Surah Al-Ahqaf
Surah Al-Ahqaf (The Wind-Curved Sandhills) is Surah 46 of the Holy Quran, a Meccan Surah with 35 verses, available here in Tagalog.
Verse 46:1
حٰمٓ ۟ۚ
Ḥaa-Meeem.
Ḥā. Mīm.
Verse 46:2
تَنْزِیْلُ الْكِتٰبِ مِنَ اللّٰهِ الْعَزِیْزِ الْحَكِیْمِ ۟
Tañzeelul Kitaabi minal laahil ʻAzeezil Ḥakeem.
Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Verse 46:3
مَا خَلَقْنَا السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَمَا بَیْنَهُمَاۤ اِلَّا بِالْحَقِّ وَاَجَلٍ مُّسَمًّی ؕ وَالَّذِیْنَ كَفَرُوْا عَمَّاۤ اُنْذِرُوْا مُعْرِضُوْنَ ۟
Maa- khalaq̣nas samaawaati wal-ʹarḍa wa-maa baynahumaaa ʹillaa bilḥaq̣q̣i wa-ʹajalim musammaa: wallaẓeena kafaroo ʻammaaa ʹuñẓiroo muʻriḍoon.
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa isang taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila ay mga umaayaw.
Verse 46:4
قُلْ اَرَءَیْتُمْ مَّا تَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ اَرُوْنِیْ مَاذَا خَلَقُوْا مِنَ الْاَرْضِ اَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِی السَّمٰوٰتِ ؕ اِیْتُوْنِیْ بِكِتٰبٍ مِّنْ قَبْلِ هٰذَاۤ اَوْ اَثٰرَةٍ مِّنْ عِلْمٍ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِیْنَ ۟
Q̣ul ʹaraʹaytum maa tadʻoona miñ doonil laahi ʹaroonee maaẓaa khalaq̣oo minal ʹarḍi ʹam lahum shirkuñ fis samaawaat? ʹEetoonee bi-Kitaabim miñ q̣abli haaẓaaa ʹaw ʹas̤aaratim min ʻilmin ʹiñ kuñtum ṣaadiq̣een!
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Magdala kayo sa akin ng isang aklat [na ibinaba] bago pa nito o ng isang [natitirang] bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.”
Verse 46:5
وَمَنْ اَضَلُّ مِمَّنْ یَّدْعُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَنْ لَّا یَسْتَجِیْبُ لَهٗۤ اِلٰی یَوْمِ الْقِیٰمَةِ وَهُمْ عَنْ دُعَآىِٕهِمْ غٰفِلُوْنَ ۟
Wa-man ʹaḍallu mimmañy yadʻoo miñ doonil laahi mal laa yastajeebu lahooo ʹilaa Yawmil Q̣iyaamati wa-hum ʻañ duʻaaaʹihim g̣aafiloon?
Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?
Verse 46:6
وَاِذَا حُشِرَ النَّاسُ كَانُوْا لَهُمْ اَعْدَآءً وَّكَانُوْا بِعِبَادَتِهِمْ كٰفِرِیْنَ ۟
Wa-ʹiẓaa ḥushiran naasu kaanoo lahum ʹaʻdaaaʹañw Wakaanoo biʻibaadatihim kaafireen!
Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala].
Verse 46:7
وَاِذَا تُتْلٰی عَلَیْهِمْ اٰیٰتُنَا بَیِّنٰتٍ قَالَ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا لِلْحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمْ ۙ هٰذَا سِحْرٌ مُّبِیْنٌ ۟ؕ
Wa-ʹiẓaa tutlaa ʻalayhim ʹAayaatunaa Bayyinaatiñ q̣aalal laẓeena kafaroo lil-Ḥaq̣q̣i lammaa jaaaʹahum haaẓaa siḥrum mubeen!
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”
Verse 46:8
اَمْ یَقُوْلُوْنَ افْتَرٰىهُ ؕ قُلْ اِنِ افْتَرَیْتُهٗ فَلَا تَمْلِكُوْنَ لِیْ مِنَ اللّٰهِ شَیْـًٔا ؕ هُوَ اَعْلَمُ بِمَا تُفِیْضُوْنَ فِیْهِ ؕ كَفٰی بِهٖ شَهِیْدًا بَیْنِیْ وَبَیْنَكُمْ ؕ وَهُوَ الْغَفُوْرُ الرَّحِیْمُ ۟
ʹAm yaq̣ooloonaf taraah? Q̣ul ʹinif taraytuhoo falaa tamlikoona lee minal laahi shayʹaa. Huwa ʹaʻlamu bimaa tufeeḍoona feeh! Kafaa bihee Shaheedam baynee wa-baynakum! Wa-Huwal G̣afoorur Raḥeem.
O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.”
Verse 46:9
قُلْ مَا كُنْتُ بِدْعًا مِّنَ الرُّسُلِ وَمَاۤ اَدْرِیْ مَا یُفْعَلُ بِیْ وَلَا بِكُمْ ؕ اِنْ اَتَّبِعُ اِلَّا مَا یُوْحٰۤی اِلَیَّ وَمَاۤ اَنَا اِلَّا نَذِیْرٌ مُّبِیْنٌ ۟
Q̣ul maa- kuñtu bidʻam minar rusuli wa-maaa ʹadree maa- yufʻalu bee wa-laa bikum. ʹIn ʹattabiʻu ʹillaa maa- yooḥaaa ʹilayya wa-maaa ʹana ʹillaa Naẓeerum mubeen.
Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”
Verse 46:10
قُلْ اَرَءَیْتُمْ اِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللّٰهِ وَكَفَرْتُمْ بِهٖ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِّنْ بَنِیْۤ اِسْرَآءِیْلَ عَلٰی مِثْلِهٖ فَاٰمَنَ وَاسْتَكْبَرْتُمْ ؕ اِنَّ اللّٰهَ لَا یَهْدِی الْقَوْمَ الظّٰلِمِیْنَ ۟۠
Q̣ul ʹaraaytum ʹiñ kaana min ʻiñdil laahi wa-kafartum̃ bihee wa-shahida shaahidum mim Baneee ʹIsraaaʹeela ʻalaa mis̤lihee faʹaamana wastakbartum? ʹInnal laaha laa- yahdil q̣awmaz̤̣ z̤̣aalimeen.
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay Allāh batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?” Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Verse 46:11
وَقَالَ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا لِلَّذِیْنَ اٰمَنُوْا لَوْ كَانَ خَیْرًا مَّا سَبَقُوْنَاۤ اِلَیْهِ ؕ وَاِذْ لَمْ یَهْتَدُوْا بِهٖ فَسَیَقُوْلُوْنَ هٰذَاۤ اِفْكٌ قَدِیْمٌ ۟
Wa-q̣aalal laẓeena kafaroo lillaẓeena ʹaamanoo law kaana khayram maa sabaq̣oonaaa ʹilayh! Wa-ʹiẓ lam yahtadoo bihee fasayaq̣ooloona haaẓaaa ʹifkuñ q̣adeem!
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Kung sakaling [ang Islām na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.” Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: “Ito ay isang panlilinlang na luma.”
Verse 46:12
وَمِنْ قَبْلِهٖ كِتٰبُ مُوْسٰۤی اِمَامًا وَّرَحْمَةً ؕ وَهٰذَا كِتٰبٌ مُّصَدِّقٌ لِّسَانًا عَرَبِیًّا لِّیُنْذِرَ الَّذِیْنَ ظَلَمُوْا ۖۗ وَبُشْرٰی لِلْمُحْسِنِیْنَ ۟ۚ
Wa-miñ q̣ablihee Kitaabu Moosaaa ʹimaamañw Waraḥmah: wa-haaẓaa Kitaabum muṣaddiq̣ul lisaanan ʻArabiyyal liyuñẓiral laẓeena z̤̣alamoo wa-Bushraa lil-Muḥsineen.
Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda.
Verse 46:13
اِنَّ الَّذِیْنَ قَالُوْا رَبُّنَا اللّٰهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوْا فَلَا خَوْفٌ عَلَیْهِمْ وَلَا هُمْ یَحْزَنُوْنَ ۟ۚ
ʹInnal laẓeena q̣aaloo Rabbunal laahu s̤ummas taq̣aamoo falaa khawfun ʻalayhim wa-laa hum yaḥzanoon.
Tunay na ang mga nagsabi: “Ang Panginoon namin ay si Allāh,” pagkatapos nagpakatuwid sila, ay walang pangamba sa kanila ni sila ay” malulungkot.”
Verse 46:14
اُولٰٓىِٕكَ اَصْحٰبُ الْجَنَّةِ خٰلِدِیْنَ فِیْهَا ۚ جَزَآءً بِمَا كَانُوْا یَعْمَلُوْنَ ۟
ʹUlaaaʹika ʹAṣḥaabul Jannati khaalideena feehaa: jazaaaʹam bimaa kaanoo yaʻmaloon.
Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang ganti sa dati nilang ginagawa.
Verse 46:15
وَوَصَّیْنَا الْاِنْسَانَ بِوَالِدَیْهِ اِحْسٰنًا ؕ حَمَلَتْهُ اُمُّهٗ كُرْهًا وَّوَضَعَتْهُ كُرْهًا ؕ وَحَمْلُهٗ وَفِصٰلُهٗ ثَلٰثُوْنَ شَهْرًا ؕ حَتّٰۤی اِذَا بَلَغَ اَشُدَّهٗ وَبَلَغَ اَرْبَعِیْنَ سَنَةً ۙ قَالَ رَبِّ اَوْزِعْنِیْۤ اَنْ اَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِیْۤ اَنْعَمْتَ عَلَیَّ وَعَلٰی وَالِدَیَّ وَاَنْ اَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضٰىهُ وَاَصْلِحْ لِیْ فِیْ ذُرِّیَّتِیْ ؕۚ اِنِّیْ تُبْتُ اِلَیْكَ وَاِنِّیْ مِنَ الْمُسْلِمِیْنَ ۟
Wa-waṣṣaynal ʹiñsaana biwaalidayhi ʹiḥsaanaa: ḥamalathu ʹummuhoo kurhañw wawaḍaʻathu kurhaa. Wa-ḥamluhoo wa-fiṣaaluhoo s̤alaas̤oona shahraa. Ḥattaaa ʹiẓaa balag̣a ʹashuddahoo wa-balag̣a ʹarbaʻeena sanatañ q̣aala Rabbi ʹawziʻneee ʹan ʹashkura niʻmatakal lateee ʹanʻamta ʻalayya wa-ʻalaa waalidayya wa-ʹan ʹaʻmala ṣaaliḥañ tarḍaahu wa-ʹaṣliḥ lee fee ẓurriyyatee. ʹInnee tubtu ʹilayka wa-ʹinnee minal Muslimeen.
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang ito sa kanya sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan; hanggang sa nang umabot siya sa katindihan niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay magsasabi siya: “Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin sa mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi at pagtalima] at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.”
Verse 46:16
اُولٰٓىِٕكَ الَّذِیْنَ نَتَقَبَّلُ عَنْهُمْ اَحْسَنَ مَا عَمِلُوْا وَنَتَجَاوَزُ عَنْ سَیِّاٰتِهِمْ فِیْۤ اَصْحٰبِ الْجَنَّةِ ؕ وَعْدَ الصِّدْقِ الَّذِیْ كَانُوْا یُوْعَدُوْنَ ۟
ʹUlaaaʹikal laẓeena nataq̣abbalu ʻanhum ʹaḥsana maa- ʻamiloo wa-natajaawazu ʻañ sayyiʹaatihim feee ʹaṣḥaabil Jannah: waʻdaṣ ṣidq̣il laẓee kaanoo yooʻadoon.
Ang mga iyon ay tatanggapan Namin buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at palalampasan Namin ng mga masagwang gawa nila [upang mapabilang sila] sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pangako ng katapatan na sa kanila noon ay ipinangangako.
Verse 46:17
وَالَّذِیْ قَالَ لِوَالِدَیْهِ اُفٍّ لَّكُمَاۤ اَتَعِدٰنِنِیْۤ اَنْ اُخْرَجَ وَقَدْ خَلَتِ الْقُرُوْنُ مِنْ قَبْلِیْ ۚ وَهُمَا یَسْتَغِیْثٰنِ اللّٰهَ وَیْلَكَ اٰمِنْ ۖۗ اِنَّ وَعْدَ اللّٰهِ حَقٌّ ۖۚ فَیَقُوْلُ مَا هٰذَاۤ اِلَّاۤ اَسَاطِیْرُ الْاَوَّلِیْنَ ۟
Wallaẓee q̣aala liwaalidayhi ʹuffil lakumaaa ʹataʻidaanineee ʹan ʹukhraja wa-q̣ad khalatil q̣uroonu miñ q̣ablee? Wa-humaa yastag̣ees̤aanil laaha waylaka ʹaamin! ʹInna waʻdal laahi ḥaq̣q̣. Fayaq̣oolu maa- haaẓaaa ʹillaaa ʹasaaṭeerul ʹawwaleen!
Ang nagsabi sa mga magulang niya: “Pagkasuya sa inyong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako [sa libingan] samantalang lumipas na ang mga [ibang] salinlahi bago ko pa?” samantalang silang dalawa [na mga madulang] ay nagpapasaklolo kay Allāh, [na nagsasabi]: “Kapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni Allāh ay [laging] totoo,” ngunit nagsasabi naman siya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.”
Verse 46:18
اُولٰٓىِٕكَ الَّذِیْنَ حَقَّ عَلَیْهِمُ الْقَوْلُ فِیْۤ اُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِمْ مِّنَ الْجِنِّ وَالْاِنْسِ ؕ اِنَّهُمْ كَانُوْا خٰسِرِیْنَ ۟
ʹUlaaaʹikal laẓeena ḥaq̣q̣a ʻalayhimul Q̣awlu feee ʹumamiñ q̣ad khalat miñ q̣ablihim minal jinni wal-ʹiñs: ʹinnahum kaanoo khaasireen.
Ang mga iyon ay ang mga nagindapat sa kanila ang hatol [ng pagdurusa] sa mga kalipunang lumipas bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi.
Verse 46:19
وَلِكُلٍّ دَرَجٰتٌ مِّمَّا عَمِلُوْا ۚ وَلِیُوَفِّیَهُمْ اَعْمَالَهُمْ وَهُمْ لَا یُظْلَمُوْنَ ۟
Wa-likulliñ darajaatum mimmaa ʻamiloo, wa-liyuwaf-fiyahum ʹaʻmaalahum Wahum laa- yuz̤̣lamoon.
Para sa lahat ay may mga antas [ng baytang] mula sa anumang ginawa nila, at upang maglulubus-lubos Siya sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan.
Verse 46:20
وَیَوْمَ یُعْرَضُ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا عَلَی النَّارِ ؕ اَذْهَبْتُمْ طَیِّبٰتِكُمْ فِیْ حَیَاتِكُمُ الدُّنْیَا وَاسْتَمْتَعْتُمْ بِهَا ۚ فَالْیَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُوْنِ بِمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُوْنَ فِی الْاَرْضِ بِغَیْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنْتُمْ تَفْسُقُوْنَ ۟۠
Wa-Yawma yuʻraḍul laẓeena kafaroo ʻalan Naar. ʹAẓhabtum ṭayyibaatikum fee ḥayaatikumud dunyaa wastamtaʻtum̃ bihaa: fal-Yawma tujzawna ʻaẓaabal hooni bimaa kuñtum tastakbiroona fil ʹarḍi big̣ayril ḥaq̣q̣i wa-bimaa kuñtum tafsuq̣oon.
Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: “Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo sa Mundo at nagtamasa kayo roon. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo dati ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasuwail.”
Verse 46:21
وَاذْكُرْ اَخَا عَادٍ ؕ اِذْ اَنْذَرَ قَوْمَهٗ بِالْاَحْقَافِ وَقَدْ خَلَتِ النُّذُرُ مِنْ بَیْنِ یَدَیْهِ وَمِنْ خَلْفِهٖۤ اَلَّا تَعْبُدُوْۤا اِلَّا اللّٰهَ ؕ اِنِّیْۤ اَخَافُ عَلَیْكُمْ عَذَابَ یَوْمٍ عَظِیْمٍ ۟
Waẓkur ʹAkhaa ʻAad: ʹIẓ ʹañẓara q̣awmahoo bil-ʹAḤQ̣AAFI wa-q̣ad khalatin nuẓuru mim bayni yadayhi wa-min khalfiheee ʹallaa taʻbudooo ʹillal laah: ʹinneee ʹakhaafu ʻalaykum ʻaẓaaba Yawmin ʻaz̤̣eem.
Banggitin mo [si Hūd], ang kapatid ng [liping] `Ād, noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Buhanginan. Lumipas na ang mga mapagbabala noong bago pa niya at noong matapos na niya, [na nagsasabi]: “Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
Verse 46:22
قَالُوْۤا اَجِئْتَنَا لِتَاْفِكَنَا عَنْ اٰلِهَتِنَا ۚ فَاْتِنَا بِمَا تَعِدُنَاۤ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِیْنَ ۟
Q̣aalooo ʹajiʹtanaa litaʹfikanaa ʻan ʹaalihatinaa? Faʹtinaa bimaa taʻidunaaa ʹiñ kuñta minaṣ ṣaadiq̣een!
Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa amin upang magpalihis ka sa amin palayo sa mga diyos namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin, kung ikaw ay naging sa mga tapat.”
Verse 46:23
قَالَ اِنَّمَا الْعِلْمُ عِنْدَ اللّٰهِ ۖؗ وَاُبَلِّغُكُمْ مَّاۤ اُرْسِلْتُ بِهٖ وَلٰكِنِّیْۤ اَرٰىكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُوْنَ ۟
Q̣aala ʹinnamal ʻilmu ʻiñdal laah: wa-ʹuballig̣ukum maaa ʹursiltu bihee wa-laakinneee ʹaraakum q̣awmañ tajhaloon!
Nagsabi siya: “Tanging ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.”
Verse 46:24
فَلَمَّا رَاَوْهُ عَارِضًا مُّسْتَقْبِلَ اَوْدِیَتِهِمْ ۙ قَالُوْا هٰذَا عَارِضٌ مُّمْطِرُنَا ؕ بَلْ هُوَ مَا اسْتَعْجَلْتُمْ بِهٖ ؕ رِیْحٌ فِیْهَا عَذَابٌ اَلِیْمٌ ۟ۙ
falammaa raʹawhu ʻaariḍam mustaq̣bila ʹawdiyatihim q̣aaloo haaẓaa ʻaariḍum mumṭirunaa! Bal huwa mas taʻjaltum̃ bih! reeḥuñ feehaa ʻAẓaabun ʹaleem!
Kaya noong nakakita sila niyon na isang ulap na [nakaharang na] nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: “Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin.” Bagkus iyon ay ang minadali ninyo na isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit.
Verse 46:25
تُدَمِّرُ كُلَّ شَیْءٍ بِاَمْرِ رَبِّهَا فَاَصْبَحُوْا لَا یُرٰۤی اِلَّا مَسٰكِنُهُمْ ؕ كَذٰلِكَ نَجْزِی الْقَوْمَ الْمُجْرِمِیْنَ ۟
Tudammiru kulla shayʹim biʹamri Rabbihaa faʹaṣbaḥoo laa- yuraaa ʹillaa masaakinuhum! Kaẓaalika najzil q̣awmal mujrimeen!
Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito kaya sila ay magiging walang nakikita kundi ang mga tirahan nila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.
Verse 46:26
وَلَقَدْ مَكَّنّٰهُمْ فِیْمَاۤ اِنْ مَّكَّنّٰكُمْ فِیْهِ وَجَعَلْنَا لَهُمْ سَمْعًا وَّاَبْصَارًا وَّاَفْـِٕدَةً ۖؗ فَمَاۤ اَغْنٰی عَنْهُمْ سَمْعُهُمْ وَلَاۤ اَبْصَارُهُمْ وَلَاۤ اَفْـِٕدَتُهُمْ مِّنْ شَیْءٍ اِذْ كَانُوْا یَجْحَدُوْنَ ۙ بِاٰیٰتِ اللّٰهِ وَحَاقَ بِهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ یَسْتَهْزِءُوْنَ ۟۠
Wa-laq̣ad makkannaahum feemaaa ʹim makkannaakum feehi wa-jaʻalnaa lahum samʻañw waʹabṣaarañw waʹafʹidah: famaaa ʹag̣naa ʻanhum samʻuhum wa-laaa ʹabṣaaruhum wa-laaa ʹafʹidatuhum miñ shayʹin ʹiẓ kaanoo yajḥadoona biʹAayaatil laahi wa-ḥaaq̣a bihim maa kaanoo bihee yastahziʹoon!
Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
Verse 46:27
وَلَقَدْ اَهْلَكْنَا مَا حَوْلَكُمْ مِّنَ الْقُرٰی وَصَرَّفْنَا الْاٰیٰتِ لَعَلَّهُمْ یَرْجِعُوْنَ ۟
Wa-laq̣ad ʹahlaknaa maa- ḥawlakum minal q̣uraa wa-ṣarrafnal ʹAayaati laʻallahum yarjiʻoon.
Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay babalik [sa masamang gawi nila].
Verse 46:28
فَلَوْلَا نَصَرَهُمُ الَّذِیْنَ اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ قُرْبَانًا اٰلِهَةً ؕ بَلْ ضَلُّوْا عَنْهُمْ ۚ وَذٰلِكَ اِفْكُهُمْ وَمَا كَانُوْا یَفْتَرُوْنَ ۟
Falawlaa naṣarahumul laẓeenat takhaẓoo miñ doonil laahi q̣urbaanan ʹaalihah? Bal ḍalloo ʻanhum: wa-ẓaalika ʹifkuhum wa-maa kaanoo yaftaroon.
Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa.
Verse 46:29
وَاِذْ صَرَفْنَاۤ اِلَیْكَ نَفَرًا مِّنَ الْجِنِّ یَسْتَمِعُوْنَ الْقُرْاٰنَ ۚ فَلَمَّا حَضَرُوْهُ قَالُوْۤا اَنْصِتُوْا ۚ فَلَمَّا قُضِیَ وَلَّوْا اِلٰی قَوْمِهِمْ مُّنْذِرِیْنَ ۟
Wa-ʹiẓ ṣarafnaaa ʹilayka nafaram minal Jinni yastamiʻoonal Q̣urʹaan. Falammaa ḥaḍaroohu q̣aalooo ʹañṣitoo! Falammaa q̣uḍiya wallaw ʹilaa q̣awmihim muñẓireen.
[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila].
Verse 46:30
قَالُوْا یٰقَوْمَنَاۤ اِنَّا سَمِعْنَا كِتٰبًا اُنْزِلَ مِنْ بَعْدِ مُوْسٰی مُصَدِّقًا لِّمَا بَیْنَ یَدَیْهِ یَهْدِیْۤ اِلَی الْحَقِّ وَاِلٰی طَرِیْقٍ مُّسْتَقِیْمٍ ۟
Q̣aaloo yaa-q̣awmanaaa ʹinnaa samiʻnaa Kitaaban ʹuñzila mim baʻdi Moosaa muṣaddiq̣al limaa bayna yadayhi yahdeee ʹilal Ḥaq̣q̣i wa-ʹilaa Ṭareeq̣im Mustaq̣eem.
Nagsabi sila: “O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat na pinababa matapos na ni Moises, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
Verse 46:31
یٰقَوْمَنَاۤ اَجِیْبُوْا دَاعِیَ اللّٰهِ وَاٰمِنُوْا بِهٖ یَغْفِرْ لَكُمْ مِّنْ ذُنُوْبِكُمْ وَیُجِرْكُمْ مِّنْ عَذَابٍ اَلِیْمٍ ۟
Yaa-q̣awmanaaa ʹajeeboo Daaʻiyal laahi wa-ʹaaminoo bihee yag̣fir lakum miñ ẓunoobikum wa-yujirkum min ʻAẓaabin ʹaleem.
O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit.
Verse 46:32
وَمَنْ لَّا یُجِبْ دَاعِیَ اللّٰهِ فَلَیْسَ بِمُعْجِزٍ فِی الْاَرْضِ وَلَیْسَ لَهٗ مِنْ دُوْنِهٖۤ اَوْلِیَآءُ ؕ اُولٰٓىِٕكَ فِیْ ضَلٰلٍ مُّبِیْنٍ ۟
Wa-mal laa yujib Daaʻiyal laahi falaysa bimuʻjiziñ fil ʹarḍi wa-laysa lahoo miñ dooniheee ʹawliyaaaʹ: ʹulaaaʹika fee ḍalaalim mubeen.
Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Verse 46:33
اَوَلَمْ یَرَوْا اَنَّ اللّٰهَ الَّذِیْ خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَلَمْ یَعْیَ بِخَلْقِهِنَّ بِقٰدِرٍ عَلٰۤی اَنْ یُّحْیِ الْمَوْتٰی ؕ بَلٰۤی اِنَّهٗ عَلٰی كُلِّ شَیْءٍ قَدِیْرٌ ۟
ʹAwalam yaraw ʹannal laahal laẓee khalaq̣as samaawaati wal-ʹarḍa wa-lam yaʻya bikhalq̣ihinna biq̣aadirin ʻalaaa ʹañy yuḥyiyal mawtaa? Balaaa ʹinnahoo ʻalaa kulli shayʹiñ Q̣adeer.
Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Verse 46:34
وَیَوْمَ یُعْرَضُ الَّذِیْنَ كَفَرُوْا عَلَی النَّارِ ؕ اَلَیْسَ هٰذَا بِالْحَقِّ ؕ قَالُوْا بَلٰی وَرَبِّنَا ؕ قَالَ فَذُوْقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُوْنَ ۟
Wa-Yawma yuʻraḍul laẓeena kafaroo ʻalan Naar; ʹalaysa haaẓaa bil-Ḥaq̣q̣? Q̣aaloo balaa wa-Rabbinaa! Q̣aala faẓooq̣ul ʻaẓaaba bimaa kuñtum takfuroon!
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.”
Verse 46:35
فَاصْبِرْ كَمَا صَبَرَ اُولُوا الْعَزْمِ مِنَ الرُّسُلِ وَلَا تَسْتَعْجِلْ لَّهُمْ ؕ كَاَنَّهُمْ یَوْمَ یَرَوْنَ مَا یُوْعَدُوْنَ ۙ لَمْ یَلْبَثُوْۤا اِلَّا سَاعَةً مِّنْ نَّهَارٍ ؕ بَلٰغٌ ۚ فَهَلْ یُهْلَكُ اِلَّا الْقَوْمُ الْفٰسِقُوْنَ ۟۠
Faṣbir kamaa ṣabara ʹulul ʻazmi minar rusuli wa-laa tastaʻjil lahum. Kaʹannahum Yawma yarawna maa- yooʻadoona lam yalbas̤ooo ʹillaa saaʻatam min nahaar. Balaag̣uñ fahal yuhlaku ʹillal q̣awmul faasiq̣oon.
Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh].