

  79. 62:1

    يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ٱلْمَلِكِ ٱلْقُدُّوسِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْحَكِيمِ

    Yusabbiḥu lillaahi maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍil Malikil Q̣uddoosil ʻAzeezil Ḥakeem.

    Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  80. 62:2

    هُوَ ٱلَّذِى بَعَثَ فِى ٱلْأُمِّيِّـۧنَ رَسُولًا مِّنْهُمْ يَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَـٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلْكِتَـٰبَ وَٱلْحِكْمَةَ وَإِن كَانُوا۟ مِن قَبْلُ لَفِى ضَلَـٰلٍ مُّبِينٍ

    Huwal laẓee baʻas̤a fil ʹUmmiyyeena Rasoolam min-hum yatloo ʻalayhim ʹAayaatihee wa-yuzakkeehim wa-yuʻallimuhumul Kitaaba wal-Ḥikmah,― wa-ʹiñ kaanoo miñ q̣ablu lafee ḍalaalim mubeen;―

    Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur’ān] at Karunungan – at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw –

  81. 62:3

    وَءَاخَرِينَ مِنْهُمْ لَمَّا يَلْحَقُوا۟ بِهِمْ ۚ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    Wa-ʹaakhareena minhum lammaa yalḥaq̣oo bihim: wa-Huwal ʻAzeezul Ḥakeem.

    at [nagpadala rito] sa mga iba pa kabilang sa kanila na hindi pa sumama sa kanila. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  82. 62:4

    ذَٰلِكَ فَضْلُ ٱللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلْفَضْلِ ٱلْعَظِيمِ

    Ẓaalika Faḍlul laahi yuʹteehi mañy yashaaaʹ: wallaahu Ẓul Faḍlil ʻaz̤̣eem.

    Iyon ay kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.

  83. 62:5

    مَثَلُ ٱلَّذِينَ حُمِّلُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ ثُمَّ لَمْ يَحْمِلُوهَا كَمَثَلِ ٱلْحِمَارِ يَحْمِلُ أَسْفَارًۢا ۚ بِئْسَ مَثَلُ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ ۚ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ

    Mas̤alul laẓeena ḥum-milut Tawraata s̤umma lam yaḥmiloohaa kamas̤alil ḥimaari yaḥ-milu ʹasfaaraa. Biʹsa mas̤alul q̣awmil laẓeena kaẓẓaboo biʹAayaatil laah. Wallaahu laa- yahdil q̣awmaz̤̣ z̤̣aalimeen.

    Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat. Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān]! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

  84. 62:6

    قُلْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ هَادُوٓا۟ إِن زَعَمْتُمْ أَنَّكُمْ أَوْلِيَآءُ لِلَّهِ مِن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُا۟ ٱلْمَوْتَ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ

    Q̣ul yaaaʹayyuhal laẓeena haadooo ʹiñ zaʻamtum ʹannakum ʹawliyaaaʹu lillaahi miñ doonin naasi fatamannawul Mawta ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een!

    Sabihin mo: “O mga naghudyo, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh bukod sa mga tao ay magmithi kaya ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.”

  85. 62:7

    وَلَا يَتَمَنَّوْنَهُۥٓ أَبَدًۢا بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِٱلظَّـٰلِمِينَ

    Wa-laa yatamannawnahooo ʹabadam bimaa q̣addamat ʹaydeehim! Wallaahu ʻAleemum biz̤̣z̤̣aalimeen!

    Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan.

  86. 62:8

    قُلْ إِنَّ ٱلْمَوْتَ ٱلَّذِى تَفِرُّونَ مِنْهُ فَإِنَّهُۥ مُلَـٰقِيكُمْ ۖ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَـٰلِمِ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

    Q̣ul ʹinnal Mawtal laẓee tafirroona minhu faʹinnahoo mulaaq̣eekum summa turaddoona ʹilaa ʻAalimil g̣aybi washshahaadati fayunabbiʹukum̃ bimaa kuntum taʻmaloon!

    Sabihin mo: “Tunay na ang kamatayan na tumatakas kayo mula roon, tunay na ito ay makikipagkita sa inyo. Pagkatapos ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.”

  87. 62:9

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا نُودِىَ لِلصَّلَوٰةِ مِن يَوْمِ ٱلْجُمُعَةِ فَٱسْعَوْا۟ إِلَىٰ ذِكْرِ ٱللَّهِ وَذَرُوا۟ ٱلْبَيْعَ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

    Yaaaʹayyuhal lazeena ʹaamanooo ʹiẓaa noodiya liṣ-Ṣalaati miñy Yawmil JUMUʻATI fasʻaw ʹilaa Ẓikril laahi wa-ẓarul bayʻ: ẓaalikum khayrul lakum ʹiñ kuñtum taʻlamoon!

    O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.

  88. 62:10

    فَإِذَا قُضِيَتِ ٱلصَّلَوٰةُ فَٱنتَشِرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ وَٱبْتَغُوا۟ مِن فَضْلِ ٱللَّهِ وَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ كَثِيرًا لَّعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ

    Faʹiẓaa q̣uḍiyatiṣ Ṣalaatu fañtashiroo fil ʹarḍi wabtag̣oo miñ Faḍlil laahi waẓkurul laaha kas̤eeral laʻallakum tufliḥoon.

    Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo mula sa kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

  89. 62:11

    وَإِذَا رَأَوْا۟ تِجَـٰرَةً أَوْ لَهْوًا ٱنفَضُّوٓا۟ إِلَيْهَا وَتَرَكُوكَ قَآئِمًا ۚ قُلْ مَا عِندَ ٱللَّهِ خَيْرٌ مِّنَ ٱللَّهْوِ وَمِنَ ٱلتِّجَـٰرَةِ ۚ وَٱللَّهُ خَيْرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

    Wa-ʹiẓaa raʹaw tijaaratan ʹaw lahwaniñ faḍḍooo ʹilayhaa wa-tarakooka q̣aaaʹimaa: Q̣ul maa- ʻiñdal laahi khayrum minal lahwi wa-minat tijaarah! wallaahu Khayrur Raaziq̣een.

    Ngunit nang [minsang] nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkahiwa-hiwalay sila patungo roon at umiwan sila sa iyo na nakatayo. Sabihin mo: “Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa paglilibangan at [higit na mabuti] kaysa sa pangangalakal. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.”

  90. Surah Al-MunafiqunBegins here at 63:1

  91. 63:1

    إِذَا جَآءَكَ ٱلْمُنَـٰفِقُونَ قَالُوا۟ نَشْهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِ ۗ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّ ٱلْمُنَـٰفِقِينَ لَكَـٰذِبُونَ

    ʹIẓaa jaaaʹakal MUNAAFIQ̣OONA q̣aaloo nashhadu ʹinnaka la-Rasoolul laah. Wallaahu yaʻlamu ʹinnaka la-Rasooluh: wallaahu yashhadu ʹinnal Munaafiq̣eena lakaaẓiboon.

    Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: “Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh.” Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling.

  92. 63:2

    ٱتَّخَذُوٓا۟ أَيْمَـٰنَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا۟ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ۚ إِنَّهُمْ سَآءَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

    ʹIttakhaẓooo ʹaymaanahum junnatañ faṣaddoo ʻañ Sabeelil laah: ʹinnahum saaaʹa maa- kaanoo yaʻmaloon.

    Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panangga [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati ginagawa!

  93. 63:3

    ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ ءَامَنُوا۟ ثُمَّ كَفَرُوا۟ فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَفْقَهُونَ

    Ẓaalika biʹannahum ʹaamanoo s̤umma kafaroo faṭubiʻa ʻalaa q̣uloobihim fahum laa- yafq̣ahoon.

    Iyon ay dahil sila ay sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, kaya nagpinid sa mga puso nila, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa.

  94. 63:4

    ۞ وَإِذَا رَأَيْتَهُمْ تُعْجِبُكَ أَجْسَامُهُمْ ۖ وَإِن يَقُولُوا۟ تَسْمَعْ لِقَوْلِهِمْ ۖ كَأَنَّهُمْ خُشُبٌ مُّسَنَّدَةٌ ۖ يَحْسَبُونَ كُلَّ صَيْحَةٍ عَلَيْهِمْ ۚ هُمُ ٱلْعَدُوُّ فَٱحْذَرْهُمْ ۚ قَـٰتَلَهُمُ ٱللَّهُ ۖ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ

    Wa-ʹiẓaa raʹaytahum tuʻjibuka ʹajsaamuhum; wa-ʹiñy yaq̣ooloo tasmaʻ liq̣awlihim: Kaʹannahum khushubum musannadah. Yaḥsaboona kulla ṣayḥatin ʻalayhim. Humul ʻaduwwu faḥẓarhum. Q̣aatalahumul laah! ʹAnnaa yuʹfakoon!

    Kapag nakakita ka sa kanila ay magpapahanga sa iyo ang mga anyo nila at kung magsasabi sila ay makikinig ka sa sabi nila. Para bang sila ay mga kahoy na isinandal [na walang buhay]. Nag-aakala sila na bawat sigaw ay laban sa kanila. Sila ay ang mga kalaban kaya mag-ingat ka sa kanila. Sumpain sila ni Allāh! Paanong nalilinlang sila [palayo sa pananampalataya]?

  95. 63:5

    وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا۟ يَسْتَغْفِرْ لَكُمْ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوْا۟ رُءُوسَهُمْ وَرَأَيْتَهُمْ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسْتَكْبِرُونَ

    Wa-ʹiẓaa q̣eela lahum taʻaalaw yastag̣fir lakum Rasoolul laahi lawwaw ruʹoosahum wa-raʹaytahum yaṣuddoona wa-hum mustakbiroon.

    Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo, hihingi ng tawad [mula kay Allāh] para sa inyo ang Sugo ni Allāh,” ay nag-iiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na sumasagabal habang sila ay mga nagmamalaki.

  96. 63:6

    سَوَآءٌ عَلَيْهِمْ أَسْتَغْفَرْتَ لَهُمْ أَمْ لَمْ تَسْتَغْفِرْ لَهُمْ لَن يَغْفِرَ ٱللَّهُ لَهُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْفَـٰسِقِينَ

    Sawaaaʹun ʻalayhim ʹastag̣farta lahum ʹam lam tastag̣fir lahum. Lañy yag̣firal laahu lahum. ʹInnal laaha laa- yahdil q̣awmal faasiq̣een.

    Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.

  97. 63:7

    هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُوا۟ عَلَىٰ مَنْ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّوا۟ ۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَلَـٰكِنَّ ٱلْمُنَـٰفِقِينَ لَا يَفْقَهُونَ

    Humul laẓeena yaq̣ooloona laa- tuñfiq̣oo ʻalaa man ʻiñda Rasoolil laahi ḥattaa yañfaḍḍoo. Wa-lillaahi khazaaaʹinus samaawaati wal-ʹarḍi walaakinnal Munaafiq̣eena laa- yafq̣ahoon.

    Sila ay ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].” Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa.

  98. 63:8

    يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعْنَآ إِلَى ٱلْمَدِينَةِ لَيُخْرِجَنَّ ٱلْأَعَزُّ مِنْهَا ٱلْأَذَلَّ ۚ وَلِلَّهِ ٱلْعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَلَـٰكِنَّ ٱلْمُنَـٰفِقِينَ لَا يَعْلَمُونَ

    Yaq̣ooloona laʹir rajaʻnaaa ʹilal Madeenati layukhrijannal ʹaʻazzu minhal ʹaẓall. Wa-lillaahil ʻizzatu wa-li-Rasoolihee wa-lil-Muʹmineena walaakinnal Munaafiq̣eena laa- yaʻlamoon.

    Nagsasabi sila: “Talagang kung bumalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba.” Sa kay Allāh ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam.

  99. 63:9

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تُلْهِكُمْ أَمْوَٰلُكُمْ وَلَآ أَوْلَـٰدُكُمْ عَن ذِكْرِ ٱللَّهِ ۚ وَمَن يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo laa- tulhikum ʹamwaalukum wa-laaa ʹawlaadukum ʻañ-Ẓik ril laah. Wa-mañy yafʻal ẓaalika faʹulaaaʹika humul khaasiroon.

    O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ay ang mga lugi.

  100. 63:10

    وَأَنفِقُوا۟ مِن مَّا رَزَقْنَـٰكُم مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِىَ أَحَدَكُمُ ٱلْمَوْتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوْلَآ أَخَّرْتَنِىٓ إِلَىٰٓ أَجَلٍ قَرِيبٍ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

    Wa-ʹañfiq̣oo mim maa razaq̣naakum miñ q̣abli ʹañy yaʹtiya ʹaḥadakumul Mawtu fayaq̣oola Rabbi Law-laaa ʹakhkhartaneee ʹilaaa ʹajaliñ q̣areebiñ faʹaṣṣaddaq̣a wa-ʹakum minaṣ Ṣaaliḥeen.

    Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan para magsabi siya: “Panginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos?”

  101. 63:11

    وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفْسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَا ۚ وَٱللَّهُ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

    Wa-lañy yuʹakhkhiral laahu nafsan ʹiẓaa jaaaʹa ʹajaluhaa; Wallaahu khabeerum bimaa taʻmaloon.

    Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

  102. Surah At-TaghabunBegins here at 64:1

  103. 64:1

    يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ لَهُ ٱلْمُلْكُ وَلَهُ ٱلْحَمْدُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

    Yusabbiḥu lillaahi maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ. Lahul Mulku wa-lahul Ḥamd; wa-Huwa ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.

    Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

  104. 64:2

    هُوَ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ فَمِنكُمْ كَافِرٌ وَمِنكُم مُّؤْمِنٌ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ

    Huwal laẓee khalaq̣akum famiñkum kaafiruñw wamiñkum Muʹmin. Wallaahu bimaa taʻmaloona Baṣeer.

    Siya ay ang lumikha sa inyo, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

  105. 64:3

    خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ ٱلْمَصِيرُ

    Khalaq̣as samaawaati wal-ʹarḍa bilḥaq̣q̣i wa-ṣawwarakum faʹaḥsana ṣuwarakum, wa-ʹilayhil Maṣeer.

    Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan.

  106. 64:4

    يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

    Yaʻlamu maa- fis samaawaati wal-ʹarḍi wayaʻlamu maa- tusirroona wa-maa tuʻlinoon; wallaahu ʻAleemum biẓaatiṣ ṣudoor.

    Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib.

  107. 64:5

    أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَؤُا۟ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَبْلُ فَذَاقُوا۟ وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    ʹAlam yaʹtikum nabaʹul laẓeena kafaroo miñ q̣abl? Faẓaaq̣oo wa-baala ʹamrihim wa-lahum ʻaẓaabun ʹaleem.

    Hindi ba sumapit sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya bago pa niyan? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

  108. 64:6

    ذَٰلِكَ بِأَنَّهُۥ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَـٰتِ فَقَالُوٓا۟ أَبَشَرٌ يَهْدُونَنَا فَكَفَرُوا۟ وَتَوَلَّوا۟ ۚ وَّٱسْتَغْنَى ٱللَّهُ ۚ وَٱللَّهُ غَنِىٌّ حَمِيدٌ

    Ẓaalika biʹannahoo kaanat taʹteehim rusuluhum̃ bil-Bayyinaati faq̣aalooo ʹa-basharuñy yahdoonanaa? Fakafaroo wa-tawallaw wastag̣nal laah: wallaahu G̣aniyyun Ḥameed.

    Iyon ay dahil noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: “Mga tao ba ang papatnubay sa amin?” Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si Allāh [sa pagtalima nila]. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.

  109. 64:7

    زَعَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَن لَّن يُبْعَثُوا۟ ۚ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّى لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ ۚ وَذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٌ

    Zaʻamal laẓeena kafarooo ʹal lañy yubʻas̤oo. Q̣ul balaa wa-Rabbee latubʻas̤unna s̤umma latunabbaʹunna bimaa ʻamiltum. Wa-ẓaalika ʻalal laahi yaseer.

    Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: “Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali.”

  110. 64:8

    فَـَٔامِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلنُّورِ ٱلَّذِىٓ أَنزَلْنَا ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

    Faʹaaminoo billaahi wa-Rasoolihee wan-Nooril laẓeee ʹañzalnaa. Wallaahu bimaa taʻmaloona khabeer.

    Kaya sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya [na si Propeta Muḥammad], at sa liwanag [ng patnubay] na pinababa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

  111. 64:9

    يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ ٱلْجَمْعِ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ ٱلتَّغَابُنِ ۗ وَمَن يُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعْمَلْ صَـٰلِحًا يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُدْخِلْهُ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ

    Yawma yajmaʻukum li-Yawmil Jamʻi ẓaalika Yawmut TAG̣AABUN. Wa-mañy yuʹmim billaahi wa-yaʻmal ṣaaliḥañy yukaffir ʻanhu sayyiʹaatihee wa-yudkhilhu Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru khaalideena feehaaa ʹabadaa: ẓaalikal fawzul ʻaz̤̣eem.

    Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.

  112. 64:10

    وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَآ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

    Wallaẓeena kafaroo wa-kaẓẓaboo biʹAayaatinaaa ʹulaaaʹika ʹAṣḥaabun Naari khaalideena feehaa: wa-biʹsal Maṣeer.

    Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan!

  113. 64:11

    مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۗ وَمَن يُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ يَهْدِ قَلْبَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

    ʹaṣaaba Maaa mim muṣeebatin ʹillaa biʹiẓnil laah. Wa-mañy yuʹmim billaahi yahdi q̣albah; wallaahu bikulli shayʹin ʻAleem.

    Walang tumama na anumang kasawian [sa sinuman] malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

  114. 64:12

    وَأَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَأَطِيعُوا۟ ٱلرَّسُولَ ۚ فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلْبَلَـٰغُ ٱلْمُبِينُ

    Wa-ʹaṭeeʻul laaha wa-ʹaṭeeʻur Rasool: faʹiñ tawallaytum faʹinnamaa ʻalaa Rasoolinal Balaag̣ul mubeen.

    Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo [na si Propeta Muḥammad]. Kaya kung tumalikod kayo, tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].

  115. 64:13

    ٱللَّهُ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

    ʹAllaahu Laaa ʹilaaha ʹillaa Hoo! Wa-ʻalal laahi falyatawakkalil Muʹminoon.

    Si Allāh, walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

  116. 64:14

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِنَّ مِنْ أَزْوَٰجِكُمْ وَأَوْلَـٰدِكُمْ عَدُوًّا لَّكُمْ فَٱحْذَرُوهُمْ ۚ وَإِن تَعْفُوا۟ وَتَصْفَحُوا۟ وَتَغْفِرُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹinna min ʹazwaajikum wa-ʹawlaadikum ʻaduwwal lakum faḥẓaroohum! Wa-ʹiñ taʻfoo wa-taṣfaḥoo wa-tag̣firoo faʹinnal laaha G̣afoorur Raḥeem.

    O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo, at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  117. 64:15

    إِنَّمَآ أَمْوَٰلُكُمْ وَأَوْلَـٰدُكُمْ فِتْنَةٌ ۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجْرٌ عَظِيمٌ

    ʹInnamaaa ʹamwaalukum wa-ʹawlaadukum fitnah: wallaahu ʻiñdahooo ʹAjrun ʻaz̤̣eem.

    Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan.

  118. 64:16

    فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ مَا ٱسْتَطَعْتُمْ وَٱسْمَعُوا۟ وَأَطِيعُوا۟ وَأَنفِقُوا۟ خَيْرًا لِّأَنفُسِكُمْ ۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِۦ فَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

    Fattaq̣ul laaha mas taṭaʻtum wasmaʻoo wa-ʹaṭeeʻoo wa-ʹañfiq̣oo khayralli ʹañfusikum. Wa-mañy yooq̣a shuḥḥa nafsihee faʹulaaaʹika humul Mufliḥoon.

    Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni Allāh] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

  119. 64:17

    إِن تُقْرِضُوا۟ ٱللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَـٰعِفْهُ لَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ

    ʹIñ tuq̣riḍul laaha Q̣arḍan Ḥasanañy yuḍaaʻifhu lakum wa-yag̣fir lakum: wallaahu Shakoorun Ḥaleem,―

    Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pagpapautang na maganda ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat, Matimpiin,

  120. 64:18

    عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

    ʻAalimul g̣aybi washshahaadatil ʻAzeezul Ḥakeem.

    ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

  121. Surah At-TalaqBegins here at 65:1

  122. 65:1

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ إِذَا طَلَّقْتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحْصُوا۟ ٱلْعِدَّةَ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ رَبَّكُمْ ۖ لَا تُخْرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخْرُجْنَ إِلَّآ أَن يَأْتِينَ بِفَـٰحِشَةٍ مُّبَيِّنَةٍ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ ٱللَّهِ ۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدْ ظَلَمَ نَفْسَهُۥ ۚ لَا تَدْرِى لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحْدِثُ بَعْدَ ذَٰلِكَ أَمْرًا

    Yaaaʹayyuhan Nabiyyu ʹiẓaa ṭallaq̣tumun nisaaaʹa faṭalliq̣oohunna liʻiddatihinna wa-ʹaḥṣul ʻiddah; wattaq̣ul laaha Rabbakum: laa- tukhrijoohunna mim buyootihinna wa-laa yakhrujna ʹillaaa ʹañy yaʹteena bifaaḥishatim mubayyinah. Wa-tilka ḥudoodul laah: wa-mañy yataʻadda ḥudoodal laahi faq̣ad z̤̣alama nafsah: laa- tadree laʻallal laaha yuḥdis̤u baʻda ẓaalika ʹamraa.

    O Propeta, kapag magdidiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, magbilang kayo ng panahon ng paghihintay, at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalisan sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lilisan [sa panahon ng paghihintay] maliban na makagawa sila ng isang mahalay na naglilinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi ka nakababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay [para magbalikan].

  123. 65:2

    فَإِذَا بَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمْسِكُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ أَوْ فَارِقُوهُنَّ بِمَعْرُوفٍ وَأَشْهِدُوا۟ ذَوَىْ عَدْلٍ مِّنكُمْ وَأَقِيمُوا۟ ٱلشَّهَـٰدَةَ لِلَّهِ ۚ ذَٰلِكُمْ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤْمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ ۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجْعَل لَّهُۥ مَخْرَجًا

    Faʹiẓaa balag̣na ʹajalahunna faʹamsikoohunna bimaʻroofin ʹaw faariq̣oohunna bimaʻroofiñw waʹashhidoo ẓaway ʻadlim miñkum wa-ʹaq̣eemush shahaadata lillaah. Ẓaalikum yooʻaz̤̣u bihee mañ kaana yuʹminu billaahi wal-Yawmil ʹAakhir. Wa-mañy yattaq̣il laaha yajʻal lahoo makhrajaa,

    Kaya kapag umabot sila sa taning nila ay humawak kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti o makipaghiwalay kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti. Magpasaksi kayo sa dalawang may katarungan kabilang sa inyo at magpanatili kayo ng pagsasaksi kay Allāh. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa bawat kagipitan],

  124. 65:3

    وَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لَا يَحْتَسِبُ ۚ وَمَن يَتَوَكَّلْ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسْبُهُۥٓ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَـٰلِغُ أَمْرِهِۦ ۚ قَدْ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَىْءٍ قَدْرًا

    Wa-yarzuq̣hu min hays̤u laa- yaḥtasib. Wa-mañy yatawakkal ʻalal laahi fa-Huwa ḥasbuh. ʹInnal laaha baalig̣u ʹamrih: q̣ad jaʻalal laahu likulli shayʹiñ q̣adraa.

    at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito. Tunay na si Allāh ay umaabot sa nauukol sa Kanya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda.

  125. 65:4

    وَٱلَّـٰٓـِٔى يَئِسْنَ مِنَ ٱلْمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمْ إِنِ ٱرْتَبْتُمْ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَـٰثَةُ أَشْهُرٍ وَٱلَّـٰٓـِٔى لَمْ يَحِضْنَ ۚ وَأُو۟لَـٰتُ ٱلْأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجْعَل لَّهُۥ مِنْ أَمْرِهِۦ يُسْرًا

    Wallaaaʹee yaʹisna minal maḥeeḍi min nisaaaʹikum ʹinir tabtum faʻiddatuhunna s̤alaas̤atu ʹashhuriñw wallaaaʹee lam yaḥiḍn: wa-ʹulaatul ʹaḥmaali ʹajaluhunna ʹañy yaḍaʻna ḥamlahunn: wa-mañy yattaq̣il laaha yajʻal lahoo min ʹamrihee yusraa.

    Ang mga nawalan ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [gayundin] ang mga hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh, gagawa Siya para rito mula sa lagay nito ng isang kaluwagan.

  126. 65:5

    ذَٰلِكَ أَمْرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيْكُمْ ۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعْظِمْ لَهُۥٓ أَجْرًا

    Ẓaalika ʹAmrul laahi ʹañzalahooo ʹilaykum: wa-mañy yattaq̣il laaha yukaffir ʻanhu sayyiʹaatihee wa-yuʻz̤̣im lahooo ʹajraa.

    Iyon ay utos ni Allāh; nagpababa Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapasukdulan Siya para rito ng pabuya.

  127. 65:6

    أَسْكِنُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ سَكَنتُم مِّن وُجْدِكُمْ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُوا۟ عَلَيْهِنَّ ۚ وَإِن كُنَّ أُو۟لَـٰتِ حَمْلٍ فَأَنفِقُوا۟ عَلَيْهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ۚ فَإِنْ أَرْضَعْنَ لَكُمْ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ ۖ وَأْتَمِرُوا۟ بَيْنَكُم بِمَعْرُوفٍ ۖ وَإِن تَعَاسَرْتُمْ فَسَتُرْضِعُ لَهُۥٓ أُخْرَىٰ

    ʹAskinoohunna min ḥays̤u sakañtum miñw wujdikum wa-laa tuḍaaarroohunna lituḍayyiq̣oo ʻalayhinn. Wa-ʹiñ kunna ʹulaati ḥamliñ faʹañfiq̣oo ʻalayhinna ḥattaa yaḍaʻna ḥamlahunn. Faʹin ʹarḍaʻna lakum faʹaatoohunna ʹujoorahunn: waʹtamiroo baynakum̃ bimaʻroof. Wa-ʹiñ taʻaasartum fasaturḍiʻu lahooo ʹukhraa.

    Magpatira kayo sa kanila [na mga babaing diniborsiyo] kung saan kayo nakatira ayon sa kaya ninyo at huwag kayong makipinsala sa kanila upang manggipit kayo sa kanila. Kung sila ay mga may dinadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; saka kung nagpasuso sila [ng mga anak ninyo] para sa inyo, magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila at mag-utusan kayo sa pagitan ninyo ayon sa isang nakabubuti. Kung nagkapahirapan kayo ay magpapasuso para rito ang ibang babae.

  128. 65:7

    لِيُنفِقْ ذُو سَعَةٍ مِّن سَعَتِهِۦ ۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيْهِ رِزْقُهُۥ فَلْيُنفِقْ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفْسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَا ۚ سَيَجْعَلُ ٱللَّهُ بَعْدَ عُسْرٍ يُسْرًا

    Liyuñfiq̣ ẓoo saʻatim miñ saʻatih, wa-mañ q̣udira ʻalayhi rizq̣uhoo falyuñfiq̣ mimmaaa ʹaataahul laah. Laa- yukalliful laahu nafsan ʹillaa maaa ʹaataahaa. Sayajʻalul laahu baʻda ʻusriñy yusraa.

    Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa.

  129. 65:8

    وَكَأَيِّن مِّن قَرْيَةٍ عَتَتْ عَنْ أَمْرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبْنَـٰهَا حِسَابًا شَدِيدًا وَعَذَّبْنَـٰهَا عَذَابًا نُّكْرًا

    Wa-kaʹayyim miñ q̣aryatin ʻatat ʻan ʹAmri Rabbihaa wa-rusulihee faḥaasabnaahaa ḥisaabañ shadeedañw waʻaẓẓabnaahaa ʻAẓaaban nukraa.

    Kay rami ng pamayanang nagpakapalalo sa utos ng Panginoon ng mga ito at ng sugo ng mga ito. Kaya magtutuos Kami sa mga ito sa isang pagtutuos na matindi [na pagdurusa sa Mundo] at magdudulot Kami ng parusa sa mga ito sa isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Mundo at Kabilang-buhay].

  130. 65:9

    فَذَاقَتْ وَبَالَ أَمْرِهَا وَكَانَ عَـٰقِبَةُ أَمْرِهَا خُسْرًا

    Faẓaaq̣at wa-baala ʹamrihaa wa-kaana ʻAaq̣ibatu ʹamrihaa khusraa.

    Kaya lumasap ang mga ito ng kasaklapan ng nauukol sa mga ito at ang kinahinatnan ng nauukol sa mga ito ay naging isang pagkalugi [na walang-hanggan].

  131. 65:10

    أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ فَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ يَـٰٓأُو۟لِى ٱلْأَلْبَـٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ۚ قَدْ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيْكُمْ ذِكْرًا

    ʹAʻaddal laahu lahum ʻAẓaabañ shadeedañ fattaq̣ul laaha yaaaʹulil ʹalbaabil laẓeena ʹaamanoo!― Q̣ad ʹanzalal laahu ʹilaykum Ẓikraa,―

    Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip na mga sumampalataya. Nagpababa nga si Allāh sa inyo ng isang paalaala:

  132. 65:11

    رَّسُولًا يَتْلُوا۟ عَلَيْكُمْ ءَايَـٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَـٰتٍ لِّيُخْرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَـٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ ۚ وَمَن يُؤْمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعْمَلْ صَـٰلِحًا يُدْخِلْهُ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا ۖ قَدْ أَحْسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزْقًا

    Rasoolañy yatloo ʻalaykum ʹAayaatil laahi mubayyinaatil liyukhrijal laẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaati minaz̤̣ z̤̣ulumaati ʹilan Noor. Wa-mañy yuʹmim billaahi wa-yaʻmal ṣaliḥañy yudkhilhu Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru khaalideena feehaaa ʹabadaa: q̣ad ʹaḥsanal laahu lahoo rizq̣aa.

    isang Sugo na bumibigkas sa inyo ng mga talata ni Allāh [sa Qur’ān], bilang mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos.

  133. 65:12

    ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَ سَبْعَ سَمَـٰوَٰتٍ وَمِنَ ٱلْأَرْضِ مِثْلَهُنَّ يَتَنَزَّلُ ٱلْأَمْرُ بَيْنَهُنَّ لِتَعْلَمُوٓا۟ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدْ أَحَاطَ بِكُلِّ شَىْءٍ عِلْمًۢا

    ʹAllaahul laẓee khalaq̣a sabʻa Samaawaatiñw Waminal ʹarḍi mis̤lahunn. Yatanazzalul ʹAmru baynahunna litaʻlamooo ʹannal laaha ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer: wa-ʹannal laaha q̣ad ʹaḥaaṭa bikulli shayʹin ʻilmaa.

    Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad ng mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman.

  134. Surah At-TahrimBegins here at 66:1

  135. 66:1

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَ ۖ تَبْتَغِى مَرْضَاتَ أَزْوَٰجِكَ ۚ وَٱللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    Yaaaʹayyuhan Nabiyyu lima tuḥarrimu maaa ʹaḥallal laahu lak? Tabtag̣i marḍaata ʹazwaajik. wallaahu G̣afoorur Raḥeem.

    O Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  136. 66:2

    قَدْ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ أَيْمَـٰنِكُمْ ۚ وَٱللَّهُ مَوْلَىٰكُمْ ۖ وَهُوَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْحَكِيمُ

    Q̣ad faraḍal laahu lakum taḥillata ʹaymaanikum: wallaahu Mawlaakum, wa-Huwal ʻAleemul Ḥakeem.

    Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.

  137. 66:3

    وَإِذْ أَسَرَّ ٱلنَّبِىُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَٰجِهِۦ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِۦ وَأَظْهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُۥ وَأَعْرَضَ عَنۢ بَعْضٍ ۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتْ مَنْ أَنۢبَأَكَ هَـٰذَا ۖ قَالَ نَبَّأَنِىَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْخَبِيرُ

    Wa-ʹiẓ ʹasarran Nabiyyu ʹilaa baʻḍi ʹazwaajihee ḥadees̤aa, falammaa nabbaʹat bihee wa-ʹaz̤̣harahul laahu ʻalayhi ʻarrafa baʻḍahoo wa-ʹaʻraḍa ʻam baʻḍ. Falammaa nabbaʹahaa bihee q̣aalat man ʹambaʹaka haaẓaa? Q̣aala nabbaʹaniyal ʻAleemul Khabeer.

    [Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.”

  138. 66:4

    إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا ۖ وَإِن تَظَـٰهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوْلَىٰهُ وَجِبْرِيلُ وَصَـٰلِحُ ٱلْمُؤْمِنِينَ ۖ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ

    ʹIñ tatoobaaa ʹilal laahi faq̣ad ṣag̣at q̣uloobukumaa; wa-ʹiñ taz̤̣aaharaa ʻalayhi faʹinnal laaha Huwa Mawlaahu wa-Jibreelu wa-Ṣaaliḥul Muʹmineen, wal-malaaaʹikatu baʻda ẓaalika z̤̣aheer.

    [Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya].

  139. 66:5

    عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبْدِلَهُۥٓ أَزْوَٰجًا خَيْرًا مِّنكُنَّ مُسْلِمَـٰتٍ مُّؤْمِنَـٰتٍ قَـٰنِتَـٰتٍ تَـٰٓئِبَـٰتٍ عَـٰبِدَٰتٍ سَـٰٓئِحَـٰتٍ ثَيِّبَـٰتٍ وَأَبْكَارًا

    ʻAsaa Rabbuhooo ʹiñ ṭallaq̣akunna ʹañy yubdilahooo ʹazwaajan khayram miñkunna Muslimaatim Muʹminaatiñ q̣aanitaatiñ taaaʹibaatin ʻaabidaatiñ saaaʹiḥaatiñ s̤ayyibaatiñw waʹabkaaraa.

    Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.

  140. 66:6

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قُوٓا۟ أَنفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَـٰٓئِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَّا يَعْصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo q̣ooo ʹañfusakum wa-ʹahleekum Naarañw Waq̣ooduhan Naasu wal-Ḥijaaratu ʻalayhaa malaaʹikatun g̣ilaaz̤̣uñ shidaadul laa yaʻṣoonal laaha maaa ʹamarahum Wayafʻaloona maa- yuʹmaroon.

    O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.

  141. 66:7

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَا تَعْتَذِرُوا۟ ٱلْيَوْمَ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena kafaroo laa- taʻtaẓirul Yawm! ʹInnamaa tujzawna maa- kuñtum taʻmaloon!

    O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].

  142. 66:8

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ تُوبُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ تَوْبَةً نَّصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَن يُكَفِّرَ عَنكُمْ سَيِّـَٔاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ يَوْمَ لَا يُخْزِى ٱللَّهُ ٱلنَّبِىَّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ ۖ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَـٰنِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَٱغْفِرْ لَنَآ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo toobooo ʹilal laahi Tawbatan Naṣooḥaa: ʻasaa Rabbukum ʹañy yukaffira ʻañkum sayyiʹaatikum wa-yudkhilakum Jannatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru Yawma laa- yukhzil laahun Nabiyya wallaẓeena ʹaamanoo maʻah. Nooruhum yasʻaa bayna ʹaydeehim wa-biʹaymaanihim yaq̣ooloona ˹Rabbanaaa ʹatmim lanaa Nooranaa wag̣fir lanaa: ʹinnaka ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.˺

    O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: “Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.”

  143. 66:9

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ جَـٰهِدِ ٱلْكُفَّارَ وَٱلْمُنَـٰفِقِينَ وَٱغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَىٰهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

    Yaaaʹayyuhan Nabiyyu jaahidil kuffaara wal-Munaafiq̣eena wag̣luz̤̣ ʻalayhim. Wa-maʹwaahum Jahannam,― Wabiʹsal maṣeer.

    O Propeta [Muḥammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!

  144. 66:10

    ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا لِّلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ٱمْرَأَتَ نُوحٍ وَٱمْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَـٰلِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا وَقِيلَ ٱدْخُلَا ٱلنَّارَ مَعَ ٱلدَّٰخِلِينَ

    Ḍarabal laahu mas̤alal lillaẓeena kafarum raʹata Nooḥiñw wamraʹata Looṭ. Kaanataa taḥta ʻAbdayni min ʻibaadinaa ṣaaliḥayni fakhaanataahumaa falam yug̣niyaa ʻanhumaa minal laahi shayʹañw waq̣eelad khulan Naara maʻad daakhileen!

    Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay Allāh ng anuman. Sasabihin: “Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.”

  145. 66:11

    وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱمْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ٱبْنِ لِى عِندَكَ بَيْتًا فِى ٱلْجَنَّةِ وَنَجِّنِى مِن فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِۦ وَنَجِّنِى مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ

    Wa-ḍarabal laahu mas̤alal lil-laẓeena ʹaamanum raʹata Firʻawn. ʹIẓ q̣aalat Rab-bib ni lee ʻiñdaka baytañ fil Jannati wa-najjinee miñ Firʻawna wa-ʻamalihee wa-najjinee minal q̣awmiz̤̣ z̤̣aalimeen;

    Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay ni Paraon noong nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”

  146. 66:12

    وَمَرْيَمَ ٱبْنَتَ عِمْرَٰنَ ٱلَّتِىٓ أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَـٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتْ مِنَ ٱلْقَـٰنِتِينَ

    Wa-Maryamab nata ʻImraanal lateee ʹaḥṣanat farjahaa fanafakhnaa feehi mir rooḥinaa wa-ṣaddaq̣at bi-Kalimaati Rabbihaa wa-Kutubihee wa-kaanat minal Q̣aaniteen.

    [Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon].