Surah Al-Muzzammil
Surah Al-Muzzammil (The Enshrouded One) is Surah 73 of the Holy Quran, a Meccan Surah with 20 verses, available here in Tagalog.
Verse 73:1
یٰۤاَیُّهَا الْمُزَّمِّلُ ۟ۙ
Yaaaʹayyuhal MUZZAMMIL!
O nakabalot,
Verse 73:2
قُمِ الَّیْلَ اِلَّا قَلِیْلًا ۟ۙ
Q̣umil layla ʹillaa q̣aleelaa,―
bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]:
Verse 73:3
نِّصْفَهٗۤ اَوِ انْقُصْ مِنْهُ قَلِیْلًا ۟ۙ
Niṣfahooo ʹawiñ Q̣uṣ minhu q̣aleelaa,
sa kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti,
Verse 73:4
اَوْ زِدْ عَلَیْهِ وَرَتِّلِ الْقُرْاٰنَ تَرْتِیْلًا ۟ؕ
ʹAw zid ʻalayhi wa-rattilil Q̣urʹaana tarteelaa.
o magdagdag ka rito at bumigkas ka ng Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas.
Verse 73:5
اِنَّا سَنُلْقِیْ عَلَیْكَ قَوْلًا ثَقِیْلًا ۟
ʹInnaa sanulq̣ee ʻalayka Q̣awlañ s̤aq̣eelaa.
Tunay na Kami ay maglalahad sa iyo ng isang sinasabing mabigat.
Verse 73:6
اِنَّ نَاشِئَةَ الَّیْلِ هِیَ اَشَدُّ وَطْاً وَّاَقْوَمُ قِیْلًا ۟ؕ
ʹInna naashiʹatal layli hiya ʹashaddu waṭ-ʹañw waʹaq̣wamu Q̣eelaa.
Tunay na ang pagbangon [sa pagdarasal] sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsasabi.
Verse 73:7
اِنَّ لَكَ فِی النَّهَارِ سَبْحًا طَوِیْلًا ۟ؕ
ʹInna laka fin nahaari sabḥañ ṭaweelaa.
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba.
Verse 73:8
وَاذْكُرِ اسْمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلْ اِلَیْهِ تَبْتِیْلًا ۟ؕ
Waẓkuris ma Rabbika wa-tabattal ʹilayhi tabteelaa.
Umalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.
Verse 73:9
رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ لَاۤ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ فَاتَّخِذْهُ وَكِیْلًا ۟
Rabbul Mashriq̣i wal-Mag̣ribi Laaa ʹilaaha ʹillaa Huwa fattakhiẓhu Wakeelaa.
Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.
Verse 73:10
وَاصْبِرْ عَلٰی مَا یَقُوْلُوْنَ وَاهْجُرْهُمْ هَجْرًا جَمِیْلًا ۟
Waṣbir ʻalaa maa- yaq̣ooloona wahjurhum hajrañ jameelaa.
Magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang marikit.
Verse 73:11
وَذَرْنِیْ وَالْمُكَذِّبِیْنَ اُولِی النَّعْمَةِ وَمَهِّلْهُمْ قَلِیْلًا ۟
Wa-ẓarnee walmukaẓẓibeena ʹulin naʻmati wa-mahhilhum q̣aleelaa.
Hayaan mo Ako at ang mga tagapagpasinungaling na may biyaya at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.
Verse 73:12
اِنَّ لَدَیْنَاۤ اَنْكَالًا وَّجَحِیْمًا ۟ۙ
ʹInna ladaynaaa ʹañkaalañw Wa-Jaḥeemaa,
Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno,
Verse 73:13
وَّطَعَامًا ذَا غُصَّةٍ وَّعَذَابًا اَلِیْمًا ۟ۗ
Wa-Ṭaʻaamañ ẓaa g̣uṣṣatiñw waʻAẓaaban ʹaleemaa.
at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit,
Verse 73:14
یَوْمَ تَرْجُفُ الْاَرْضُ وَالْجِبَالُ وَكَانَتِ الْجِبَالُ كَثِیْبًا مَّهِیْلًا ۟
Yawma tarjuful ʹarḍu wal-Jibaalu wa-kaanatil jibaalu kas̤eebam maheelaa.
sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging [gaya] bunton ng buhanging gumuguho.
Verse 73:15
اِنَّاۤ اَرْسَلْنَاۤ اِلَیْكُمْ رَسُوْلًا ۙ۬ شَاهِدًا عَلَیْكُمْ كَمَاۤ اَرْسَلْنَاۤ اِلٰی فِرْعَوْنَ رَسُوْلًا ۟ؕ
ʹInnaaa ʹarsalnaaa ʹilaykum Rasoolañ shaahidan ʻalaykum kamaaa ʹarsalnaaa ʹilaa Firʻawna Rasoolaa.
Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo [na si Propeta Muḥammad] na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo [na si Moises].
Verse 73:16
فَعَصٰی فِرْعَوْنُ الرَّسُوْلَ فَاَخَذْنٰهُ اَخْذًا وَّبِیْلًا ۟
Faʻaṣaa Firʻawnur Rasoola faʹakhaẓnaahu ʹakhẓañw Wabeelaa.
Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.
Verse 73:17
فَكَیْفَ تَتَّقُوْنَ اِنْ كَفَرْتُمْ یَوْمًا یَّجْعَلُ الْوِلْدَانَ شِیْبَا ۟ۗۖ
Fakayfa tattaq̣oona ʹiñ kafartum Yawmañy yajʻalul wildaana sheebaa―
Kaya papaano kayong magsasanggalang [ng mga sarili] kung tumanggi kayong sumampalataya sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?
Verse 73:18
لسَّمَآءُ مُنْفَطِرٌ بِهٖ ؕ كَانَ وَعْدُهٗ مَفْعُوْلًا ۟
ʹAssamaaaʹu muñfaṭirum bih? Kaana waʻduhoo mafʻoolaa.
Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa.
Verse 73:19
اِنَّ هٰذِهٖ تَذْكِرَةٌ ۚ فَمَنْ شَآءَ اتَّخَذَ اِلٰی رَبِّهٖ سَبِیْلًا ۟۠
ʹInna haaẓihee Taẓkirah: famañ shaaaʹat takhaẓa ʹilaa Rabbihee Sabeelaa!
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
Verse 73:20
اِنَّ رَبَّكَ یَعْلَمُ اَنَّكَ تَقُوْمُ اَدْنٰی مِنْ الَّیْلِ وَنِصْفَهٗ وَثُلُثَهٗ وَطَآىِٕفَةٌ مِّنَ الَّذِیْنَ مَعَكَ ؕ وَاللّٰهُ یُقَدِّرُ الَّیْلَ وَالنَّهَارَ ؕ عَلِمَ اَنْ لَّنْ تُحْصُوْهُ فَتَابَ عَلَیْكُمْ فَاقْرَءُوْا مَا تَیَسَّرَ مِنَ الْقُرْاٰنِ ؕ عَلِمَ اَنْ سَیَكُوْنُ مِنْكُمْ مَّرْضٰی ۙ وَاٰخَرُوْنَ یَضْرِبُوْنَ فِی الْاَرْضِ یَبْتَغُوْنَ مِنْ فَضْلِ اللّٰهِ ۙ وَاٰخَرُوْنَ یُقَاتِلُوْنَ فِیْ سَبِیْلِ اللّٰهِ ۖؗ فَاقْرَءُوْا مَا تَیَسَّرَ مِنْهُ ۙ وَاَقِیْمُوا الصَّلٰوةَ وَاٰتُوا الزَّكٰوةَ وَاَقْرِضُوا اللّٰهَ قَرْضًا حَسَنًا ؕ وَمَا تُقَدِّمُوْا لِاَنْفُسِكُمْ مِّنْ خَیْرٍ تَجِدُوْهُ عِنْدَ اللّٰهِ هُوَ خَیْرًا وَّاَعْظَمَ اَجْرًا ؕ وَاسْتَغْفِرُوا اللّٰهَ ؕ اِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِیْمٌ ۟۠
ʹInna Rabbaka yaʻlamu ʹannaka taq̣oomu ʹadnaa miñ s̤ulus̤ayil layli wa-niṣfahoo wa-s̤ulus̤ahoo wa-ṭaaaʹifatum minal laẓeena maʻak. Wal-laahu yuq̣addirul layla wannahaar. ʻAlima ʹal lañ tuḥṣoohu fataaba ʻalaykum faq̣raʹoo maa- tayassara minal Q̣urʹaan. ʻAlima ʹañ sayakoonu miñkum marḍaa wa-ʹaakharoona yaḍriboona fil ʹarḍi yabtag̣oona miñ Faḍlil laahi wa-ʹaakharoona yuq̣aatiloona fee Sabeelil laah. Faq̣raʹoo maa- tayassara minhu wa-ʹaq̣eemuṣ Ṣalaata wa-ʹaatuz Zakaata wa-ʹaq̣riḍul laaha Q̣arḍan Ḥasanaa. Wa-maa tuq̣addimoo liʹañfusikum min khayriñ tajidoohu ʻiñdal laahi huwa khyrañw waʹAʻz̤̣ama ʹAjraa. Wastag̣firul laah: ʹinnal laaha G̣afoorur Raḥeem.
Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw [O Propeta Muḥammad] ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng gabi o [minsan] kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkatin kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon saka tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali [para sa inyo] mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipanauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.