Home  /  Quran  /  Surah
Loading...
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

Surah Ash-Shura

Surah Ash-Shura (The Consultation) is Surah 42 of the Holy Quran, a Meccan Surah with 53 verses, available here in Tagalog.

Surah 42 Meccan 53 verses Tagalog

Verse 42:1

حٰمٓ ۟ۚ

Ḥaa-Meeem;

Ḥā. Mīm.

Verse 42:2

عٓسٓقٓ ۟

ʻAyyyn-Seeen-Q̣aaaf.

`Ayn. Sīn. Qāf.

Verse 42:3

كَذٰلِكَ یُوْحِیْۤ اِلَیْكَ وَاِلَی الَّذِیْنَ مِنْ قَبْلِكَ ۙ اللّٰهُ الْعَزِیْزُ الْحَكِیْمُ ۟

Kaẓaalika yooḥeee ʹilayka wa-ʹilal laẓeena miñ q̣ablikal laahul ʻAzeezul Ḥakeem.

Gayon nagkakasi sa iyo at sa mga bago mo pa si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Verse 42:4

لَهٗ مَا فِی السَّمٰوٰتِ وَمَا فِی الْاَرْضِ ؕ وَهُوَ الْعَلِیُّ الْعَظِیْمُ ۟

Lahoo maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ: wa-Huwal ʻAliyyul ʻAz̤̣eem.

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.

Verse 42:5

تَكَادُ السَّمٰوٰتُ یَتَفَطَّرْنَ مِنْ فَوْقِهِنَّ وَالْمَلٰٓىِٕكَةُ یُسَبِّحُوْنَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَیَسْتَغْفِرُوْنَ لِمَنْ فِی الْاَرْضِ ؕ اَلَاۤ اِنَّ اللّٰهَ هُوَ الْغَفُوْرُ الرَّحِیْمُ ۟

Takaadus samaawaatu yatafaṭṭarna miñ fawq̣ihinna walmalaaaʹikatu yusabbiḥoona bi-Ḥamdi Rabbihim wa-yastag̣firoona limañ fil ʹarḍ: ʹalaaa ʹinnal laaha Huwal G̣afoorur Raḥeem.

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.

Verse 42:6

وَالَّذِیْنَ اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِهٖۤ اَوْلِیَآءَ اللّٰهُ حَفِیْظٌ عَلَیْهِمْ ۖؗ وَمَاۤ اَنْتَ عَلَیْهِمْ بِوَكِیْلٍ ۟

Wallaẓeenat takhaẓoo miñ dooniheee ʹawliyaaaʹal laahu ḥafeez̤̣un ʻalayhim wa-maaa ʹañta ʻalayhim̃ biwakeel.

Ang mga gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik, si Allāh ay Mapag-ingat sa kanila [sa mga gawa nila] at ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

Verse 42:7

وَكَذٰلِكَ اَوْحَیْنَاۤ اِلَیْكَ قُرْاٰنًا عَرَبِیًّا لِّتُنْذِرَ اُمَّ الْقُرٰی وَمَنْ حَوْلَهَا وَتُنْذِرَ یَوْمَ الْجَمْعِ لَا رَیْبَ فِیْهِ ؕ فَرِیْقٌ فِی الْجَنَّةِ وَفَرِیْقٌ فِی السَّعِیْرِ ۟

Wa-kaẓaalika ʹawḥaynaaa ʹilayka Q̣ur-ʹaanan ʻArabiyyal lituñẓira ʹUmmal Q̣uraa wa-man ḥawlahaa wa-tuñẓira Yawmal Jamʻi laa- rayba feeh: fareeq̣uñ fil Jannati wa-fareeq̣uñ fis Saʻeer.

Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa [Makkah na] Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito [na mga taga-Makkah at lahat ng mga tao] at magbabala ka [sa mga tao] ng Araw ng Pagtipon nang walang pag-aalinlangan doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab.

Verse 42:8

وَلَوْ شَآءَ اللّٰهُ لَجَعَلَهُمْ اُمَّةً وَّاحِدَةً وَّلٰكِنْ یُّدْخِلُ مَنْ یَّشَآءُ فِیْ رَحْمَتِهٖ ؕ وَالظّٰلِمُوْنَ مَا لَهُمْ مِّنْ وَّلِیٍّ وَّلَا نَصِیْرٍ ۟

Wa-law shaaaʹal laahu lajaʻalahum ʹUmmatañw Waaḥidatañw walaakiñy yudkhilu mañy yashaaaʹu fee Raḥmatih; waz̤̣z̤̣aalimoona maa- lahum miñw waliyyiñw walaa naṣeer.

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan, subalit nagpapapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa awa Niya. Ang mga tagalabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik ni mapag-adya.

Verse 42:9

اَمِ اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِهٖۤ اَوْلِیَآءَ ۚ فَاللّٰهُ هُوَ الْوَلِیُّ وَهُوَ یُحْیِ الْمَوْتٰی ؗ وَهُوَ عَلٰی كُلِّ شَیْءٍ قَدِیْرٌ ۟۠

ʹAmit takhaẓoo miñ dooniheee ʹawliyaaaʹ? Fallaahu Huwal Waliyyu wa-Huwa yuḥyil mawtaa, wa-Huwa ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.

O gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik, gayong si Allāh ay ang Katangkilik. Siya ay ang nagbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Verse 42:10

وَمَا اخْتَلَفْتُمْ فِیْهِ مِنْ شَیْءٍ فَحُكْمُهٗۤ اِلَی اللّٰهِ ؕ ذٰلِكُمُ اللّٰهُ رَبِّیْ عَلَیْهِ تَوَكَّلْتُ ۖۗ وَاِلَیْهِ اُنِیْبُ ۟

Wa-makh talaftum feehi miñ shayʹiñ faḥukmuhooo ʹilal laah: ẓaalikumul laahu Rabbee ʻalayhi tawakkaltu wa-ʹilayhi ʹuneeb.

Ang anumang nagkaiba-iba kayo hinggil sa anumang bagay, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ko; sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising bumabalik.

Verse 42:11

فَاطِرُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ؕ جَعَلَ لَكُمْ مِّنْ اَنْفُسِكُمْ اَزْوَاجًا وَّمِنَ الْاَنْعَامِ اَزْوَاجًا ۚ یَذْرَؤُكُمْ فِیْهِ ؕ لَیْسَ كَمِثْلِهٖ شَیْءٌ ۚ وَهُوَ السَّمِیْعُ الْبَصِیْرُ ۟

Faaṭirus samaawaati wal-ʹarḍ! Jaʻala lakum min ʹañfusikum ʹazwaajañw Waminal ʹanʻaami ʹazwaajaa: yaẓraʹukum feeh: Laysa kamis̤lihee shayʹ; wa-Huwas sameeʻul Baṣeer.

[Si Allāh] ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman [ni may anumang totoong diyos maliban sa Kanya], at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.

Verse 42:12

لَهٗ مَقَالِیْدُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ۚ یَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ یَّشَآءُ وَیَقْدِرُ ؕ اِنَّهٗ بِكُلِّ شَیْءٍ عَلِیْمٌ ۟

Lahoo maq̣aaleedus samaawaati wal-ʹarḍ; Yabsuṭur Rizq̣a limañy yashaaaʹu wa-yaq̣dir: ʹinnahoo bikulli shayʹin ʻAleem.

Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Nagpapaluwag Siya ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit Siya. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam.

Verse 42:13

شَرَعَ لَكُمْ مِّنَ الدِّیْنِ مَا وَصّٰی بِهٖ نُوْحًا وَّالَّذِیْۤ اَوْحَیْنَاۤ اِلَیْكَ وَمَا وَصَّیْنَا بِهٖۤ اِبْرٰهِیْمَ وَمُوْسٰی وَعِیْسٰۤی اَنْ اَقِیْمُوا الدِّیْنَ وَلَا تَتَفَرَّقُوْا فِیْهِ ؕ كَبُرَ عَلَی الْمُشْرِكِیْنَ مَا تَدْعُوْهُمْ اِلَیْهِ ؕ اَللّٰهُ یَجْتَبِیْۤ اِلَیْهِ مَنْ یَّشَآءُ وَیَهْدِیْۤ اِلَیْهِ مَنْ یُّنِیْبُ 

Sharaʻa lakum minad Deeni maa- waṣṣaa bihee Nooḥañw wallaẓeee ʹawḥaynaaa ʹilayka wa-maa waṣṣaynaa biheee ʹIbraaheema wa-Moosaa wa-ʻEesaaa ʹan ʹaq̣eemud Deena wa-laa tatafarraq̣oo feeh: kabura ʻalal mushrikeena maa- tadʻoohum ʹilayh. ʹAllaahu yajtabeee ʹilayhi mañy yashaaaʹu wa-yahdeee ʹilayhi mañy yuneeb.

Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng [ Islām na] itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik [sa pagsisisi, pagtalima, at lahat ng mga nauukol sa kanila].

Verse 42:14

وَمَا تَفَرَّقُوْۤا اِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَآءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْیًا بَیْنَهُمْ ؕ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَّبِّكَ اِلٰۤی اَجَلٍ مُّسَمًّی لَّقُضِیَ بَیْنَهُمْ ؕ وَاِنَّ الَّذِیْنَ اُوْرِثُوا الْكِتٰبَ مِنْ بَعْدِهِمْ لَفِیْ شَكٍّ مِّنْهُ مُرِیْبٍ ۟

Wa-maa tafarraq̣ooo ʹillaa mim baʻdi maa- jaaaʹahumul ʻilmu bag̣yam baynahum. Wa-lawlaa Kalimatuñ sabaq̣at mir Rabbika ʹilaaa ʹajalim musammal liq̣uḍiya baynahum: wa-ʹinnal laẓeena ʹooris̤ul Kitaaba mim baʻdihim lafee shakkim minhu mureeb.

Hindi sila nagkawatak-watak [sa iba’t ibang relihiyon] kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo hanggang sa isang taning na tinukoy ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga pinagmana ng kasulatan matapos na nila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān].

Verse 42:15

فَلِذٰلِكَ فَادْعُ ۚ وَاسْتَقِمْ كَمَاۤ اُمِرْتَ ۚ وَلَا تَتَّبِعْ اَهْوَآءَهُمْ ۚ وَقُلْ اٰمَنْتُ بِمَاۤ اَنْزَلَ اللّٰهُ مِنْ كِتٰبٍ ۚ وَاُمِرْتُ لِاَعْدِلَ بَیْنَكُمْ ؕ اَللّٰهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ ؕ لَنَاۤ اَعْمَالُنَا وَلَكُمْ اَعْمَالُكُمْ ؕ لَا حُجَّةَ بَیْنَنَا وَبَیْنَكُمْ ؕ اَللّٰهُ یَجْمَعُ بَیْنَنَا ۚ وَاِلَیْهِ الْمَصِیْرُ ۟ؕ

Faliẓaalika fadʻu wastaq̣im kamaaa ʹumirt. Wa-laa tattabiʻ ʹahwaaaʹahum; wa-q̣ul ʹaamañtu bimaaa ʹañzala laahu miñ Kitaab; wa-ʹumirtu liʹaʻdila baynakum. ʹAllaahu Rabbunaa wa-Rabbukum. Lanaaa ʹaʻmaalunaa wa-lakum ʹaʻmaalukum. Laa- ḥujjata baynanaa wa-baynakum. ʹAllaahu yajmaʻu baynanaa, wa-ʹilayhil maṣeer.

Kaya para roon ay mag-anyaya ka, magpakatuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at magsabi ka: “Sumampalataya ako sa pinababa ni Allāh na Aklat, at inutusan ako na magmakatarungan sa gitna ninyo. Si Allāh ay Panginoon namin at Panginoon ninyo. Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Walang katwiran sa pagitan namin at pagitan ninyo [para sa alitan]. Si Allāh ay kakalap sa pagitan natin. Tungo sa Kanya ang kahahantungan.”

Verse 42:16

وَالَّذِیْنَ یُحَآجُّوْنَ فِی اللّٰهِ مِنْ بَعْدِ مَا اسْتُجِیْبَ لَهٗ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَعَلَیْهِمْ غَضَبٌ وَّلَهُمْ عَذَابٌ شَدِیْدٌ ۟

Wallaẓeena yuḥaaajjoona fil laahi mim baʻdi mas tujeeba lahoo ḥujjatuhum daaḥiḍatun ʻiñda Rabbihim wa-ʻalayhim g̣aḍabuñw walahum ʻAẓaabuñ shadeed.

Ang mga nakikipangatwiran hinggil kay Allāh [sa relihiyon] matapos na tinugon, ang katwiran nila ay walang-saysay sa ganang Panginoon mo. Sumakanila ay galit at ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi.

Verse 42:17

اَللّٰهُ الَّذِیْۤ اَنْزَلَ الْكِتٰبَ بِالْحَقِّ وَالْمِیْزَانَ ؕ وَمَا یُدْرِیْكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ قَرِیْبٌ ۟

ʹAllaahul laẓeee ʹañzalal Kitaaba bilḥaq̣q̣i wal-Meezaan. Wa-maa yudreeka laʻallas Saaʻata q̣areeb?

Si Allāh ang nagpababa ng Aklat kalakip ng katotohanan at timbangan [upang magpakamakatarungan]. Ano ang magpapabatid sa iyo na marahil ang Huling Sandali ay malapit na?

Verse 42:18

یَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِیْنَ لَا یُؤْمِنُوْنَ بِهَا ۚ وَالَّذِیْنَ اٰمَنُوْا مُشْفِقُوْنَ مِنْهَا ۙ وَیَعْلَمُوْنَ اَنَّهَا الْحَقُّ ؕ اَلَاۤ اِنَّ الَّذِیْنَ یُمَارُوْنَ فِی السَّاعَةِ لَفِیْ ضَلٰلٍ بَعِیْدٍ ۟

Yastaʻjilu bihal laẓeena laa- yuʹminoona bihaa: wallaẓeena ʹaamanoo mushfiq̣oona minhaa wa-yaʻlamoona ʹannahal Ḥaq̣q̣. ʹAlaaa ʹinnal laẓeena yumaaroona fis Saaʻati lafee ḍalaalim baʻeed.

Nagmamadali nito ang mga hindi sumasampalataya rito. Ang mga sumampalataya ay mga nababagabag dito at nakaaalam na ito ay ang katotohanan. Pansinin, tunay na ang mga nakikipagtaltalan kaugnay sa Huling Sandali ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo.

Verse 42:19

اَللّٰهُ لَطِیْفٌ بِعِبَادِهٖ یَرْزُقُ مَنْ یَّشَآءُ ۚ وَهُوَ الْقَوِیُّ الْعَزِیْزُ ۟۠

ʹAllaahu Laṭeefum biʻibaadihee yarzuq̣u mañy yashaaaʹ: wa-Huwal Q̣awiyyul ʻAzeez.

Si Allāh ay Mapagtalos sa mga lingkod Niya, na nagtutustos sinumang niloob Niya; at Siya ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.

Verse 42:20

مَنْ كَانَ یُرِیْدُ حَرْثَ الْاٰخِرَةِ نَزِدْ لَهٗ فِیْ حَرْثِهٖ ۚ وَمَنْ كَانَ یُرِیْدُ حَرْثَ الدُّنْیَا نُؤْتِهٖ مِنْهَا ۙ وَمَا لَهٗ فِی الْاٰخِرَةِ مِنْ نَّصِیْبٍ ۟

Mañ kaana yureedu ḥars̤al ʹAakhirati nazid lahoo fee ḥars̤ih; wa-mañ kaana yureedu ḥars̤ad dunyaa nuʹtihee minhaa wa-maa lahoo fil ʹAakhirati min naṣeeb.

Ang sinumang nangyaring nagnanais ng [gantimpala bilang] ani sa Kabilang-buhay ay magdaragdag Kami para sa kanya sa ani roon. Ang sinumang nangyaring nagnanais ng ani sa Mundo ay magbibigay Kami sa kanya mula rito at walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi.

Verse 42:21

اَمْ لَهُمْ شُرَكٰٓؤُا شَرَعُوْا لَهُمْ مِّنَ الدِّیْنِ مَا لَمْ یَاْذَنْ بِهِ اللّٰهُ ؕ وَلَوْلَا كَلِمَةُ الْفَصْلِ لَقُضِیَ بَیْنَهُمْ ؕ وَاِنَّ الظّٰلِمِیْنَ لَهُمْ عَذَابٌ اَلِیْمٌ ۟

ʹAm lahum shurakaaaʹu sharaʻoo lahum minad Deeni maa- lam yaʹẓam bihil laah? Wa-lawlaa Kalimatul Faṣli laq̣uḍiya baynahum. Wa-ʹinnaz̤̣ z̤̣aalimeena lahum ʻAẓaabun ʹaleem.

O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh? Kung hindi dahil sa salita ng pagpapasya ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Verse 42:22

تَرَی الظّٰلِمِیْنَ مُشْفِقِیْنَ مِمَّا كَسَبُوْا وَهُوَ وَاقِعٌ بِهِمْ ؕ وَالَّذِیْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ فِیْ رَوْضٰتِ الْجَنّٰتِ ۚ لَهُمْ مَّا یَشَآءُوْنَ عِنْدَ رَبِّهِمْ ؕ ذٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِیْرُ ۟

Taraz̤̣ z̤̣aalimeena mushfiq̣eena mimmaa kasaboo wa-huwa waaq̣iʻum bihim. Wallaẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaati fee rawḍaatil Jannaat: lahum maa yashaaaʹoona ʻiñda Rabbihim. Ẓaalika huwal Faḍlul Kabeer.

Makikita ka sa mga tagalabag sa katarungan na mga nababagabag sa nakamit nila, at ito ay magaganap sa kanila. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga halamanan ng mga hardin; ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki.

Verse 42:23

ذٰلِكَ الَّذِیْ یُبَشِّرُ اللّٰهُ عِبَادَهُ الَّذِیْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ ؕ قُلْ لَّاۤ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَیْهِ اَجْرًا اِلَّا الْمَوَدَّةَ فِی الْقُرْبٰی ؕ وَمَنْ یَّقْتَرِفْ حَسَنَةً نَّزِدْ لَهٗ فِیْهَا حُسْنًا ؕ اِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ شَكُوْرٌ ۟

Ẓaalikal laẓee yubashshirul laahu ʻIbaadahul laẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaat. Q̣ul laaa ʹasʹalukum ʻalayhi ʹajran ʹillal mawaddata fil q̣urbaa. Wa-mañy yaq̣tarif ḥasanatan nazid lahoo feehaa ḥusnaa: ʹinnal laaha G̣afooruñ Shakoor.

Iyon ay ang ibinabalitang nakagagalak ni Allāh sa mga lingkod Niya na mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos. Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya maliban sa pagmamahal alang-alang sa pagkakamag-anak.” Ang sinumang nagtamo ng isang magandang gawa ay magdaragdag Kami para sa kanya rito ng kagandahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat.

Verse 42:24

اَمْ یَقُوْلُوْنَ افْتَرٰی عَلَی اللّٰهِ كَذِبًا ۚ فَاِنْ یَّشَاِ اللّٰهُ یَخْتِمْ عَلٰی قَلْبِكَ ؕ وَیَمْحُ اللّٰهُ الْبَاطِلَ وَیُحِقُّ الْحَقَّ بِكَلِمٰتِهٖ ؕ اِنَّهٗ عَلِیْمٌۢ بِذَاتِ الصُّدُوْرِ ۟

ʹAm yaq̣ooloonaf taraa ʻalal laahi kaẓibaa? Faʹiñy yasha ʹillaahu yakhtim ʻalaa q̣albik. Wa-yamḥul laahul Baaṭila wa-yuḥiq̣q̣ul Ḥaq̣q̣a bi-Kalimaatih. ʹInnahoo ʻAleemum biẓaatiṣ ṣudoor.

O nagsasabi ba sila: “Gumawa-gawa siya laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?” Ngunit kung niloob ni Allāh ay magpipinid Siya sa puso mo. Bumubura si Allāh ng kabulaanan at nagtototoo Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya. Tunay na Siya ay Maalam sa mga laman ng mga dibdib [ng mga tao].

Verse 42:25

وَهُوَ الَّذِیْ یَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهٖ وَیَعْفُوْا عَنِ السَّیِّاٰتِ وَیَعْلَمُ مَا تَفْعَلُوْنَ ۟ۙ

Wa-Huwal laẓee yaq̣balut Tawbata ʻan ʻIbaadihee wa-yaʻfoo ʻanis sayyiʹaati wayaʻlamu maa- tafʻaloon.

Siya ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin sa mga masagwang gawa, nakaaalam sa ginagawa ninyo,

Verse 42:26

وَیَسْتَجِیْبُ الَّذِیْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَیَزِیْدُهُمْ مِّنْ فَضْلِهٖ ؕ وَالْكٰفِرُوْنَ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِیْدٌ ۟

Wa-yastajeebul laẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaati wa-yazeeduhum miñ faḍlih: wal-kaafiroona lahum ʻAẓaabuñ shadeed.

tumutugon sa [panalangin ng] mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi.

Verse 42:27

وَلَوْ بَسَطَ اللّٰهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهٖ لَبَغَوْا فِی الْاَرْضِ وَلٰكِنْ یُّنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَّا یَشَآءُ ؕ اِنَّهٗ بِعِبَادِهٖ خَبِیْرٌ بَصِیْرٌ ۟

Wa-law basaṭal laahur Rizq̣a liʻIbaadihee labag̣aw fil ʹarḍi walaakiñy yunazzilu biq̣adarim maa yashaaaʹ. ʹInnahoo biʻIbaadihee Khabeerum Baṣeer.

Kung sakaling nagpaluwag si Allāh ng panustos para sa mga lingkod Niya ay talaga sanang nanampalasan sila sa lupain subalit nagbababa Siya ayon sa sukat na niloloob Niya. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay Mapagbatid, Nakakikita.

Verse 42:28

وَهُوَ الَّذِیْ یُنَزِّلُ الْغَیْثَ مِنْ بَعْدِ مَا قَنَطُوْا وَیَنْشُرُ رَحْمَتَهٗ ؕ وَهُوَ الْوَلِیُّ الْحَمِیْدُ ۟

Wa-Huwal laẓee yunazzilul g̣ays̤a mim baʻdi maa- q̣anaṭoo wa-yañshuru Raḥmatah. Wa-Huwal Waliyyul Ḥameed.

Siya ay ang nagbababa ng ulan, matapos na nasiraan sila ng loob, at nagkakalat ng awa Niya. Siya ay ang Katangkilik, ang Kapuri-puri.

Verse 42:29

وَمِنْ اٰیٰتِهٖ خَلْقُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَثَّ فِیْهِمَا مِنْ دَآبَّةٍ ؕ وَهُوَ عَلٰی جَمْعِهِمْ اِذَا یَشَآءُ قَدِیْرٌ ۟۠

Wa-min ʹAayaatihee khalq̣us samaawaati wal-ʹarḍi wa-maa bas̤s̤a feehimaa miñ daaabbah: wa-Huwa ʻalaa jamʻihim ʹiẓaa yashaaaʹu Q̣adeer.

Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha ng mga langit at lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na gumagalaw na nilalang. Siya, sa pagtipon sa kanila kapag loloobin Niya, ay May-kakayahan.

Verse 42:30

وَمَاۤ اَصَابَكُمْ مِّنْ مُّصِیْبَةٍ فَبِمَا كَسَبَتْ اَیْدِیْكُمْ وَیَعْفُوْا عَنْ كَثِیْرٍ ۟ؕ

Wa-maaa ʹaṣaabakum mim muṣeebatiñ fabimaa kasabat ʹaydeekum wa-yaʻfoo ʻañ kas̤eer.

Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami.

Verse 42:31

وَمَاۤ اَنْتُمْ بِمُعْجِزِیْنَ فِی الْاَرْضِ ۖۚ وَمَا لَكُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ مِنْ وَّلِیٍّ وَّلَا نَصِیْرٍ ۟

Wa-maaa ʹañtum̃ bimuʻjizeena fil ʹarḍi lakum wa-maa miñ doonil laahi miñw waliyyiñw naṣeer. wa-laa

Kayo ay hindi mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa; walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.

Verse 42:32

وَمِنْ اٰیٰتِهِ الْجَوَارِ فِی الْبَحْرِ كَالْاَعْلَامِ ۟ؕ

Wa-min ʹAayaatihil jawaari fil baḥri kal-ʹaʻlaam.

Kabilang sa mga tanda Niya ang mga daong sa dagat, gaya ng mga bundok.

Verse 42:33

اِنْ یَّشَاْ یُسْكِنِ الرِّیْحَ فَیَظْلَلْنَ رَوَاكِدَ عَلٰی ظَهْرِهٖ ؕ اِنَّ فِیْ ذٰلِكَ لَاٰیٰتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُوْرٍ ۟ۙ

ʹIñy yashaʹ yuskinir reeḥa fayaz̤̣lalna rawaakida ʻalaa z̤̣ahrih. ʹInna fee ẓaalika laʹAayaatil likulli ṣabbariñ shakoor.

Kung loloobin Niya ay magpapatahan Siya sa mga hangin para manatili ang mga iyon na mga nakatigil sa ibabaw nito – tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat –

Verse 42:34

اَوْ یُوْبِقْهُنَّ بِمَا كَسَبُوْا وَیَعْفُ عَنْ كَثِیْرٍ ۟ؗ

ʹAw yoobiq̣hunna bimaa kasaboo wa-yaʻfu ʻañ kas̤eer.

o makasisira Siya sa mga ito [sa pagkalunod] dahil sa nakamit nila [na kasalanan] at [gayon pa man] magpapaumanhin Siya sa marami

Verse 42:35

وَّیَعْلَمَ الَّذِیْنَ یُجَادِلُوْنَ فِیْۤ اٰیٰتِنَا ؕ مَا لَهُمْ مِّنْ مَّحِیْصٍ ۟

Wa-yaʻlamal laẓeena yujaadiloona feee Aayaatinaa, maa-ʹ lahum mim maḥeeṣ.

at [upang] makaalam ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda Namin na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan.

Verse 42:36

فَمَاۤ اُوْتِیْتُمْ مِّنْ شَیْءٍ فَمَتَاعُ الْحَیٰوةِ الدُّنْیَا ۚ وَمَا عِنْدَ اللّٰهِ خَیْرٌ وَّاَبْقٰی لِلَّذِیْنَ اٰمَنُوْا وَعَلٰی رَبِّهِمْ یَتَوَكَّلُوْنَ ۟ۚ

Famaaa ʹooteetum miñ shayʹiñ famataaʻul ḥayaatid dunyaa: wa-maa ʻiñdal laahi khayruñw waʹabq̣aa lillaẓeena ʹaamanoo wa-ʻalaa Rabbihim yatawakkaloon;

Kaya ang ibinigay sa inyo na anuman ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na mamamalagi para sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig;

Verse 42:37

وَالَّذِیْنَ یَجْتَنِبُوْنَ كَبٰٓىِٕرَ الْاِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ وَاِذَا مَا غَضِبُوْا هُمْ یَغْفِرُوْنَ ۟ۚ

Wallaẓeena yajtaniboona kabaaaʹiral ʹis̤mi wal-fawaaḥisha waʹiẓaa maa- g̣aḍiboo hum yag̣firoon;

at mga umiiwas sa malalaki sa kasalanan at mahahalay, at kapag nagalit sila, sila ay nagpapatawad;

Verse 42:38

وَالَّذِیْنَ اسْتَجَابُوْا لِرَبِّهِمْ وَاَقَامُوا الصَّلٰوةَ ۪ وَاَمْرُهُمْ شُوْرٰی بَیْنَهُمْ ۪ وَمِمَّا رَزَقْنٰهُمْ یُنْفِقُوْنَ ۟ۚ

Wallaẓeenas tajaaboo li-Rabbihim wa-ʹaq̣aamuṣ Ṣalaah; wa-ʹamruhum SHOORAA baynahum; wa-mimmaa razaq̣naahum yuñfiq̣oon;

at mga tumugon sa Panginoon nila, nagpanatili sa pagdarasal, at ang usapin nila ay sanggunian sa pagitan nila, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila;

Verse 42:39

وَالَّذِیْنَ اِذَاۤ اَصَابَهُمُ الْبَغْیُ هُمْ یَنْتَصِرُوْنَ ۟

Wallaẓeena ʹiẓaaa ʹaṣaabahumul bag̣yu hum yañtaṣiroon.

at mga kapag tumama sa kanila ang paglabag, sila ay nag-aadya [sa mga sarili].

Verse 42:40

وَجَزٰٓؤُا سَیِّئَةٍ سَیِّئَةٌ مِّثْلُهَا ۚ فَمَنْ عَفَا وَاَصْلَحَ فَاَجْرُهٗ عَلَی اللّٰهِ ؕ اِنَّهٗ لَا یُحِبُّ الظّٰلِمِیْنَ ۟

Wa-jazaaaʹu sayyiʹatiñ sayyiʹatum mis̤luhaa: faman ʻafaa wa-ʹaṣlaḥa faʹajruhoo ʻalal laah: ʹinnahoo laa- yuḥibbuz̤̣ z̤̣aalimeen.

Ang ganti sa masagwang gawa ay isang masagwa gawang tulad niyon; ngunit ang sinumang nagpaumanhin at nakipag-ayos, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan.

Verse 42:41

وَلَمَنِ انْتَصَرَ بَعْدَ ظُلْمِهٖ فَاُولٰٓىِٕكَ مَا عَلَیْهِمْ مِّنْ سَبِیْلٍ ۟ؕ

Wa-lamaniñ taṣara baʻda z̤̣ulmihee faʹulaaaʹika maa- ʻalayhim miñ sabeel.

Talagang ang sinumang nag-adya [sa sarili] matapos ng kawalang-katarungan sa kanya, ang mga iyon ay walang ukol sa kanila na anumang maisisisi.

Verse 42:42

اِنَّمَا السَّبِیْلُ عَلَی الَّذِیْنَ یَظْلِمُوْنَ النَّاسَ وَیَبْغُوْنَ فِی الْاَرْضِ بِغَیْرِ الْحَقِّ ؕ اُولٰٓىِٕكَ لَهُمْ عَذَابٌ اَلِیْمٌ ۟

ʹInnamas sabeelu ʻalal laẓeena yaz̤̣limoonan naasa wa-yabg̣oona fil ʹarḍi big̣ayril ḥaq̣q̣: ʹulaaaʹika lahum ʻAẓaabun ʹaleem.

Ang maisisisi ay ukol lamang mga lumalabag sa katarungan sa mga tao at naniniil sa lupain nang walang karapatan. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit.

Verse 42:43

وَلَمَنْ صَبَرَ وَغَفَرَ اِنَّ ذٰلِكَ لَمِنْ عَزْمِ الْاُمُوْرِ ۟۠

Wa-lamañ ṣabara wa-g̣afara ʹinna ẓaalika lamin ʻazmil ʹumoor.

Talagang ang sinumang nagtiis at nagpatawad, tunay na iyon ay talagang kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.

Verse 42:44

وَمَنْ یُّضْلِلِ اللّٰهُ فَمَا لَهٗ مِنْ وَّلِیٍّ مِّنْ بَعْدِهٖ ؕ وَتَرَی الظّٰلِمِیْنَ لَمَّا رَاَوُا الْعَذَابَ یَقُوْلُوْنَ هَلْ اِلٰی مَرَدٍّ مِّنْ سَبِیْلٍ ۟ۚ

Wa-mañy yuḍli lillaahu famaa lahoo miñw waliyyim mim baʻdih. Wa-taraz̤̣ z̤̣aalimeena lammaa raʹawul ʻaẓaaba yaq̣ooloona hal ʹilaa maraddim miñ sabeel?

Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang katangkilik matapos na [iniligaw] Niya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan, kapag nakita nila ang pagdurusa, ay magsasabi: “Sa isang mababalikan kaya [sa Mundo] ay may anumang landas?”

Verse 42:45

وَتَرٰىهُمْ یُعْرَضُوْنَ عَلَیْهَا خٰشِعِیْنَ مِنَ الذُّلِّ یَنْظُرُوْنَ مِنْ طَرْفٍ خَفِیٍّ ؕ وَقَالَ الَّذِیْنَ اٰمَنُوْۤا اِنَّ الْخٰسِرِیْنَ الَّذِیْنَ خَسِرُوْۤا اَنْفُسَهُمْ وَاَهْلِیْهِمْ یَوْمَ الْقِیٰمَةِ ؕ اَلَاۤ اِنَّ الظّٰلِمِیْنَ فِیْ عَذَابٍ مُّقِیْمٍ ۟

Wa-taraahum yaʻraḍoona ʻalayhaa khaashiʻeena minaẓ ẓulli yañz̤̣uroona miñ ṭarfin khafiyy. Wa-q̣aalal laẓeena ʹaamanooo ʹinnal khaasireenal laẓeena khasirooo ʹañfusahum wa-ʹahleehim Yawmal Q̣iyaamah. ʹAlaaa ʹinnaz̤̣ z̤̣aalimeena fee ʻAẓaabim muq̣eem!

Makikita mo sila na isinasalang doon [sa Apoy] habang mga nagtataimtim dahil sa kaabahan, na tumitingin mula sa isang sulyap na kubli. Magsasabi ang mga sumampalataya: “Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagdurusang mananatili.”

Verse 42:46

وَمَا كَانَ لَهُمْ مِّنْ اَوْلِیَآءَ یَنْصُرُوْنَهُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ ؕ وَمَنْ یُّضْلِلِ اللّٰهُ فَمَا لَهٗ مِنْ سَبِیْلٍ ۟ؕ

Wa-maa kaana lahum min ʹawliyaaaʹa yañṣuroonahum miñ doonil laah. Wa-mañy yuḍlilil laahu famaa lahoo miñ sabeel.

Walang ukol sa kanila na anumang mga katangkilik na mag-aadya sa kanila bukod pa kay Allāh. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang landas [ng kapatnubayan].

Verse 42:47

اِسْتَجِیْبُوْا لِرَبِّكُمْ مِّنْ قَبْلِ اَنْ یَّاْتِیَ یَوْمٌ لَّا مَرَدَّ لَهٗ مِنَ اللّٰهِ ؕ مَا لَكُمْ مِّنْ مَّلْجَاٍ یَّوْمَىِٕذٍ وَّمَا لَكُمْ مِّنْ نَّكِیْرٍ ۟

ʹIstajeeboo li-Rabbikum miñ q̣abli ʹañy yaʹtiya Yawmul laa maradda lahoo min allaah. maa- lakum mim maljaʹiñy Yawmaʹiẓiñw Wa-Maa lakum min nakeer.

Tumugon kayo sa Panginoon ninyo bago pa may sumapit na isang Araw na walang matutulakan para roon mula kay Allāh. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan sa Araw na iyon at walang ukol sa inyo na anumang pagkakaila [ng mga pagkakasala].

Verse 42:48

فَاِنْ اَعْرَضُوْا فَمَاۤ اَرْسَلْنٰكَ عَلَیْهِمْ حَفِیْظًا ؕ اِنْ عَلَیْكَ اِلَّا الْبَلٰغُ ؕ وَاِنَّاۤ اِذَاۤ اَذَقْنَا الْاِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً فَرِحَ بِهَا ۚ وَاِنْ تُصِبْهُمْ سَیِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ اَیْدِیْهِمْ فَاِنَّ الْاِنْسَانَ كَفُوْرٌ ۟

Faʹin ʹaʻraḍoo famaaa ʹarsalnaaka ʻalayhim ḥafeez̤̣aa. ʹIn ʻalayka ʹillal balaag̣. Wa-ʹinnaaa ʹiẓaaa ʹaẓaq̣nal ʹiñsaana minnaa Raḥmatañ fariḥa bihaa: wa-ʹiñ tuṣibhum sayyiʹatum bimaa q̣addamat ʹaydeehim faʹinnal ʹiñsaana kafoor!

Ngunit kung umayaw sila, hindi Kami nagsugo sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] sa kanila bilang mapag-ingat. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot [ng ipinag-utos]. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa kanila ang isang masagwang gawa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, tunay na ang tao ay mapagtangging magpasalamat.

Verse 42:49

لِلّٰهِ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ؕ یَخْلُقُ مَا یَشَآءُ ؕ یَهَبُ لِمَنْ یَّشَآءُ اِنَاثًا وَّیَهَبُ لِمَنْ یَّشَآءُ الذُّكُوْرَ ۟ۙ

Lillaahi mulkus samaawaati wal-ʹarḍ. Yakhluq̣u maa- yashaaaʹ. Yahabu limañy yashaaaʹu ʹinaas̤añw wa-yahabu limañy yashaaaʹuẓ ẓukoor,

Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya. Nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki.

Verse 42:50

اَوْ یُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَّاِنَاثًا ۚ وَیَجْعَلُ مَنْ یَّشَآءُ عَقِیْمًا ؕ اِنَّهٗ عَلِیْمٌ قَدِیْرٌ ۟

ʹAw yuzawwijuhum ẓukraanañw waʹinaas̤aa; wa-yajʻalu mañy yashaaaʹu ʻaq̣eemaa: ʹinnahoo ʻAleemuñ Q̣adeer.

O ipinagpapares Niya sila bilang mga lalaki at mga babae. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog. Tunay na Siya ay Maalam, May-kakayahan.

Verse 42:51

وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ اَنْ یُّكَلِّمَهُ اللّٰهُ اِلَّا وَحْیًا اَوْ مِنْ وَّرَآئِ حِجَابٍ اَوْ یُرْسِلَ رَسُوْلًا فَیُوْحِیَ بِاِذْنِهٖ مَا یَشَآءُ ؕ اِنَّهٗ عَلِیٌّ حَكِیْمٌ ۟

Wa-maa kaana libasharin ʹañy yukallimahul laahu ʹillaa Waḥyan ʹaw miñw waraaaʹi ḥijaabin ʹaw yursila rasoolañ fayooḥiya biʹiẓnihee maa- yashaaaʹ: ʹinnahoo ʻAliyyun Ḥakeem.

Hindi naging ukol sa tao na kausapin siya ni Allāh maliban sa isang pagkasi, o sa likuran ng isang lambong, o magsugo Siya ng isang [anghel na] sugo para magkasi iyon ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong.

Verse 42:52

وَكَذٰلِكَ اَوْحَیْنَاۤ اِلَیْكَ رُوْحًا مِّنْ اَمْرِنَا ؕ مَا كُنْتَ تَدْرِیْ مَا الْكِتٰبُ وَلَا الْاِیْمَانُ وَلٰكِنْ جَعَلْنٰهُ نُوْرًا نَّهْدِیْ بِهٖ مَنْ نَّشَآءُ مِنْ عِبَادِنَا ؕ وَاِنَّكَ لَتَهْدِیْۤ اِلٰی صِرَاطٍ مُّسْتَقِیْمٍ ۟ۙ

Wa-kaẓaalika ʹawḥaynaaa ʹilayka Rooḥam min ʹamrinaa: maa- kuñta tadree mal kitaabu wa-lal ʹeemaanu wa-laakiñ jaʻalnaahu Nooran nahdee bihee man nashaaaʹu min ʻIbaadinaa: wa-ʹinnaka latahdeee ʹilaa Ṣiraaṭim Mustaq̣eem,―

Gayon Kami nagkasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ng isang espiritu mula sa kautusan Namin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang Aklat ni ang pananampalataya, subalit gumawa Kami rito bilang liwanag na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw, [O Propeta Muḥammad,] ay talagang nagpapatnubay tungo sa isang landasing tuwid:

Verse 42:53

صِرَاطِ اللّٰهِ الَّذِیْ لَهٗ مَا فِی السَّمٰوٰتِ وَمَا فِی الْاَرْضِ ؕ اَلَاۤ اِلَی اللّٰهِ تَصِیْرُ الْاُمُوْرُ ۟۠

Ṣiraaṭil laahil laẓee lahoo maa- fis samaawaati wa-maa fil ʹarḍ; ʹAlaaa ʹilal laahi taṣeerul ʹumoor.

ang landasin ni Allāh na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Pansinin, tungo kay Allāh hahantong ang mga usapin [para pagpasyahan].