Surah At-Tahrim
Surah At-Tahrim (The Prohibition) is Surah 66 of the Holy Quran, a Medinan Surah with 12 verses, available here in Tagalog.
Verse 66:1
یٰۤاَیُّهَا النَّبِیُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَاۤ اَحَلَّ اللّٰهُ لَكَ ۚ تَبْتَغِیْ مَرْضَاتَ اَزْوَاجِكَ ؕ وَاللّٰهُ غَفُوْرٌ رَّحِیْمٌ ۟
Yaaaʹayyuhan Nabiyyu lima tuḥarrimu maaa ʹaḥallal laahu lak? Tabtag̣i marḍaata ʹazwaajik. wallaahu G̣afoorur Raḥeem.
O Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Verse 66:2
قَدْ فَرَضَ اللّٰهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ اَیْمَانِكُمْ ۚ وَاللّٰهُ مَوْلٰىكُمْ ۚ وَهُوَ الْعَلِیْمُ الْحَكِیْمُ ۟
Q̣ad faraḍal laahu lakum taḥillata ʹaymaanikum: wallaahu Mawlaakum, wa-Huwal ʻAleemul Ḥakeem.
Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.
Verse 66:3
وَاِذْ اَسَرَّ النَّبِیُّ اِلٰی بَعْضِ اَزْوَاجِهٖ حَدِیْثًا ۚ فَلَمَّا نَبَّاَتْ بِهٖ وَاَظْهَرَهُ اللّٰهُ عَلَیْهِ عَرَّفَ بَعْضَهٗ وَاَعْرَضَ عَنْ بَعْضٍ ۚ فَلَمَّا نَبَّاَهَا بِهٖ قَالَتْ مَنْ اَنْۢبَاَكَ هٰذَا ؕ قَالَ نَبَّاَنِیَ الْعَلِیْمُ الْخَبِیْرُ ۟
Wa-ʹiẓ ʹasarran Nabiyyu ʹilaa baʻḍi ʹazwaajihee ḥadees̤aa, falammaa nabbaʹat bihee wa-ʹaz̤̣harahul laahu ʻalayhi ʻarrafa baʻḍahoo wa-ʹaʻraḍa ʻam baʻḍ. Falammaa nabbaʹahaa bihee q̣aalat man ʹambaʹaka haaẓaa? Q̣aala nabbaʹaniyal ʻAleemul Khabeer.
[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.”
Verse 66:4
اِنْ تَتُوْبَاۤ اِلَی اللّٰهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوْبُكُمَا ۚ وَاِنْ تَظٰهَرَا عَلَیْهِ فَاِنَّ اللّٰهَ هُوَ مَوْلٰىهُ وَجِبْرِیْلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِیْنَ ۚ وَالْمَلٰٓىِٕكَةُ بَعْدَ ذٰلِكَ ظَهِیْرٌ ۟
ʹIñ tatoobaaa ʹilal laahi faq̣ad ṣag̣at q̣uloobukumaa; wa-ʹiñ taz̤̣aaharaa ʻalayhi faʹinnal laaha Huwa Mawlaahu wa-Jibreelu wa-Ṣaaliḥul Muʹmineen, wal-malaaaʹikatu baʻda ẓaalika z̤̣aheer.
[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya].
Verse 66:5
عَسٰی رَبُّهٗۤ اِنْ طَلَّقَكُنَّ اَنْ یُّبْدِلَهٗۤ اَزْوَاجًا خَیْرًا مِّنْكُنَّ مُسْلِمٰتٍ مُّؤْمِنٰتٍ قٰنِتٰتٍ تٰٓىِٕبٰتٍ عٰبِدٰتٍ سٰٓىِٕحٰتٍ ثَیِّبٰتٍ وَّاَبْكَارًا ۟
ʻAsaa Rabbuhooo ʹiñ ṭallaq̣akunna ʹañy yubdilahooo ʹazwaajan khayram miñkunna Muslimaatim Muʹminaatiñ q̣aanitaatiñ taaaʹibaatin ʻaabidaatiñ saaaʹiḥaatiñ s̤ayyibaatiñw waʹabkaaraa.
Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.
Verse 66:6
یٰۤاَیُّهَا الَّذِیْنَ اٰمَنُوْا قُوْۤا اَنْفُسَكُمْ وَاَهْلِیْكُمْ نَارًا وَّقُوْدُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَیْهَا مَلٰٓىِٕكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَّا یَعْصُوْنَ اللّٰهَ مَاۤ اَمَرَهُمْ وَیَفْعَلُوْنَ مَا یُؤْمَرُوْنَ ۟
Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo q̣ooo ʹañfusakum wa-ʹahleekum Naarañw Waq̣ooduhan Naasu wal-Ḥijaaratu ʻalayhaa malaaʹikatun g̣ilaaz̤̣uñ shidaadul laa yaʻṣoonal laaha maaa ʹamarahum Wayafʻaloona maa- yuʹmaroon.
O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.
Verse 66:7
یٰۤاَیُّهَا الَّذِیْنَ كَفَرُوْا لَا تَعْتَذِرُوا الْیَوْمَ ؕ اِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ ۟۠
Yaaaʹayyuhal laẓeena kafaroo laa- taʻtaẓirul Yawm! ʹInnamaa tujzawna maa- kuñtum taʻmaloon!
O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
Verse 66:8
یٰۤاَیُّهَا الَّذِیْنَ اٰمَنُوْا تُوْبُوْۤا اِلَی اللّٰهِ تَوْبَةً نَّصُوْحًا ؕ عَسٰی رَبُّكُمْ اَنْ یُّكَفِّرَ عَنْكُمْ سَیِّاٰتِكُمْ وَیُدْخِلَكُمْ جَنّٰتٍ تَجْرِیْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ ۙ یَوْمَ لَا یُخْزِی اللّٰهُ النَّبِیَّ وَالَّذِیْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗ ۚ نُوْرُهُمْ یَسْعٰی بَیْنَ اَیْدِیْهِمْ وَبِاَیْمَانِهِمْ یَقُوْلُوْنَ رَبَّنَاۤ اَتْمِمْ لَنَا نُوْرَنَا وَاغْفِرْ لَنَا ۚ اِنَّكَ عَلٰی كُلِّ شَیْءٍ قَدِیْرٌ ۟
Yaaaʹayyuhal laẓeena ʹaamanoo toobooo ʹilal laahi Tawbatan Naṣooḥaa: ʻasaa Rabbukum ʹañy yukaffira ʻañkum sayyiʹaatikum wa-yudkhilakum Jannatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru Yawma laa- yukhzil laahun Nabiyya wallaẓeena ʹaamanoo maʻah. Nooruhum yasʻaa bayna ʹaydeehim wa-biʹaymaanihim yaq̣ooloona ˹Rabbanaaa ʹatmim lanaa Nooranaa wag̣fir lanaa: ʹinnaka ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.˺
O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: “Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.”
Verse 66:9
یٰۤاَیُّهَا النَّبِیُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنٰفِقِیْنَ وَاغْلُظْ عَلَیْهِمْ ؕ وَمَاْوٰىهُمْ جَهَنَّمُ ؕ وَبِئْسَ الْمَصِیْرُ ۟
Yaaaʹayyuhan Nabiyyu jaahidil kuffaara wal-Munaafiq̣eena wag̣luz̤̣ ʻalayhim. Wa-maʹwaahum Jahannam,― Wabiʹsal maṣeer.
O Propeta [Muḥammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
Verse 66:10
ضَرَبَ اللّٰهُ مَثَلًا لِّلَّذِیْنَ كَفَرُوا امْرَاَتَ نُوْحٍ وَّامْرَاَتَ لُوْطٍ ؕ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَیْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَیْنِ فَخَانَتٰهُمَا فَلَمْ یُغْنِیَا عَنْهُمَا مِنَ اللّٰهِ شَیْـًٔا وَّقِیْلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدّٰخِلِیْنَ ۟
Ḍarabal laahu mas̤alal lillaẓeena kafarum raʹata Nooḥiñw wamraʹata Looṭ. Kaanataa taḥta ʻAbdayni min ʻibaadinaa ṣaaliḥayni fakhaanataahumaa falam yug̣niyaa ʻanhumaa minal laahi shayʹañw waq̣eelad khulan Naara maʻad daakhileen!
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay Allāh ng anuman. Sasabihin: “Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.”
Verse 66:11
وَضَرَبَ اللّٰهُ مَثَلًا لِّلَّذِیْنَ اٰمَنُوا امْرَاَتَ فِرْعَوْنَ ۘ اِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِیْ عِنْدَكَ بَیْتًا فِی الْجَنَّةِ وَنَجِّنِیْ مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهٖ وَنَجِّنِیْ مِنَ الْقَوْمِ الظّٰلِمِیْنَ ۟ۙ
Wa-ḍarabal laahu mas̤alal lil-laẓeena ʹaamanum raʹata Firʻawn. ʹIẓ q̣aalat Rab-bib ni lee ʻiñdaka baytañ fil Jannati wa-najjinee miñ Firʻawna wa-ʻamalihee wa-najjinee minal q̣awmiz̤̣ z̤̣aalimeen;
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay ni Paraon noong nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Verse 66:12
وَمَرْیَمَ ابْنَتَ عِمْرٰنَ الَّتِیْۤ اَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِیْهِ مِنْ رُّوْحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهٖ وَكَانَتْ مِنَ الْقٰنِتِیْنَ ۟۠
Wa-Maryamab nata ʻImraanal lateee ʹaḥṣanat farjahaa fanafakhnaa feehi mir rooḥinaa wa-ṣaddaq̣at bi-Kalimaati Rabbihaa wa-Kutubihee wa-kaanat minal Q̣aaniteen.
[Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon].