Surah Al-Fath
Surah Al-Fath (The Victory) is Surah 48 of the Holy Quran, a Medinan Surah with 29 verses, available here in Tagalog.
Verse 48:1
اِنَّا فَتَحْنَا لَكَ فَتْحًا مُّبِیْنًا ۟ۙ
ʹInnaa fataḥnaa laka Fatḥam Mubeenaa,
Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo [O Muḥammad] ng isang malinaw na pagwagi
Verse 48:2
لِّیَغْفِرَ لَكَ اللّٰهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْۢبِكَ وَمَا تَاَخَّرَ وَیُتِمَّ نِعْمَتَهٗ عَلَیْكَ وَیَهْدِیَكَ صِرَاطًا مُّسْتَقِیْمًا ۟ۙ
Liyag̣fira lakal laahu maa- taq̣addama miñ ẓambika wa-maa taʹakhkhara wa-yutimma niʻmatahoo ʻalayka wa-yahdiyaka Ṣiraaṭam Mustaq̣eemaa,
upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid,
Verse 48:3
وَّیَنْصُرَكَ اللّٰهُ نَصْرًا عَزِیْزًا ۟
Wa-yañṣurakal laahu Naṣran ʻAzeezaa.
at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan.
Verse 48:4
هُوَ الَّذِیْۤ اَنْزَلَ السَّكِیْنَةَ فِیْ قُلُوْبِ الْمُؤْمِنِیْنَ لِیَزْدَادُوْۤا اِیْمَانًا مَّعَ اِیْمَانِهِمْ ؕ وَلِلّٰهِ جُنُوْدُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ؕ وَكَانَ اللّٰهُ عَلِیْمًا حَكِیْمًا ۟ۙ
Huwal laẓee ʹañzalas Sakeenata fee q̣uloobil Muʹmineena liyazdaadooo ʹeemaanam maʻa ʹeemaanihim: wa-lillaahi Junoodus samaawaati wal-ʹarḍ; wa-kaanal laahu ʻAleeman Ḥakeemaa,
Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
Verse 48:5
لِّیُدْخِلَ الْمُؤْمِنِیْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِ جَنّٰتٍ تَجْرِیْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ خٰلِدِیْنَ فِیْهَا وَیُكَفِّرَ عَنْهُمْ سَیِّاٰتِهِمْ ؕ وَكَانَ ذٰلِكَ عِنْدَ اللّٰهِ فَوْزًا عَظِیْمًا ۟ۙ
Liyudkhilal Muʹmineena wal-Muʹminaati Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaaru khaalideena feehaa wa-yukaffira ʻanhum sayyiʹaatihim;― wakaana ẓaalika ʻiñdal laahi fawzan ʻaz̤̣eemaa,―
[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan –
Verse 48:6
وَّیُعَذِّبَ الْمُنٰفِقِیْنَ وَالْمُنٰفِقٰتِ وَالْمُشْرِكِیْنَ وَالْمُشْرِكٰتِ الظَّآنِّیْنَ بِاللّٰهِ ظَنَّ السَّوْءِ ؕ عَلَیْهِمْ دَآىِٕرَةُ السَّوْءِ ۚ وَغَضِبَ اللّٰهُ عَلَیْهِمْ وَلَعَنَهُمْ وَاَعَدَّ لَهُمْ جَهَنَّمَ ؕ وَسَآءَتْ مَصِیْرًا ۟
Wa-yuʻaẓẓibal Munaafiq̣eena wal-Munaafiq̣aati wal-Mushrikeena wal-Mushrikaatiz̤̣ z̤̣aaanneena billaahi z̤̣annas sawʹ. ʻAlayhim daaaʹiratus sawʹ: wa-g̣aḍibal laahu ʻalayhim wa-laʻanahum wa-ʹaʻadda lahum Jahannam; wa-saaaʹat maṣeeraa.
at [upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan!
Verse 48:7
وَلِلّٰهِ جُنُوْدُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ؕ وَكَانَ اللّٰهُ عَزِیْزًا حَكِیْمًا ۟
Wa-lillaahi Junoodus samaawaati wal-ʹarḍ: wa-kaanal laahu ʻAzeezan Ḥakeemaa.
Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Verse 48:8
اِنَّاۤ اَرْسَلْنٰكَ شَاهِدًا وَّمُبَشِّرًا وَّنَذِیْرًا ۟ۙ
ʹInnaaa ʹarsalnaaka Shaahidañw Wa-Mubashshirañw Wa-Naẓeeraa:
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak [na mamamalaging Kaginhawahan], at bilang mapagbabala [ng Pagdurusa],
Verse 48:9
لِّتُؤْمِنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَتُعَزِّرُوْهُ وَتُوَقِّرُوْهُ ؕ وَتُسَبِّحُوْهُ بُكْرَةً وَّاَصِیْلًا ۟
Lituʹminoo billaahi wa-Rasoolihee wa-tuʹazziroohu wa-tuwaq̣q̣irooh, wa-tusabbiḥoohu bukratañw waʹaṣeelaa.
upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kumatig kayo rito, gumalang kayo rito, at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at sa gabi.
Verse 48:10
اِنَّ الَّذِیْنَ یُبَایِعُوْنَكَ اِنَّمَا یُبَایِعُوْنَ اللّٰهَ ؕ یَدُ اللّٰهِ فَوْقَ اَیْدِیْهِمْ ۚ فَمَنْ نَّكَثَ فَاِنَّمَا یَنْكُثُ عَلٰی نَفْسِهٖ ۚ وَمَنْ اَوْفٰی بِمَا عٰهَدَ عَلَیْهُ اللّٰهَ فَسَیُؤْتِیْهِ اَجْرًا عَظِیْمًا ۟۠
ʹInnal laẓeena yubaayiʻoonaka ʹinnamaa yubaayiʻoonal laah: Yadul laahi fawq̣a ʹaydeehim: faman nakas̤a faʹinnamaa yañkus̤u ʻalaa nafsih; wa-man ʹawfaa bimaa ʻaahada ʻalayhul laaha fasayuʹteehi ʹajran ʻaz̤̣eemaa.
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh habang ang kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
Verse 48:11
سَیَقُوْلُ لَكَ الْمُخَلَّفُوْنَ مِنَ الْاَعْرَابِ شَغَلَتْنَاۤ اَمْوَالُنَا وَاَهْلُوْنَا فَاسْتَغْفِرْ لَنَا ۚ یَقُوْلُوْنَ بِاَلْسِنَتِهِمْ مَّا لَیْسَ فِیْ قُلُوْبِهِمْ ؕ قُلْ فَمَنْ یَّمْلِكُ لَكُمْ مِّنَ اللّٰهِ شَیْـًٔا اِنْ اَرَادَ بِكُمْ ضَرًّا اَوْ اَرَادَ بِكُمْ نَفْعًا ؕ بَلْ كَانَ اللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِیْرًا ۟
Sayaq̣oolu lakal mukhal-lafoona minal ʹAʻraabi shag̣alatnaaa ʹamwaalunaa wa-ʹahloonaa fastag̣fir lanaa. Yaq̣ooloona biʹalsinatihim maa laysa fee q̣uloobihim. Q̣ul famañy yamliku lakum minal laahi shayʹan ʹin ʹaraada bikum ḍarran ʹaw ʹaraada bikum nafʻaa? Bal kaanal laahu bimaa taʻmaloona khabeeraa.
Magsasabi sa iyo ang mga pinaiwan [dahil sa pag-ibig sa kamunduhan] kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Umabala sa amin ang mga ari-arian namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin.” Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: “Sino ang makapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
Verse 48:12
بَلْ ظَنَنْتُمْ اَنْ لَّنْ یَّنْقَلِبَ الرَّسُوْلُ وَالْمُؤْمِنُوْنَ اِلٰۤی اَهْلِیْهِمْ اَبَدًا وَّزُیِّنَ ذٰلِكَ فِیْ قُلُوْبِكُمْ وَظَنَنْتُمْ ظَنَّ السَّوْءِ ۖۚ وَكُنْتُمْ قَوْمًا بُوْرًا ۟
Bal z̤̣anañtum ʹal lañy yañq̣alibar Rasoolu wal-Muʹminoona ʹilaaa ʹahleehim ʹabadañw wa-zuyyina ẓaalika fee q̣uloobikum wa-z̤̣anañtum z̤̣annas sawʹi wa-kuñtum q̣awmam booraa.
Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.”
Verse 48:13
وَمَنْ لَّمْ یُؤْمِنْ بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ فَاِنَّاۤ اَعْتَدْنَا لِلْكٰفِرِیْنَ سَعِیْرًا ۟
Wa-mal lam yuʹmim billaahi wa-Rasoolihee faʹinnaaa ʹaʻtadnaa lilkaafireena Saʻeeraa!
Ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang Liyab.
Verse 48:14
وَلِلّٰهِ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ؕ یَغْفِرُ لِمَنْ یَّشَآءُ وَیُعَذِّبُ مَنْ یَّشَآءُ ؕ وَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِیْمًا ۟
Wa-lillaahi Mulkus samaawaati wal-ʹarḍ: yag̣firu limañy yashaaaʹu wa-yuʻaẓẓibu mañy yashaaaʹ: wa-kaanal laahu G̣afoorar Raḥeemaa.
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Verse 48:15
سَیَقُوْلُ الْمُخَلَّفُوْنَ اِذَا انْطَلَقْتُمْ اِلٰی مَغَانِمَ لِتَاْخُذُوْهَا ذَرُوْنَا نَتَّبِعْكُمْ ۚ یُرِیْدُوْنَ اَنْ یُّبَدِّلُوْا كَلٰمَ اللّٰهِ ؕ قُلْ لَّنْ تَتَّبِعُوْنَا كَذٰلِكُمْ قَالَ اللّٰهُ مِنْ قَبْلُ ۚ فَسَیَقُوْلُوْنَ بَلْ تَحْسُدُوْنَنَا ؕ بَلْ كَانُوْا لَا یَفْقَهُوْنَ اِلَّا قَلِیْلًا ۟
Sayaq̣oolul mukhallafoona ʹiẓañ ṭalaq̣tum ʹilaa mag̣aanima litaʹkhuẓoohaa ẓaroonaa nattabiʻkum: yureedoona ʹañy yubaddiloo Kalaamal laah. Q̣ul lañ tattabiʻoonaa kaẓaalikum q̣aalal laahu miñ q̣abl: fasayaq̣ooloona bal taḥsudoonanaa. Bal kaanoo laa- yafq̣ahoona ʹillaa q̣aleelaa.
Magsasabi ang mga pinaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: “Magpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo.” Nagnanais sila na magpalit ng Pananalita ni Allāh. Sabihin mo: “Hindi kayo susunod sa amin; gayon nagsabi si Allāh bago pa niyan.” Kaya magsasabi sila: “Bagkus naiinggit kayo sa amin.” Bagkus sila noon ay hindi nakauunawa kundi ng kaunti.
Verse 48:16
قُلْ لِّلْمُخَلَّفِیْنَ مِنَ الْاَعْرَابِ سَتُدْعَوْنَ اِلٰی قَوْمٍ اُولِیْ بَاْسٍ شَدِیْدٍ تُقَاتِلُوْنَهُمْ اَوْ یُسْلِمُوْنَ ۚ فَاِنْ تُطِیْعُوْا یُؤْتِكُمُ اللّٰهُ اَجْرًا حَسَنًا ۚ وَاِنْ تَتَوَلَّوْا كَمَا تَوَلَّیْتُمْ مِّنْ قَبْلُ یُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا اَلِیْمًا ۟
Q̣ul lilmukhallafeena minal ʹAʻraabi satudʻawna ʹilaa q̣awmin ʹulee baʹsiñ shadeediñ tuq̣aatiloonahum ʹaw yuslimoon. Faʹiñ tuṭeeʻoo yuʹtikumul laahu ʹajran ḥasanaa: wa-ʹiñ tatawallaw kamaa tawallaytum miñ q̣ablu yuʻaẓẓibkum ʻaẓaaban ʹaleemaa.
Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Aanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.”
Verse 48:17
لَیْسَ عَلَی الْاَعْمٰی حَرَجٌ وَّلَا عَلَی الْاَعْرَجِ حَرَجٌ وَّلَا عَلَی الْمَرِیْضِ حَرَجٌ ؕ وَمَنْ یُّطِعِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ یُدْخِلْهُ جَنّٰتٍ تَجْرِیْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ ۚ وَمَنْ یَّتَوَلَّ یُعَذِّبْهُ عَذَابًا اَلِیْمًا ۟۠
Laysa ʻalal ʹaʻmaa ḥarajuñw walaa ʻalal ʹaʻraji ḥarajuñw walaa ʻalal mareeḍi haraj. Wa-mañy yuṭiʻil laaha wa-Rasoolahoo yudkhilhu Jannaatiñ tajree miñ taḥtihal ʹanhaar; wa-mañy yatawalla yuʻaẓẓibhu ʻaẓaaban ʹaleemaa.
Walang maisisisi sa bulag, walang maisisisi sa pilay, at walang maisisisi sa may-sakit [na magpaiwan]. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit.
Verse 48:18
لَقَدْ رَضِیَ اللّٰهُ عَنِ الْمُؤْمِنِیْنَ اِذْ یُبَایِعُوْنَكَ تَحْتَ الشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِیْ قُلُوْبِهِمْ فَاَنْزَلَ السَّكِیْنَةَ عَلَیْهِمْ وَاَثَابَهُمْ فَتْحًا قَرِیْبًا ۟ۙ
Laq̣ad raḍiyal laahu ʻanil Muʹmineena ʹiẓ yubaayiʻoonaka taḥtash Shajarati faʻalima maa- q̣uloobihim fee faʹañzalas Sakeenata ʻalayhim wa-ʹas̤aabahum Fat-ḥañ q̣areebaa;
Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nakaalam Siya sa nasa mga puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katahimikan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit,
Verse 48:19
وَّمَغَانِمَ كَثِیْرَةً یَّاْخُذُوْنَهَا ؕ وَكَانَ اللّٰهُ عَزِیْزًا حَكِیْمًا ۟
Wa-mag̣aanima kas̤eeratañy yaʹkhuẓoonahaa: wa-kaanal laahu ʻAzeezan Ḥakeemaa.
at maraming samsam na makukuha nila. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Verse 48:20
وَعَدَكُمُ اللّٰهُ مَغَانِمَ كَثِیْرَةً تَاْخُذُوْنَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هٰذِهٖ وَكَفَّ اَیْدِیَ النَّاسِ عَنْكُمْ ۚ وَلِتَكُوْنَ اٰیَةً لِّلْمُؤْمِنِیْنَ وَیَهْدِیَكُمْ صِرَاطًا مُّسْتَقِیْمًا ۟ۙ
Waʻadakumul laahu mag̣aanima kas̤eeratañ taʹkhuẓoonahaa faʻajjala lakum haaẓihee wa-kaffa ʹaydiyan naasi ʻañkum; wa-litakoona ʹAayatal lil-Muʹmineena wa-yahdiyakum Ṣiraaṭam Mustaq̣eemaa;
Nangako sa inyo si Allāh ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito at pumigil Siya sa mga kamay ng mga tao laban sa inyo, at upang ang mga [samsam sa digmaan na] ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
Verse 48:21
وَّاُخْرٰی لَمْ تَقْدِرُوْا عَلَیْهَا قَدْ اَحَاطَ اللّٰهُ بِهَا ؕ وَكَانَ اللّٰهُ عَلٰی كُلِّ شَیْءٍ قَدِیْرًا ۟
Wa-ʹukhraa lam taq̣diroo ʻalayhaa q̣ad ʹaḥaaṭal laahu bihaa: wa-kaanal laahu ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeeraa.
May iba pa [na mga pagwawaging ipinangako] na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na pumaligid si Allāh sa mga iyon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Verse 48:22
وَلَوْ قٰتَلَكُمُ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا لَوَلَّوُا الْاَدْبَارَ ثُمَّ لَا یَجِدُوْنَ وَلِیًّا وَّلَا نَصِیْرًا ۟
Wa-law q̣aatalakumul laẓeena kafaroo lawallawul ʹadbaara s̤umma laa- yajidoona wa-liyyañwwa laa- naṣeeraa.
Kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
Verse 48:23
سُنَّةَ اللّٰهِ الَّتِیْ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلُ ۖۚ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللّٰهِ تَبْدِیْلًا ۟
Sunnatal laahil latee q̣ad khalat miñ q̣ablu wa-lañ tajida li-Sunnatil laahi tabdeelaa.
[Nagsakalakaran] ng kalakaran ni Allāh na nagdaan na bago pa niyan at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
Verse 48:24
وَهُوَ الَّذِیْ كَفَّ اَیْدِیَهُمْ عَنْكُمْ وَاَیْدِیَكُمْ عَنْهُمْ بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنْ بَعْدِ اَنْ اَظْفَرَكُمْ عَلَیْهِمْ ؕ وَكَانَ اللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ بَصِیْرًا ۟
Wa-Huwal laẓee kaffa ʹaydiyahum ʻañkum wa-ʹaydiyakum ʻanhum bibaṭni Makkata mim baʻdi ʹan ʹaz̤̣farakum ʻalayhim. Wa-kaanal laahu bimaa taʻmaloona Baṣeeraa.
Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [Ḥudaybīyah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita.
Verse 48:25
هُمُ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا وَصَدُّوْكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْیَ مَعْكُوْفًا اَنْ یَّبْلُغَ مَحِلَّهٗ ؕ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُّؤْمِنُوْنَ وَنِسَآءٌ مُّؤْمِنٰتٌ لَّمْ تَعْلَمُوْهُمْ اَنْ تَطَـُٔوْهُمْ فَتُصِیْبَكُمْ مِّنْهُمْ مَّعَرَّةٌ بِغَیْرِ عِلْمٍ ۚ لِیُدْخِلَ اللّٰهُ فِیْ رَحْمَتِهٖ مَنْ یَّشَآءُ ۚ لَوْ تَزَیَّلُوْا لَعَذَّبْنَا الَّذِیْنَ كَفَرُوْا مِنْهُمْ عَذَابًا اَلِیْمًا ۟
Humul laẓeena kafaroo wa-ṣaddookum ʻanil Masjidil Ḥaraami walhadya maʻkoofan ʹañy yablug̣a maḥillah. Wa-lawlaa rijaalum Muʹminoona wa-nisaaaʹum Muʹminaatul lam taʻlamoohum ʹañ taṭaʹoohum fatuṣeebakum minhum maʻarratum big̣ayri ʻilm, liyudkhilal laahu fee Raḥmatihee mañy yashaaaʹ. Law tazayyaloo laʻaẓẓabnal laẓeena kafaroo minhum ʻaẓaaban ʹaleemaa.
Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] – [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
Verse 48:26
اِذْ جَعَلَ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا فِیْ قُلُوْبِهِمُ الْحَمِیَّةَ حَمِیَّةَ الْجَاهِلِیَّةِ فَاَنْزَلَ اللّٰهُ سَكِیْنَتَهٗ عَلٰی رَسُوْلِهٖ وَعَلَی الْمُؤْمِنِیْنَ وَاَلْزَمَهُمْ كَلِمَةَ التَّقْوٰی وَكَانُوْۤا اَحَقَّ بِهَا وَاَهْلَهَا ؕ وَكَانَ اللّٰهُ بِكُلِّ شَیْءٍ عَلِیْمًا ۟۠
ʹIẓ jaʻalal laẓeena kafaroo fee q̣uloobihimul ḥamiyyata Ḥamiyyatal Jaahiliyyati faʹañzalal laahu Sakeenatahoo ʻalaa Rasoolihee wa-ʻalal Muʹmineena wa-ʹalzamahum kalimatat taq̣waa wa-kanooo ʹaḥaq̣q̣a bihaa wa-ʹahlahaa. Wa-kaanal laahu bikulli shayʹin ʻAleemaa.
Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng [pagkadama ng] kapalaluan, kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan, ay nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag magkasala, at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Verse 48:27
لَقَدْ صَدَقَ اللّٰهُ رَسُوْلَهُ الرُّءْیَا بِالْحَقِّ ۚ لَتَدْخُلُنَّ الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ اِنْ شَآءَ اللّٰهُ اٰمِنِیْنَ ۙ مُحَلِّقِیْنَ رُءُوْسَكُمْ وَمُقَصِّرِیْنَ ۙ لَا تَخَافُوْنَ ؕ فَعَلِمَ مَا لَمْ تَعْلَمُوْا فَجَعَلَ مِنْ دُوْنِ ذٰلِكَ فَتْحًا قَرِیْبًا ۟
Laq̣ad ṣadaq̣al laahu Rasoolahur ruʹyaa bilḥaq̣q̣: latadkhulunnal Masjidal Ḥaraama ʹiñ shaaaʹal laahu ʹaamineena muḥalliq̣eena ruʹoosakum wa-muq̣aṣṣireena laa takhaafoon. Faʻalima maa- lam taʻlamoo fajaʻala miñ dooni ẓaalika fatḥañ q̣areebaa.
Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah], kung niloob ni Allāh, na mga ligtas na mga nag-ahit ng mga ulo ninyo [ang ilan] at mga nagpaiksi [ng buhok ang ilan], na hindi kayo nangangamba, saka nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman kaya gumawa Siya bukod pa roon ng isang pagpapawaging malapit.
Verse 48:28
هُوَ الَّذِیْۤ اَرْسَلَ رَسُوْلَهٗ بِالْهُدٰی وَدِیْنِ الْحَقِّ لِیُظْهِرَهٗ عَلَی الدِّیْنِ كُلِّهٖ ؕ وَكَفٰی بِاللّٰهِ شَهِیْدًا ۟ؕ
Huwal laẓeee ʹarsala Rasoolahoo bil-Hudaa wa-Deenil Ḥaq̣q̣i liyuz̤̣hirahoo ʻalad deeni kullih: wa-kafaa billaahi Shaheedaa.
Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.
Verse 48:29
مُحَمَّدٌ رَّسُوْلُ اللّٰهِ ؕ وَالَّذِیْنَ مَعَهٗۤ اَشِدَّآءُ عَلَی الْكُفَّارِ رُحَمَآءُ بَیْنَهُمْ تَرٰىهُمْ رُكَّعًا سُجَّدًا یَّبْتَغُوْنَ فَضْلًا مِّنَ اللّٰهِ وَرِضْوَانًا ؗ سِیْمَاهُمْ فِیْ وُجُوْهِهِمْ مِّنْ اَثَرِ السُّجُوْدِ ؕ ذٰلِكَ مَثَلُهُمْ فِی التَّوْرٰىةِ ۛۖۚ وَمَثَلُهُمْ فِی الْاِنْجِیْلِ ۛ۫ۚ كَزَرْعٍ اَخْرَجَ شَطْـَٔهٗ فَاٰزَرَهٗ فَاسْتَغْلَظَ فَاسْتَوٰی عَلٰی سُوْقِهٖ یُعْجِبُ الزُّرَّاعَ لِیَغِیْظَ بِهِمُ الْكُفَّارَ ؕ وَعَدَ اللّٰهُ الَّذِیْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ مِنْهُمْ مَّغْفِرَةً وَّاَجْرًا عَظِیْمًا ۟۠
Muḥammadur Rasoolul laah: wallaẓeena maʻahooo ʹashiddaaaʹu ʻalal kuffaari ruḥamaaaʹu baynahum taraahum rukkaʻañ sujjadañy yabtag̣oona faḍlam minal laahi wa-Riḍwaanaa. Seemaahum fee wujoohihim min ʹas̤aris sujood. Ẓaalika mas̤aluhum fit Tawraati wa-mas̤aluhum fil ʹIñjeel: kazarʻin ʹakhraja shaṭʹahoo faʹaazarahoo fastag̣laz̤̣a fastawaa ʻalaa sooq̣ihee yuʻjibuz zurraaʻa liyag̣eez̤̣a bihimul kuffaar. Waʻadal laahul laẓeena ʹaamanoo wa-ʻamiluṣ ṣaaliḥaati minhum Mag̣firatañw WaʹAjran ʻaz̤̣eemaa.
Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila sa Torah. Ang paglalarawan naman sa kanila sa Ebanghelyo ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, saka pinalakas nito iyon, saka kumapal iyon, saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].