Back to Quran

Mga Surah 58

Al-Mujadila

The Pleading Woman · Madani · 22 ayahs

Isinalin ni Dar Al Salam Center

Listen to this Surah

Choose play when you are ready to listen. The Quran text remains readable if audio is unavailable.

  1. 1

    قَدْ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوْلَ ٱلَّتِى تُجَـٰدِلُكَ فِى زَوْجِهَا وَتَشْتَكِىٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَآ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

    Q̣ad samiʻal laahu q̣awlal latee tujaadiluka fee zawjihaa wa-tashtakeee ʹilal laah: wallaahu yasmaʻu taḥaawurakumaa: ʹinnal laaha Sameeʻum Baṣeer.

    Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muḥammad] hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

  2. 2

    ٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِنكُم مِّن نِّسَآئِهِم مَّا هُنَّ أُمَّهَـٰتِهِمْ ۖ إِنْ أُمَّهَـٰتُهُمْ إِلَّا ٱلَّـٰٓـِٔى وَلَدْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَيَقُولُونَ مُنكَرًا مِّنَ ٱلْقَوْلِ وَزُورًا ۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ

    ʹAllaẓeena yuz̤̣aahiroona miñkum min nisaaaʹihim maa hunna ʹummahaatihim: ʹin ʹummahaatuhum ʹillal laaaʹee wa-ladnahum. Wa-ʹinnahum layaq̣ooloona muñkaram minal q̣awli wa-zooraa: wa-ʹinnal laaha laʻAfuwwun G̣afoor.

    Ang mga nagsasagawa ng dhihār kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.

  3. 3

    وَٱلَّذِينَ يُظَـٰهِرُونَ مِن نِّسَآئِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا۟ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِّن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِۦ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

    Wallaẓeena yuz̤̣aahiroona min nisaaaʹihim s̤umma yaʻoodoona limaa q̣aaloo fataḥreeru raq̣abatim miñ q̣abli ʹañy yatamaaassaa: ẓaalikum tooʻaz̤̣oona bih: wallaahu bimaa taʻmaloona khabeer.

    Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

  4. 4

    فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِن قَبْلِ أَن يَتَمَآسَّا ۖ فَمَن لَّمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا۟ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ ٱللَّهِ ۗ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ

    Famal lam yajid faṣiyaamu shahrayni mutataabiʻayni miñ q̣abli ʹañy yatamaaassaa. Famal lam yastaṭiʻ faʹiṭʻaamu sitteena miskeenaa. Ẓaalika lituʹminoo billahi wa-Rasoolih-Wa tilka Ḥudoodul laah; Wa-lilkaafireena ʻAẓaabun ʹaleem.

    Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.

  5. 5

    إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ كُبِتُوا۟ كَمَا كُبِتَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنزَلْنَآ ءَايَـٰتٍۭ بَيِّنَـٰتٍ ۚ وَلِلْكَـٰفِرِينَ عَذَابٌ مُّهِينٌ

    ʹInnal laẓeena yuḥaaaddoonal laaha wa-Rasoolahoo kubitoo kamaa kubital laẓeena miñ q̣ablihim wa-q̣ad ʹañzalnaaa ʹAayaatim Bayyinaat. Wa-lilkaafireena ʻAẓaabum muheen,―

    Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay dudustain kung paanong dinusta ang mga [sumalansang sa mga sugo] bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak,

  6. 6

    يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓا۟ ۚ أَحْصَىٰهُ ٱللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ شَهِيدٌ

    Yawma yabʻas̤uhumul laahu jameeʹañ fayunabbiʹuhum̃ bimaa ʻamiloo. ʹAḥṣaahul laahu wa-nasooh: wallaahu ʻalaa kulli shayʹiñ Shaheed.

    sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

  7. 7

    أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجْوَىٰ ثَلَـٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَآ أَدْنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا۟ ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا۟ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَىْءٍ عَلِيمٌ

    ʹAlam tara ʹannal laaha yaʻlamu maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ? Maa- yakoonu min najwaa s̤alaas̤atin ʹillaa Huwa raabiʻuhum wa-laa khamsatin ʹillaa Huwa saadisuhum wa-laaa ʹadnaa miñ ẓaalika wa-laaa ʹaks̤ara ʹillaa Huwa maʻahum ʹayna maa kaanoo: s̤umma yunabbiʹuhum̃ bimaa ʻamiloo Yawmal Q̣iyaamah. ʹInnal laaha bikulli shayʹin ʻAleem.

    Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

  8. 8

    أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُوا۟ عَنِ ٱلنَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا۟ عَنْهُ وَيَتَنَـٰجَوْنَ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِىٓ أَنفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

    ʹAlam tara ʹilal laẓeena nuhoo ʻanin najwaa s̤umma yaʻoodoona limaa nuhoo ʻanhu wa-yatanaajawna bil-ʹis̤mi walʻudwaani wa-maʻṣiyatir Rasool. Wa-ʹiẓaa jaaaʹooka ḥayyawka bimaa lam yuḥayyika bihil laahu wa-yaq̣ooloona feee ʹañfusihim Law-laa yuʻaẓẓibunal laahu bimaa naq̣ool? Ḥasbuhum Jahannam: yaṣlawnahaa, fabiʹsal maṣeer!

    Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng [pagbating] hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: “Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?” Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!

  9. 9

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا تَنَـٰجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ وَمَعْصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَتَنَـٰجَوْا۟ بِٱلْبِرِّ وَٱلتَّقْوَىٰ ۖ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ ٱلَّذِىٓ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa tanaajaytum falaa tatanaajaw bil-ʹis̤mi wal-ʻudwaani wa-maʻsiyatir Rasooli wa-tanaajaw bil-birri wattaq̣waa; wattaq̣ul laahal laẓeee ʹilayhi tuḥsharoon.

    O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni Allāh], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo.

  10. 10

    إِنَّمَا ٱلنَّجْوَىٰ مِنَ ٱلشَّيْطَـٰنِ لِيَحْزُنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَلَيْسَ بِضَآرِّهِمْ شَيْـًٔا إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ ٱلْمُؤْمِنُونَ

    ʹInnaman najwaa minash Shayṭaani liyaḥzunal laẓeena ʹaamanoo wa-laysa biḍaaarrihim shayʹan ʹillaa biʹiẓnil laah; wa-ʻalal laahi falyatawakkalil Muʹminoon.

    Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

  11. 11

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا۟ فِى ٱلْمَجَـٰلِسِ فَٱفْسَحُوا۟ يَفْسَحِ ٱللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُوا۟ فَٱنشُزُوا۟ يَرْفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مِنكُمْ وَٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ دَرَجَـٰتٍ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa q̣eela lakum tafassaḥoo fil majaalisi fafsahoo yafsaḥil laahu lakum. Wa-ʹiẓaa q̣eelañ shuzoo fañshuzoo yarfaʻil laahul laẓeena ʹaamanoo miñkum wallaẓeena ʹootul ʻIlma darajaat. Wallaahu bimaa taʻmaloona khabeer.

    O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo – magpapaluwang si Allāh para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo – mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

  12. 12

    يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا نَـٰجَيْتُمُ ٱلرَّسُولَ فَقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَّكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِن لَّمْ تَجِدُوا۟ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

    Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanooo ʹiẓaa naajaytumur Rasoola faq̣addimoo bayna yaday najwaakum ṣadaq̣ah. Ẓaalika khayrul lakum wa-ʹaṭhar. Faʹil lam tajidoo faʹinnal laaha G̣afoorur Raḥeem.

    O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

  13. 13

    ءَأَشْفَقْتُمْ أَن تُقَدِّمُوا۟ بَيْنَ يَدَىْ نَجْوَىٰكُمْ صَدَقَـٰتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا۟ وَتَابَ ٱللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُوا۟ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ ۚ وَٱللَّهُ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ

    ʹAʹashfaq̣tum ʹañ tuq̣addimoo bayna yaday najwaakum ṣadaq̣aat? Faʹiẓ lam tafʻaloo wa-taabal laahu ʻalaykum faʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaata wa-ʹaṭeeʻul laaha wa-Rasoolah. Wallaahu khabeerum bimaa taʻmaloon.

    Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

  14. 14

    ۞ أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ تَوَلَّوْا۟ قَوْمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِم مَّا هُم مِّنكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى ٱلْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ

    ʹAlam tara ʹilal lazeena tawallaw q̣awman g̣aḍibal laahu ʻalayhim? Maa- hum miñkum wa-laa minhum wa-yaḥlifoona ʻalal kaẓibi wa-hum yaʻlamoon.

    Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam.

  15. 15

    أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَآءَ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

    ʹAʻaddal laahu lahum ʻaẓaabañ shadeedaa: ʹinnahum saaaʹa maa- kaanoo yaʻmaloon.

    Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa!

  16. 16

    ٱتَّخَذُوٓا۟ أَيْمَـٰنَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا۟ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ

    ʹIttakhaẓooo ʹaymaanahum junnatañ faṣaddoo ʻañ Sabeelil laahi falahum ʻAẓaabum muheen.

    Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panakip [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.

  17. 17

    لَّن تُغْنِىَ عَنْهُمْ أَمْوَٰلُهُمْ وَلَآ أَوْلَـٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ

    Lañ tug̣niya ʻanhum ʹamwaaluhum wa-laaa ʹawlaaduhum minal laahi shayʹaa: ʹulaaaʹika ʹAṣḥaabun Naar; hum feehaa khaalidoon.

    Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili,

  18. 18

    يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَىْءٍ ۚ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ ٱلْكَـٰذِبُونَ

    Yawma yabʻas̤uhumul laahu jameeʻañ fayaḥlifoona lahoo kamaa yaḥlifoona lakum wa-yaḥsaboona ʹannahum ʻalaa shayʹ. ʹAlaaa ʹinnahum humul kaaẓiboon!

    sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo [na mga mananampalataya]. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling.

  19. 19

    ٱسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ ٱلشَّيْطَـٰنُ فَأَنسَىٰهُمْ ذِكْرَ ٱللَّهِ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱلشَّيْطَـٰنِ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ

    ʹIstaḥwaẓa ʻalayhimush Shayṭaanu faʹañsaahum ẓikral laah. ʹUlaaaʹika Ḥizbush Shayṭaan. ʹAlaaa ʹinna Ḥizbash Shayṭaani humul khaasiroon!

    Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi.

  20. 20

    إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ أُو۟لَـٰٓئِكَ فِى ٱلْأَذَلِّينَ

    ʹInnal laẓeena yuḥaaaddoonal laaha wa-Rasoolahooo ʹulaaaʹika fil ʹaẓalleen.

    Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakakaaba-aba.

  21. 21

    كَتَبَ ٱللَّهُ لَأَغْلِبَنَّ أَنَا۠ وَرُسُلِىٓ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِىٌّ عَزِيزٌ

    Katabal laahu laʹag̣libanna ʹana wa-rusulee: ʹinnal laaha Q̣awiyyun ʻAzeez.

    Nagtakda si Allāh: “Talagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko.” Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

  22. 22

    لَّا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ يُوَآدُّونَ مَنْ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوْ كَانُوٓا۟ ءَابَآءَهُمْ أَوْ أَبْنَآءَهُمْ أَوْ إِخْوَٰنَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ كَتَبَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلْإِيمَـٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٍ مِّنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّـٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِىَ ٱللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا۟ عَنْهُ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱللَّهِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

    Laa- tajidu q̣awmañy yuʹminoona billaahi wal-Yawmil ʹAakhiri yuwaaaddoona man ḥaaaddal laaha wa-Rasoolahoo wa-law kaanooo ʹaabaaaʹahum ʹaw ʹabnaaaʹahum ʹaw ʹikhwaanahum ʹaw ʻasheeratahum. ʹUlaaaʹika kataba fee q̣uloobihimul ʹeemaana wa-ʹayyadahum̃ birooḥim minh. Wa-yudkhiluhum Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru khaalideena feehaa. Raḍiyal laahu ʻanhum wa-raḍoo ʻanh. ʹUlaaaʹika Ḥizbul laah. ʹAlaaa ʹinna Ḥizbal laahi humul Mufliḥoon.

    Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.